28.6 C
Manila
Thursday, June 20, 2024

Online Horoscope Nobyembre 22, 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19): Lalong magiging masalimuot ang biyahe ng iyong buhay kapag nadaragdagan ang pasanin. Huwag kang sumali sa mga problema ng iba dahil marami ka nang sariling problema. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay: Itim. Tips sa lotto: 9-18-20-24-38-40.

TAURUS (Apr. 20-May 20): Ituloy mo lang ang mga plano mo. Wag pansinin ang mga negatibong naiiisip na pumapasok sa iyong isipan. Ito ang hiling ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay: Lila. Tips sa lotto: 4-7-11-15-24-31.

GEMINI (May 21-June 20): Kung kailangan mo ng tulong, humingi ka. Hindi maganda kung pipilitin mong gawin ang hindi mo kayang gawin. Walang masamang humingi ng tulong. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay: Peach. Tips sa lotto: 13-21-28-30-33-37.

CANCER (June 21-July 22): Nakakatuwa ang takbo ng kapalaran mo ngayon dahil ang inaakala mong kaaway ay magiging daan para sa iyong kapalaran. Ito ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay: Pula. Tips sa lotto: 2-18-20-30-38-42.

LEO (July 23-Aug. 22): Tumulong kaagad sa mga nangangailangan. Huwag mo nang patagalin ang tulong na ibibigay mo. Gawin mo at magugulat ka sa bilis ng pagsalubong ng suwerte at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay: Orange. Tips sa lotto: 11-17-18-27-34-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22): Sukatin mo muna ang pagkatao ng gustong lumapit sa iyo. Lumayo ka kung nakikita mong mabibigatan ka ng mga hindi magandang katangian na taglay niya. Masuwerteng kulay: Puti. Tips sa lotto: 18-21-24-26-34-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22): Hindi pwedeng mabuhay nang malungkot. Magsaya ka kahit mag-isa ka lang. Mula sa simpleng lakad hanggang sa masarap na pagkain, sapat na ito para maging masaya ang iyong buhay. Masuwerteng kulay: Berde. Tips sa lotto: 16-21-25-38-40-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21): Magbahagi ka sa pagtulong sa iba. Inaasahan ng langit ang ganitong gawain mula sa iyo dahil may malalaking suwerte para sa ipapakita mong kabutihang loob. Masuwerteng kulay: Dilaw. Tips sa lotto: 11-19-22-28-37-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21): Huwag mong bilangin ang minutong lumilipas. Ito’y isang pagsasayang lang para sa iyo. Minsan, sa buhay ng tao, ang paghihintay ay talo ng mabilis na mga hakbang. Masuwerteng kulay: Lila. Tips sa lotto: 4-18-23-33-39-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19): Hindi dapat patagilid ang mga kinakailangang gawin. Ang kasabihan na “Ano pa ang silbi ng damo kung patay na ang kabayo?” ay maaaring mangyari sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay: Pink. Tips sa lotto: 15-20-26-30-34-36.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18): Inuudyukan ng hangin ang alikabok. Sa ngayon, ang mga walang kabuluhan sa iyong kapalaran ay mawawala. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay: Beige. Tips sa lotto: 8-11-14-23-35-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20): Huwag mong ipagdamot ang mga bagay na mawawala sa iyo. Alam ng langit kung ano ang makakabuti sa iyong buhay. Tanggapin mo nang maluwag sa loob ang mga kaganapan sa harapan mo. Masuwerteng kulay: Asul. Tips sa lotto: 15-17-20-27-36-39.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.