28.2 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Online Horoscope Nobyembre 12, 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Ang kaligayahan ang mahalaga sa tao, kaya’t huwag kang maging negatibo. Ang pagiging positibo ay nagbibigay ng dagdag-saya na magdudulot sa iyo ng dagdag pang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay: yellow. Tips sa lotto: 19-20-24-28-34-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Huwag kang makalimot sa mga taong laging umaalalay sa ‘yo dahil habang inaalala mo sila, sa panahong ito, tuloy-tuloy ang pagdating ng maraming suwerte sa buhay mo. Masuwerteng kulay: purple. Tips sa lotto: 12-25-29-30-33-36.

GEMINI (May 21-June 20) – Isabuhay mo ang pagkilos nang mabilis dahil sa ganitong aksyon ka susuwertehin at hindi kailanman makakasingit sa iyong buhay ang mga bagay na negatibo. Masuwerteng kulay: pink. Tips sa lotto: 10-11-15-16-27-28.

CANCER (June 21-July 22) – Mas marami ang masasalo mo sa mga biyayang ihuhulog ng langit sa panahon ng tag-init. Huwag mong kaligtaan na ibahagi sa mga kapos-palad ang mga pagpapalang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay: beige. Tips sa lotto: 7-18-21-22-25-38.

LEO (July 23-Aug. 22) – Patuloy na gaganda ang iyong kapalaran sa taong ito. Higit kailanman, mas magandang pahalagahan mo ngayon ang mga regalo ng langit para hindi ito masayang. Masuwerteng kulay: blue. Tips sa lotto: 11-13-25-30-35-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Bawasan mo ang pag-iisip nang malalim. Ang sikreto ng iyong kapalaran ay nagsasabing, sakay ka lang nang sakay sa mga pangyayari, at sa huli, ikaw ang makikinabang. Masuwerteng kulay: black. Tips sa lotto: 10-14-15-21-25-29.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Huwag mo nang balikan ang mga nakaraan, lalo na ang mga nagbigay sa ‘yo ng kalungkutan. Piliin mo ang mga bagong pakikipagsapalaran para mas gumanda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay: violet. Tips sa lotto: 16-20-23-26-30-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Panatilihin mo sa buhay ang mga taong nagbigay sa ‘yo ng saya. Dahan-dahan mo namang layuan at iwasan ang mga taong lungkot lang ang hatid. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay: peach. Tips sa lotto: 15-28-31-39-40-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Tutukan mo ang iyong ambisyon. Huwag mo nang intindihin pa ang mga bagay na walang kinalaman sa mga pangarap mo para hindi masayang ang iyong lakas at oras. Masuwerteng kulay: red. Tips sa lotto: 19-26-30-33-38-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Lumayo ka sa mga bagay na nagpapahina ng iyong katawan. Magpalakas ka. Sa panahong ito, higit na kailangan mo ang lakas para mas marami kang mapuntahan at mapasyalan. Masuwerteng kulay: orange. Tips sa lotto: 15-21-23-34-39-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Sobrang makulay ang mga araw na darating. Mag-ingat na malibang sa mga masasayang kaganapan sa buhay, sapagkat maaaring makalimutan mo na pamilya at kalusugan ang pinakamahalaga. Masuwerteng kulay: white. Tips sa lotto: 14-22-27-31-37-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Nakaguhit sa kapalaran mo ngayon ang napakaraming paglalakbay, kung saan puwedeng mabilis kang yumaman. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay: green. Tips sa lotto: 18-20-21-25-29-38.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.