27.3 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

Online Horoscope Nobyembre 9, 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) -Hindi titigil ang paganda ang iyong buhay dahil taglay mo ang lakas ng loob na sobra sa sapat para ikaw ay yumaman. Kaya kahit kailan, hindi ka dapat panghinaan ng loob, lalo na ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-19-20-39-40-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) -Dika dapat magpatalo sa mga taong negatibo na gustong paniwalaan ka. Kabilang sa mga taong negatibo ay ang mga nag-iisip ng hindi maganda sa kapwa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-20-26-28-31.

GEMINI (May 21-June 20) -Magpatuloy  kang kumilos na parang hindi ka nag-aalinlangan. Kumilos ka nang may tiwala sa sarili mo na nakatingin sa magagandang resulta ng buhay. Ito ang susi mo sa malalaking tagumpay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-19-22-26-28-38.

CANCER (June 21-July 22) – Nag-aalangin ka ba at hindi mo alam kung bakit? Ito ay sa dahilang nasasagap ng sarili mo ang nagdadatingan na malalaking suwerte sa buhay mo na mag-uumpisang dumating ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-9-24-26-34-37.

LEO (July 23-Aug. 22) – Mapapalaban ka ngayon sa iyong Isipan. Oo, isipan mo talaga. Siya ang taong nagtataglay ng iyong kahinaan at dahil ayaw na ayaw mong malantad, maiinis ka sa kanya. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-7-12-17-29-30-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Kagyat na iinit ang ulo mo dahil sa ilang tao na hirap makaintindi. Kapag napansin mo na may ganitong tao sa palagid mo, maging mahinahon ka dahil maraming ganu’ng uri ng tao. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto- 7-18-23-25-36-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Kahit nagkakamali o nakakagawa ka ng kasalanan, ang langit ay palaging nakahanda na kunsintihin ka. Huwag mong kaligtaan na dapat ay lagi kang magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-27-33-37-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Tumataas ang mga alon sa dagat at nakakarating sa kalupaan. Dala ngayon ng mga along ito sa iyong kapalaran ang magagandang bagay na labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-19-23-37-40-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Huwag mong pansinin ang mahihina ang pang-unawa dahil baka ikaw ay mahawa at matulad sa kanila. Hindi lang sakit ang nakakahawa dahil ang kakitiran ng utak ay nakakahawa rin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-21-25-27-30-31.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Nag-aaway ngayon ang lamig at init. Sa kanilang paglalaban, ikaw ang makikinabang. Dadami ang oportunidad para sa iyo at pagkakataon mo na upang umunlad ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-19-25-26-38-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Kung ano ang gusto mo, ‘yun ang mangyayari sa buhay mo. Tukuyin mo at huwag nang haluan pa ng mga dekorasyon kapag sinabi mo sa langit ang mga ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-19-29-32-34-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Hindi ka mauubusan ng mga suwerte na inilaan ng iyong kapalaran. Kumukuha lang ng malalakas na buwelo ang nasabing mga suwerte nang sa gayun ay lubos kang matuwa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-25-27-34-35-40.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.