27.3 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

Online Horoscope Nobyembre 4, 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Medyo mahirap matagpuan ang suwerte mo ngayon, pero ang paunang impormasyon makikita mo ito sa mahiyaing tao at hindi palakaibigan. Tamihik ito ngunit masamang magalit. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-19-20-23-39-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Makakabahagi ka ng mga suwerteng ihuhulog ng langit. Para mas malaki at marami ang mapunta sa iyo, ang payo ay tulungan mo ang mga kapus-palad. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-21-23-28-38-39.

GEMINI (May 21-June 20) – Hindi ka dapat mainip. Mas mapalad ang marunong maghintay kaysa sa nagmamadali na ang gusto ay makamit agad ang kanyang mga pangarap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-17-24-25-36-37.

CANCER (June 21-July 22) – Kakaiba ang kapalaran mo ngayon at maaari kang hindi maniwala dahil kung sino ang kontra-bida sa buhay mo, siya pa mismo ang paggagalingan ng mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-22-27-30-31-32.

LEO (July 23-Aug. 22) – Ikaw ang dapat na unang magpakita ng pagmamahal, ‘pag nagawa mo ‘yan, hindi lang ang minahal mo ang matutuwa, maging ang langit ay magagalak din at dadagsa sa iyo ang mga biyaya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-20-21-25-26-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Aakalain mong masikip ang landas ng buhay na iyong nilalakaran, pero ang nagpasikip lang naman nito ay dahil marami kang bitbit na mga negatibong pananaw sa buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-20-22-23-28-30-36.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Kahit labag sa loob mo, alalayan mo pa rin ang iyong kaibigan na iyong kinaiinisan dahil mahirap nga lang paniwalaan pero siya ngayon ang iyong pampabuwenas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-14-29-31-39-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Ito ang araw na inuutusan ka ng langit na isagawa nang mabilis ang anumang bagay na naiisip mo, dahil kapag mabilis ka, ito ay tiyak na mangyayari, matutupad at magkakatotoo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-19-21-25-26-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Huwag mong kalilimutan na ang paisa-isang hakbang papasulong ay mabisang pormula upang maabot ang iyong ambisyon sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-22-26-27-33-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Muling ibinalik ng langit ang masusuwerteng araw mo dahil hanggang ngayon ang mga lihim mong kaaway ay nagnanais pa rin na ikaw ay mabigo at pabagsakin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-23-25-30-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Huwag mong hanapin ang iyong ligaya dahil ayon sa kapalaran mo, ikaw mismo ang lilikha ng tunay na kaligayahan. Ito ang itanim mo sa isip mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-17-21-24-26-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Aakalain ng mga karibal mo na talo ka na ‘pag ginawa mo ang isang hakbang paatras. Kapag napansin mo nasiyahan sila, gawin mo naman ang dalawang hakbang pasulong. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-15-18-28-30.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.