28.6 C
Manila
Thursday, June 20, 2024

Online Horoscope Mayo 21, 2024


Aries (Marso 21 – Abril 19):

Sa panahong ito na malapit na ang tag-ulan, ikaw ang magpapasaya sa mga malalapit sa iyong puso kahit na ikaw ay nasa malayo. Alam nilang maasahan ka at hindi mo sila pababayaan. At dahil hindi mo nga sila pababayaan ang suwerte at magagandang kapalaran ay idadagdag at ipagkakaloob nga sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 25, 38, 41, 44.

Taurus (Abril 20 – Mayo 20):

Huwag kang magalit sa araw na ito, dahil ang ilang malalaking suwerte na nasa iyong tabi, kapag nagalit ka ay lalayo. Handang-handa naman itong pumasok sa iyong pagkatao at sa inyong pamilya, kung magkakaroon ka sa araw ng ito ng mapagmahal at masayahing personalidad. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 5, 18, 26, 29, 33, 40.

Gemini (Mayo 21 – Hunyo 21):

Maligo ka, magsuot ng damit na maganda at masarap sa pakiramdam, at magpahid ng konting lipstick. Kapag nagawa mo yan, ang suwerte ay muli na namang magbabalik at mag-uuna-unahang dumapo sa iyong katawan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 6, 12, 24, 27, 39, 42.

Cancer (Hunyo 22 – Hulyo 22):

Nagiging sobrang malalim ang iyong mga iniisip. Nagbababala ng tumataas ang antas ng iyong mentalidad. Sa sandaling narating mo ang higher level ng pagninilay, magniningning ang iyong pagkatao, na siya namang sasagap ng iba’t ibang uri ng suwerte at kapangyarihang maipamamahagi mo naman sa mga taong nangangailangan ng iyong tulong. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 5, 13, 28, 36, 41, 45.

Leo (Hulyo 23 – Agosto 22):

Magkakasunod-sunod ang pagdapo ng suwerte sa iyong katawan. Ingatan mo at pahalagahan ang mga biyayang ito. Dahil kung paano mo iniingatan at pinapahalagahan ang suwerteng iyong natatanggap, patuloy itong lalago at darami pa ng darami sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 6, 12, 24, 29, 39, 42.

Virgo (Agosto 23 – Setyembre 22):

Pinakinggan ng langit ang iyong dalangin at ang iyong kahilingan. Kaya naman humanda ka, parating na ang suwerte na iyong hinihintay, nagmamadali at nagkakandarapa pa. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 4, 19, 20, 32, 35, 44.

Libra (Setyembre 23 – Oktubre 23):

Ang iba ay naghihintay ng himala, pero nainip na sila ng kahihintay ay wala pa ring nangyayaring milagro. Sa iyong karanasan ay kakaiba. Hindi ka naman naghihintay ng himala, mamamangha ang mga nanood sa iyo at pati na rin ang sarili mo, sa isang idlap parang nanaginip lang, ang maraming suwerte at magagandang kapalaran ay bumubuhos sa iyong harapan. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 4, 10, 22, 29, 31, 40.

Scorpio (Oktubre 24 – Nobyembre 21):

Hindi lahat ng pinapanukala at binabalak ng mga tao ay nagkakatotoo. Pero ang sa iyo ay kakaiba, magkakatotoo at matutupad lahat ng mga plinaplano mo, lalo na ang balak mong may kaugnayan sa salapi, sa pera, sa negosyo at sa materyal na mga bagay. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 3, 11, 21, 28, 34, 43.

Sagittarius (Nobyembre 22 – Disyembre 21):

Bawasan ang iyong pakikipagkaibigan. Kapansin-pansing hindi nagiging tapat sa iyo ang iba, at kapag nakatalikod ka ay sinisiraan ka nila. Hindi bale ng konti ang kaibigan, bata’t maaasahan. Kaysa naman marami ka ngang kaibigan, na sila pa ang sa iyo ay madalas manloko at manlinlang. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 7, 11, 25, 38, 41, 45.

Capricorn (Disyembre 22 – Enero 19):

Nagiging sobrang malalim ang iyong mga iniisip. Nagbababala ng tumataas ang antas ng iyong mentalidad. Sa sandaling narating mo ang higher level ng pagninilay, magniningning ang iyong pagkatao, na siya namang sasagap ng iba’t ibang uri ng suwerte at kapangyarihang maipamamahagi mo naman sa mga taong nangangailangan ng iyong tulong. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 5, 13, 28, 36, 41, 45.

Aquarius (Enero 20 – Pebrero 18):

Ito ang araw na ang mga iniisip mo ay hindi magkakatotoo. Pero darating sa iyo ang kakaiba at hindi kapani-paniwalang mga suwerte na ni minsan ay hindi mo inisip. Dahil sa mga suwerteng ito mamamangha ka at masasabi mong totoo pala nangyayari ang mga imposibleng bagay at nagiging reyalidad ang mga himala. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 1, 4, 17, 28, 31, 40.

Pisces (Pebrero 19 – Marso 20):

Ipagpatuloy mo ang iyong binabalak. Dahil nagpasya na ang langit, aayon sa iyo ang kapalaran. Ang lahat ng binabalak mo ay matutupad at ito ay magbibigay sa iyo ng dagdag pang mga suwerte at kakaibang kaligayahan. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 5, 14, 23, 32, 40, 43.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.