27.4 C
Manila
Sunday, May 19, 2024

Online Horoscope Nobyembre 14, 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Mag-utos ka! Ngunit gandahan mo ang gagawin mong pag-uutos upang ika’y kanilang sundin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto: 1-20-24-30-34-44.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Dadapo sa iyo ang isang munting suwerte pero ‘pag iyo itong pinarami, matutulad ito sa isang punong hitik na hitik ang bunga. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto: 4-16-27-30-35-42.

GEMINI (May 21-June 20) – Ituloy mo ang iyong pagiging alisto dahil may mga suwerte pa ring mabilis na lalagay sa iyong harapan. Kapag nakasanayan mo na ikaw ay laging alisto, ang pagyaman ay mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto: 8-18-24-27-31-43.

CANCER (June 21-July 22) – Malakas ang iyong pandama kaya ang iyong mga kutob ay laging tama. Hindi ka madadaya kung hindi mo babalewalain ang iyong kutob. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto: 17-18-21-26-27-32.

LEO (July 23-Aug. 22) – Huwag mong kakaligtaan na kailangang nakasayad ang iyong mga paa sa lupa. Ito ang sikreto upang ‘di ka bumagsak once na maabot mo na ang iyong pangarap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto: 2-18-24-28-35-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Alam mo sa iyong sarili na mabagal ka, at alam mo rin ang mga bagay na dapat mong ayusin. Kaya ano pang hinihintay mo? Ayusin mo na ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto: 3-17-20-21-26-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Huwag mong hayaan na may makapasok sa buhay mo na mapagkuwaring mga tapat na kaibigan. Sisirain nila ang mga plano mo. Ito ang babala ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto: 1-19-25-38-40-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Kung sino ang nakakatulong sa iyo, sila ang iyong unahin. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto: 9-17-20-21-24-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Maghintay ka ng magandang pagkakataon. Huwag kang sugod nang sugod. Sa paghihintay mas lalong gumaganda ang buhay ng tao. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto: 6-18-20-27-39-46.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Ngayon mo isagawa ang pagpaplano at magugulat ka dahil mangyayari ang iyong inaasahan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto: 4-16-28-30-33-34.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Hindi ka puwedeng tahimik na kumilos. Kailangan mong ibahagi sa mga tapat sa iyo ang mga plano mo. Sa pananahimik maaari ka pang dapuan ng mga sakit. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto: 1-18-22-28-39-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Malaki ang maitutulong sa iyo ng mga bagong kakilala mo, at maaari kayong magkaroon ng relasyon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto: 7-16-25-28-33-37.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.