27.2 C
Manila
Saturday, June 22, 2024

Online Horoscope Nobyembre 23, 2023

ARIES (Marso 21 – Abril 19) Matutugunan ang mga hamon sa pamamagitan ng pakikipagtulungan. Ngunit maaaring magulo ang sitwasyon kapag maraming nakikisali. Maging lider sa iyong grupo upang maayos ang takbo ng proyekto. Mapalad na kulay ang itim. Masuwerteng numero: 6, 18, 23, 39, 42, 45.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) Makinig sa mga suhestiyon ng mga malalapit sa iyo. Ang kanilang payo ay makakatulong sa iyo na mas lalo pang umangat ang iyong buhay hanggang sa tuluyang umasenso at yumaman. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero: 4, 10, 24, 34, 40, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Sa araw na ito, masyadong malakas ang iyong likas na kapangyarihan. Kaya naman, lahat ng iyong hangarin at naisin ay maaari mong makamit. Ituon mo ang iyong sarili sa pagpapaunlad ng iyong buhay upang lubos mong magamit ang iyong kapangyarihan. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero: 9, 15, 27, 36, 39, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Dinig ng langit ang iyong mga panalangin para sa pagbabago sa iyong mahal sa buhay. Ikaw mismo ang makikinabang at mapapansin mong siya ay nag-iba na kumpara sa dati. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero: 5, 15, 20, 22, 31, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Biglaang pagbabago ng takbo ng buhay ang ibinabalita ng araw na ito. Huwag kang mag-alala, dahil ang pagbabago ay para sa ikagaganda ng iyong kapalaran. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero: 5, 12, 26, 32, 41, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Sa araw na ito, matutupad ang pangarap mong mapansin ng isang tao na matagal mo nang gustong makilala. Kapag pinansin ka na ng taong ito, magsisimula na ang pagdating ng panibagong suwerte sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero: 1, 10, 25, 29, 34, 42.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Ikaw ang kanlungan ng mga naghihirap at ang sandalan ng mga bigo sa buhay. Sa iyo rin lumalapit ang mga sawi sa pag-ibig. Yakapin mo sila, ngunit huwag mong iibigin. Kapag hindi mo sila pinakinggan, tulad mo, ikaw din ay mangungulila. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero: 1, 14, 29, 37, 41, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Kung magagawa mo, mamasyal ka sa lugar kung saan nararamdaman mo ang kasiyahan. Pagkatapos, mamili, kumain, at mag-shopping ka upang ang iyong mga problema ay malunasan. Mapalad ang kulay na violet. Masuwerteng numero: 9, 18, 24, 34, 42, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Muling makakamtan ang suwerte sa araw na ito. Sasaya ka ng sobra, kaya makakalimutan mo ang iyong pangako na mag-ipon para sa hinaharap at magda-diet. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero: 2, 8, 11, 21, 36, 41, 44.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) Kahit ikaw ay magugulat sa iyong sarili, hanapin mo ang masayahing ikaw na tila nawawala. Hindi ka na ang masayang dating ikaw dahil iniinda ka ng problema. Ngunit ito ay pansamantala lamang. Hahawiin ng langit ang iyong mga suliranin, at muli, ang masayang ikaw ay babalik. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero: 2, 13, 25, 29, 38, 44.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) Nasa mataas na antas ang iyong likas na kahalagahan. Upang patunayan ito, hinahamon ka na makipagkita sa iyong iniidolo. Isa lang ang magiging resulta, mag-iibigan kayo. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero: 1, 15, 19, 29, 37, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi ka handa sa biglang pagbabago ng iyong kapalaran. Gayunpaman, handa man o hindi, magbabago na ang iyong kapalaran. Tatanggap ka ng maraming suwerte at magandang kapalaran, kaya ang araw na ito ay tatawaging: “Pagbabagong Buhay!” Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero: 4, 10, 28, 33, 39, 40.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.