27.5 C
Manila
Wednesday, July 24, 2024

Online Horoscope Nobyembre 28, 2023

ARIES (Marso 21 – April 19) Tatalunin mo ang lahat ng magtatangkang lumaban sa iyo. Silang lahat ay walang magagawa laban sa iyo dahil ikaw ay talaga namang ipinanganak upang magwagi at manalo, lalo na sa labanan ng pagandahan. Mapalad ang kulay na blue. Masuwerteng numero: 3, 9, 18, 33, 39, 45.

TAURUS (April 20 – Mayo 20) Maaandap sa iyo ang mga nasa tabi mo. Ibig sabihin, sa araw na ito ay walang puwedeng kumontra sa mga kagustuhan mo dahil ang sinumang kokontra sa kagustuhan mo ay dadatnan ng kamalasan, habang ang suwerteng dapat ay mapasa kanila ay mapupunta sa iyo. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero: 9, 19, 25, 32, 34, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Unti-unti nang tumatalab sa ‘yo ang iyong lucky charm. Dahan-dahan hanggang sa biglang ang iyong buhay ay makikitang paunlad nang paunlad. Himas-himasin mo ng dahan-dahan at may pagmamahal ang iyong lucky charm upang lalo pa itong lumaki at upang lalo pang lumakas ang bisa nito. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero: 7, 16, 25, 28, 31, 40.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Dagdagan mo pa ang tiwala mo sa iyong sarili. Ipakita mo sa mundo na may kakayahan kang abutin ang iyong ambisyon. At ang ambisyon mong ito ay siguradong iyong maaabot. Yayaman ka at magkakaroon ng maraming mga ari-arian. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero: 8, 17, 25, 31, 37, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ito ang araw na susunod sa mga sinasabi mo ang mga pangyayari. Kapag sinabi mong ikaw ay mahina, hihina ka, pero kapag sinabi mong ikaw ay malakas ngayon, tiyak na lalakas ang iyong kapangyarihan. Ang kapangyarihan mo ay ang sumagap ng suwerte at magagandang kapalaran, na palakas pa ng palakas sa bawat araw. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero: 6, 19, 27, 36, 39, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kung ano ang gusto mo ay gawin mo. Dahil sa ganitong paraan matutuklasan mong kailangan mo lang pala gawin ang gusto mo at maaakit mo na ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero: 1, 10, 28, 38, 34, 44.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Malakas ang panghigop mo sa araw na ito. Lumayo ka sa mga negatibong tao at mareklamo dahil mahihigop mo sila. Dumikit ka at magsama sa mga sinusuwerte sa mga may sinasabi at sa mga mayayaman na tao, dahil kadikit mo sila, mahihigop mo ang kanilang suwerte at malilipat sa iyo. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero: 9, 16, 27, 35, 39, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) “Panalo”. Ito mismo ang kahulugan ng araw na ito sa iyong kapalaran. Ito rin ay tanda na hindi ka matatalo sa anumang laban ng buhay. Kaya’t anuman ang hamon ng kapalaran na dumating ay siguradong mapagtatagumpayan mo. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero: 6, 12, 33, 39, 42, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ito ang araw na tatamaan ka ng hindi nakikitang sinag na ang pangalan ay “kung ano ang gusto mo, yon ang mangyayari!” Kaya mag-isip ka na ngayon ng isang bagay na gusto mong gawin. Iwasang mag-isip ng masama sa iyong kapwa, dahil yon nga ang mangyayari. Sa halip, puro mabuting bagay lamang ang gustuhin at isipin mo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero: 3, 17, 24, 33, 38, 42.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) Hindi mo kailangan ang ibang tao para sa sarili mo, pero ikaw ay kailangan nila para sila ay sumaya. Sumama ka sa kanila, upang makapagbigay ka ng ligaya sa mga taong nalulungkot. Kapag nakapagbibigay ka ng ligaya, dagdag na suwerte at magagandang kapalaran ang idudulot sa iyo nito. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero: 5, 17, 23, 34, 41, 43.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) Araw-araw ay bagong araw sa iyo, kaya wala kang karapatang magsabi na malayo sa iyo ang mga suwerte. Kaya lang nauudlot ang suwerte at magandang kapalarang papalapit na ng papalapit sa buhay mo, ay masyado ka kasing negatibo. Kapag nawala na ang iyong takot at mga pag-aalala, ang suwerte at magandang kapalarang nag-aabang sa iyo ay tuloy-tuloy ng papasok sa iyong pagkatao. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero: 2, 19, 23, 28, 31, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Narinig ng langit ang hiling mo na bigyan ka ng lakas ng loob, kaya ngayon ay binigyan ka at ito ay sobrang lakas ng loob. Kaya wala kang katuwiran kapag hindi mo pa ginawa ang mga bagay na gusto mong gawin sa buhay mo. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero: 1, 7, 16, 28, 35, 41.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.