32.4 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Online Horoscope Nobyembre 8, 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) Magiging matatag ang iyong kalagayan. Mananatili ka sa itaas nang sa gayun ay malaman ng iyong mga kaaway na hindi ka basta-basta babagsak  matatalo, anumang panggugulo ang gawin nila sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-15-20-25-36-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Kung ano ang kinakain, ‘yun mismo ang papasok sa katawan mo. Kung sino ang kadikit mo, siya ang magiging bahagi ng iyong pagkatao. Dumikit ka sa mga angat sabuhay at may pangarap,aangat din ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-16-21-24-26-36.

GEMINI (May 21-June 20) Mabilis na dadapo sa iyo ang ilang suwerte na hindi mo pinansin sa nakaraan. Pero dahil ang mga ito  nakalaan para sa iyo, muli silang babalik iyo. Masuwerteng kulay-violete. Tips sa lotto-17-26-24-28-33-45

CANCER (June 21-July 22) – Huwag kang magkunwaring malakas at matapang. Dahil kahit mahina ka, ang alalay mo ay magmumula sa itaas. Kaya kahit mahina ka basta masikap  magtatagumapay ka.

Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-23-31-35-39-41.

LEO (July 23-Aug. 22) -Magtatapos ang kailangang matapos. Bakit ka mangangamba sa pagwawakas ng ilang kabanata ng iyong buhay? Ihanda mo ang iyong sarili sa mga bagong simula na magdadala sa iyo mga bagong opportunidad. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-11-17-22-25-28-30.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) Bilisan. Hindi puwede ang nakasanayan mong matagal mag-isip bago gumawa  hakbang. Ito ay para hindi ka maunahan ng mga karibal at kakumpitensya mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-15-22-24-38-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) -Harapin at tangapin   nang maluwag sa loob ang mga pangyayari sa iyong buhay. Ibulong mo sa iyong sarili na, “Ito ay lilipas din!” Kailangang mangyari ang mga ito nang mabigyang-daan ang mga bago at sariwa mong kapalaran. Masuwerteng kulay-Yellow. Tips sa lotto-5-8-10-27-30-33.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Abala ka sa maraming bagay, kaya halos wala kang panahon at konsentrasyon sa isang bagay na dapat mong tutukan. Mamahinga at mamasyal ka muna dahil sa ganitong paraan, malalaman mo ang dapat unahin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-11- 17-29-31-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Ikaw ay magiging masuwerte ngayon. May iba pang mapalad, pero ikaw ay mas magiging masuwerte at angat kaysa sa kanila. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-lavander. Tips sa lotto-15-23-23-26-36-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Nakakatuwa ang paalala ng kapalaran mo na nagsasabing, alisin mo na ang sapin sa iyong mga paa at maglakad ka. Kapag nagawa mo ito, ang malaking suwerte ay agad na dadapo sa buhay mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-18-24-28-39-40-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Kapag naghabol ka, hindi mo makukuha, pero kapag hindi ka naghabol, ikaw ang hahabulin. Kaya ikaw ang magpapasya sa kung ano ang susunod na mangyayari. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-17-21-25-27-38

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Ito ang araw na sobrang papalarin ka, pero may kondisyon ang langit. Humanap ka ng isa subrang naghihikahos sa buhay na malapit sa iyo at tulungan mo siya nang palihim. Dahil dito, mas malaking suwerte ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-Green. Tips sa lotto-14-20-21-27-30-33.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.