32.8 C
Manila
Sunday, June 23, 2024

Online Horoscope Nobyembre 2, 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Magkakaroon ka ng buwenas ‘pag marunong kang magpakumbaba sa mga tila hinahamon ang zzz iyong pang-unawa. Kailangan mong intindihin ang mga taong makitid ang isip. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-19-24-27-34-37.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Magmumula ang suwerte sa taong malapit sa iyo. Pasimple kang makipag-usap at ikaw ay magugulat dahil sa kanya, ikaw ay susuwertehin. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-16-17-22-23-33-35.

GEMINI (May 21-June 20) – Magiging pabigla-bigla ka. Ang mga suwerte mo ay atras-abante, pero sa kabuuan, may maiiwan sa iyo na munting suwerte na puwede namang maglakihan sa susunod na mga araw. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-15-16-20-21-24.

CANCER (June 21-July 22) -Ito ang araw na nagsasabing magpatulong ka sa isang malapit sa iyo at tutulungan ka niya. Matapos ka niyang tulungan, sunud-sunod na suwerte ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-6-11-17-23-34.

LEO (July 23-Aug. 22) – Hahamunin ang katatagan mo sa mga pangyayari. Sa biglang tingin, grabeng hirap ang iyong aabutin. Pero sa pagiging matatag, mapagtatagumpayan mo rin ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-17-23-25-38-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Ngayon mo gamitin ang iyong malawak na kaalaman na nagsasabing, dapat pagpasensyahan ang mga mababa at mahihina upang tuluy-tuloy na gumanda ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-26-29-30-31-38-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Muli, maaalala mo na ang tunay na pagmamahal ay hindi natutumbasan ng salapi at mga ari-arian. Huwag mong kakalimutan ang araw na ito, gawin mo itong gabay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-13-16-20-21-24-28.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Humugot ka ng lakas sa mga hamon ng kapalaran na iyong napagtagumpayan. Sa ganitong paraan, kahit malalaking pagsubok ay iyong matatalo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-23-26-35-37-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Kaysa makisali sa walang kuwentang kuwentuhan, muli mong silipin ang iyong mga plano at hanapin ang puwede mo pang gawin na kapaki-pakinabang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-25-26-37-39-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Kakaiba ang dating ng buwenas mo, kapag sumama ang loob mo ngayon, ibig sabihin, ang malalaking suwerte ay guguhit at magmamadaling dumating sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-19-20-28-33-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Iyung-iyo ang ng araw na ito. Gawin mo na ang anumang gusto mo, at ang sinumang kokontra sa iyo ay mahaharap sa kabiguan at kamalasan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-21-23-27-39-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Huwag mong patulan ang mga nagsasabi ng ‘di maganda tungkol sa iyo. Ang mga sasabihin nila ay hindi mangyayari sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-21-24-28-31-32.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.