28.2 C
Manila
Wednesday, June 19, 2024

Online Horoscope Mayo 26, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Malakas ka ngayon hindi dahil nabibihag mo ang mahina, bagkus dahil ang malalakas ay mabibihag mo rin. Habang nabibihag mo ang malalakas at makapangyarihan, sunod-sunod na suwerte at magagandang kapalaran ang magdaratingan sa iyong buhay.  Mapalad na kulay ang  maroon.  Masuwerteng numero 7, 10, 19, 28, 37, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Nasa harapan mo ngayon ang suwerte. Pero puwedeng hindi mapasaiyo dahil ang ibinubulong ng puso mo ay iba kaysa sa nasa harapan mo. Kailangan mong pumikit sandali at tanungin mo ang sarili mo: “Ano ba talaga ang gusto ko at inaasam-asam ko?” Kapag may sinabi at sinagot ang sarili mo, ang suwerteng nasa harapan mo ay tuluyan ng papasok sa buhay mo. Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 9, 15, 27, 33, 37, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Talo mo ang kahit na sino ngayon, dahil ang mismong langit ay kakampi mo, kaya ang nagsasabing mas suwerte sila sa iyo ay magugulat, at hindi makapaniwalang mas magaling ka at mas marami kang suwerte sa kanila. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 6, 17, 27, 29, 37, 41.  

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Pasan mo ang krus ng maraming mga tao pero kahit na bigat na bigat ka na, patuloy kang lumalakad. Madaragdagan pa ang pasan mo dahil ang pagiging maawain at pala tulong ay hindi mawawala sa buhay mo, ngunit umasa kang darating ang araw, ang lahat ng suwerte at magagandang bagay at masasarap na bagay sa mundo ay ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang  gold. Masuwerteng numero 1, 19, 26, 31, 40, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Maraming humahanga sa iyo ngayon at nagnanais na maging bahagi ka ng kanilang buhay. Sila ang mga taong dating lihim na nanira at naghahangad ng iyong kapahamakan. Pero sa ngayon “sorry na lang sila”, sapagkta patuloy pa ring iiral sa panahon ngayon kung babae ka ang iyong pagiging likas na isnabera at kung lalaki ka naman, patuly na iiral ang pagiging likas mong isnabero. Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero 8, 18, 21, 33, 39, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Magiging mahiwaga ang tinig mo ngayon. Kaya hindi ka dapat tumahimik. Susuwertehin ka habang ikaw ay patuloy na nagsasalita. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 8, 17, 22, 31, 40, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Hindi makasisingit sa iyo ang kalungkutan ngayon, dahil sa isang palakuwento ang makakausap mo.  Hahanap-hanapin mo siya, dahil maiisip mong siya pala ang taong kailangan mong makausap lagi na mapaghihingahan ng lahat ng sama ng loob mo. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 4, 8, 14, 19, 23, 31.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Hahanguin ka ng langit sa pangit na kalagayan, dahil hindi bagay sa iyo ang dumanas ng kahirapan. Ilalagay ka sa suwerteng kalagayan, dahil ang suwerte ang likas sa iyong kapalaran, lalo na kung lagi kang magbibilad sa araw kapag unang oras sa umaga.  Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero  4, 11,  19, 25, 31, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Saya at ligaya ang mapapala ng sa ‘yo ay laging sumasama. Kung baga sa piling mo ay walang lungkot at dusa. Pero mahirap paniwalaan, ikaw mismo ay may lungkot sa iyong kalooban. Parang  “the wounded healer”  –  ikaw na nakapag-papagaling ng may sakit ay ikaw mismo ay may sakit din pala. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 7, 14, 23, 25, 31, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Wag mong sayangin ang mga matatalino at magagaling na taong nakakahalubilo mo.  Kumuha ka ng magagandang aral sa kanilang buhay at sa kanilang mga sinasabi. Magagamit mo ito para lalo ka pang suwertehin at magkaroon ng maligayang pamumuhay. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 28, 34, 41.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Habang umuugoy-ugoy ang mga dahon sa sanga ng punong kahoy dahil sa ihip ng hangin, kasabay nitong ikaw ay makattanggap ng ibat ibang uri ng suwerte. Isa lang ang kailangan mong gawin upang magtuloy-tuloy ang mga suwerteng ito, manatili kang relaks, at kalmante anumang problema ang dumating sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang lilac.  Masuwerteng numero 3, 18, 25, 33, 38, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Magdadalawang isip ka sa ngayon. Pero sa pagdadalawang isip matsa-tsambahan mo ang pinakamagandang desisyon na magdadala sa ‘yo ng suwerte at magandang kapalaran. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 6, 18, 21, 37, 40, 45.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.