27.5 C
Manila
Sunday, June 23, 2024

Online Horoscope Mayo 27, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Instrumento ang ginagamit upang gumana at gumanda ang isang musika. Ganon ka rin, sa araw na ito gagamitin ka ng langit upang gumanda at maayos ang kalagaya ng mga tao. Hindi ka dapat tumanggi dahil matapos mong  gawin ito maraming suwerte at mga biyaya ang darating sa ‘yo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 3, 12, 26, 33, 42, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Layuan mo ang mga taong duwag at negatibo, hindi sila makakatulong sa pinapangarap mo. Lumapit ka at dumikit sa mga taong matatapang at positibo, sila ang magbibigay sa iyo ng malaking suwerte at tagumpay. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 5, 14, 28, 32, 37, 44. 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hindi lang materyal na tulong ang handang ipagkaloob sa iyo ng langit. Nakikisimpatsa rin siya sa iyong pagkabagot  at kalungkutan. Kaya padadalan ka nya ng isang taong magpapaligaya sa iyo. Sa sandaling siya ay dumating, hindi mo siya dapat tanggihan pa. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  7,  13,  20, 22,  30, 43. 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Iihip ang hangin, kasabay ng pagihip ng hangin, isa-isa ng tatangayin ang iyong mga problema. Bukas-makalawa, sa sandaling tuluyan ng nawala ang lahat ng iyong mga problema,  suwerte at magagandang kapalaran naman ang magiging kapalit nito. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  1, 13, 23, 36, 38, 40.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Mahina ka ngayon, pero kaya mong lumalakas at magpumilit hanggang sa ang mga nais at ambisyon mo ay iyong makamit. Ito ang mangyayari, patuloy kang uunlad at yayaman, lalo na’t noon ka pa inaapi at inaalipusta ng mga taong naiinggit at nakapalgid sa iyo.  Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 6, 17,  34, 39, 40, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22)  Huwag kang kabahan! Hindi ka dapat na mag-alala, kakampi mo ang langit. Anuman ang iniisip mo sa kasalukuyan at plinaplanong mangyari, ang nasa itaas ang maghahatid nito sa iyong harapan.  Mapalad na ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 5, 9, 15, 29, 37, 42.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Suwerte ka ngayon at patuloy na pagpapalangin ng langit. Kaya walang sinumang pupuwedeng sumalungat sa mga kagustuhan mo. Ang isang bangka na sumalungat sa alon at nawawasak, ganon din ang sasapitin ng mga taong kokontra sa iyong  kagustuhan.  Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 3, 15, 27, 33, 39, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Tatapikin ka sa balikat ng langit! Na ang ibig sabihin, yong mga dating hindi mo kaya ay kakayanin mo at iyong mga dating nakabinbin mong trabaho ay matatapos mo. Pagkatapos mong maisakatuparan ang lahat ng ito sunod-sunod na suwerte ang darating sa iyo. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  2, 8, 17, 19, 36, 41, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Lalakas ng todo ang iyong kapangyarihan. Hindi makatatanggi sa iyo kung sinomang tao ang gusto mong utusan. Hindi mahalaga kung ayaw niya ang inuutos mo sa kanya, dahil wala siyang magagawa kundi ang sumunod sa  kagustuhan mo. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 6, 9, 12, 34, 41, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Nakatutuwa ang kalagayan mo sa ngayon. Sa kabila na walang-wala ka nagagawa mo pa ring mamigay at tumulong. Dahil dito, kahit kailan, basta’t humiling ka lang, hindi ka pagkakaitan ng suwerte at magandang kapalaran ng langit. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 5, 18, 27, 29, 31, 35.  

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ang mga imposibleng bagay ay hindi kayang gawin ng tao. Pero ang sa iyo ay kakaiba, kahit imposible basta’t ginusto mo ito at hiningi mo sa nasa itaas, ang langit ang gagawa ng paraan para sa iyo upang makamit mo ito. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 16, 19, 27,  34,  42, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Sa araw na ito sisinagan ka ng kakaibang liwanag, kaya magagawa mong mabilis ang anumang mga bagay na binabalak mo. Ang liwanag na ito ay tatawaging “Katuparan”.  Katuparan ng lahat ng ambisyon at mga pinapangarap mo sa buhay. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  4, 13, 25, 37, 41, 45.    

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.