28.6 C
Manila
Thursday, June 20, 2024

Online Horoscope Mayo 20, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Tuloy-tuloy ang suwerte mo. Wag mong ipagdamot sa mga malalapit sa iyo, bahaginan mo sila ng sa ganon ay masabi mismo ng mga bibig nila na ikaw ay iba sa lahat, na ikaw ay likas na mapagbigay at matulungin. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 4, 11, 25,  38,  41, 45. 

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Mag-iibayo ang iyong sigla. Palatandaang mag-iibayo rin ang pagdating ng iyong suwerte at magandang kapalaran. Ipamahagi mo ito sa iba, dahil ang isa pang magandang balita, habang ipinamamahagi mo sa iba ang suwerte ito ay parang mga langgam sa natapong asukal sa mesa, mabilis itong darami ng darami.  Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 9, 18, 21, 33, 41, 45.  

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Higit na makapangyarihan ang damdamin mo sa mga panahong ito. Haluan mo ng lambing at patapik-tapik sa braso ang anumang hihingin mong favor sa sinumang makakausap mo. Kapag nagawa mo yan, hindi ka makakayang tanggihan ninuman. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  5, 10, 28, 36, 41, 45.     

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Nalilito ka  ba sa ngayon kung ano ang talagang pangarap mo sa iyong buhay? Tapos na ang iyong pagkalito dahil isang negosyo ang ilalagay sa harap mo na ikaw ang mamamahala. Hindi mo ito dapat na tanggihan, sa halip, sunggab ang dapat. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  6, 12, 24, 27, 33, 44.   

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Sa panahong ito ng iyong buhay ay hindi ka dapat mamahinga. Oo wag kang tumigil at wag kang mag-alala, nakikita ng nasa itaas ang mga pagsisikap at pagsisipag mo. Malapit na malapit na ang langit mismo ang kikilos para sa iyo. Kapag nangyari na yon, hindi ka gaanong mahihirapan, ang suwerte at magandang kapalaran na mismo ang kusang lalapit sa iyo. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero  7, 18,  25, 34, 40, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Tinatalian ang saranggola upang wag makawala sa ihip ng hangin. Hindi mo rin dapat pakawalan ang suwerte at magandang kapalarang dumarating. Kaya ito ang tamang panahon upang ikaw ay magtiwala sa iyong sarili. Kapag may tiwala ka sa iyong sarili ang suwerte at magandang kapalaran ay hindi na makakawala sa iyo habang buhay magpakailan man. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 5, 14,  28, 32, 41, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Kung ang iba ay nagsisikap upang maabot ang kanilang mga pangarap, pero bigo pa rin sila, ang sa ‘yo ay kakaiba. Kahit hindi ka mag-sikap, basta lagi ka lang “in love” at may galak sa iyong puso,  susuwertehin ka na at kusang darating sa iyo ang katuparan ng lahat ng iyong mga pangarap sa buhay. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  6, 14, 22, 24, 39, 42. 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ito ang araw kung kailan na ang iiral sa iyo ay awa. Tutulong ka na naman sa isang taong hindi mo naman gaanong kakilala.  Magkagayon man, pinapanood ka ng nasa itaas. Sa anumang pagtulong na iyong ginagawa, may ganting suwerte at magandang kapalarang ipagkakaloob sa iyo ang langit. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 4, 11, 25, 28, 34, 43.   

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Sa panahong ito ng tag-araw aagos na ang suwerte at magandang kapalaran sa iyong  karanasan, na gugulat sa mga taong malalapit sa iyo at sa mga kasama mo sa bahay. Walang kang dapat gawin kundi ang balatuhan mo silang lahat, upang magpatuloy pang bumuhos ng mas malakas ang suwerte at magandang kapalaran.  Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 3, 18, 26, 29, 33, 40.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hindi puwede sa iyo ang nananamlay na para bang pasan mo ang buong mundo. Panahon na upang wakasan ang kalungkutan.  Ngayong araw na ito, dadalan ka ng suwerte at magandang kapalaran ng langit, upang muli kang sumaya, upang muli kang sumigla at upang muli kang lumigaya. Isa lang ang kundisyon, magtanim ka ng mga halaman at  lagi kang magpasalamat sa nasa itaas. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero  4, 19, 23, 32, 35, 44. 

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ito ang masuwerteng araw para sa iyo upang maglinis ng bahay. Pero may isang bagay na kailangan mong isagawa matapos kang maglinis. Panatiliin mong bukas ang bintana sa gawing silangan, upang dito pumasok ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  1, 16, 17, 27, 39, 40.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Isang magandang kapalaran ang biglang dadapo sa iyo. Ito ay hindi mo dapat pagpagin. Dahil madaling mawawala ito at agad lilipat sa katabi mo. Panatiliin mo ang pagiging mabuti mo at matulungin, upang ang suwerteng ito ay manatili na sa iyo habang buhay. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  4, 10,  25, 29,  31, 41. 

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.