28.8 C
Manila
Monday, May 27, 2024

Online Horoscope Mayo 16, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19)  Kapag lagi mong paiiralin ang iyong damdamin at katiagsan ng iyong loob, kalungkutan at sama ng loob ang iyong aaniin. Minsan, hayaan mo lang mangyari ang mga pangyayari,-  hindi ka dapat komontra. Mapalad na kulay ang purple.  Masuwerteng numero 2, 16, 24, 30, 41, 43. 

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Sumasayaw ang kawayan sa ihip ng hangin, kaya kahit na may malakas na bagyo ay hindi siya nabubuwal. Ganon din ang magiging kaganapan sa buhay mo sa ngayon, sumayaw ka sa nakararami upang magpatuloy ang iyong biyaya at kasaganaan sa ngayon. Mapalad ang kulay na white. Masuwerteng numero 1, 16, 22, 34, 38, 42 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Pinagkalooban ka ng kakaibang husay sa pagpapayo. Kaya ang sinomang susunod sa sasabihin mo ay makakaiwas sa problema at magkakaroon ng magandang kapalaram. Simulan mo na ngayong payuhan ang iyong kasuyo upang suwertehin siya.  Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 8, 13, 28, 37, 40, 45. 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Hindi ito ang panahon upang ikaw ay mag-isa. Habulin mo ang iyong karelasyon bago siya tuluyang makalayo. Mapalad ang kulay na lavander. Masuwerteng numero 5, 14, 23, 29, 36, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Kung saan nanggaling ang nalagas na dahon, doon din mismo sisibol ang mga usbong. Ganon din ang iyong tadhana. Kapag natanggap mong tapos na ang mga pagsubok, mabilis ng magsusulputan ang hitik na hitik na usbong ng maraming suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang golden magenta. Masuwerteng numero 1, 10, 28, 29, 37, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22)  Masyado ka kasing naghahangad ng marami kaya ka nalulungkot. Kung ano lang ang sakto at para sa iyo mas mainam na makuntento ka muna. Hayaan mong mapunta sa iba ang para sa kanila. Pagkatapos nila sa iyo rin naman mapupunta ang mga sobrang biyaya. SObraMapalad na kulay ang beige. Masuwerteng numero 7, 14, 25, 37, 41, 44. 

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Ang hindi sumangayon sa langit ay para na ring sumalungat sa magandang kapalaran. Ganon din ang mangyayari sa mga taong naiingit at kumokontra sa iyo, sumasalungat sila sa mga biyayang dapat sana ay kanilang matatangap. Kaya sa bandang huli, sa yo na naman ang huling halakhak! Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 9, 12, 30, 33, 41, 45. 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)   Dumadating ang dilim sa pagdadapit-hapon upang magpahinga. Hindi mo dapat abusuhin ang iyong sarili. Alam mo bang pagpapalain ka rin ng langit habang nagpapahinga ka sa kalagitnaan ng gabing tahimik. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 3, 15, 24, 36, 39, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ginigiling ng maraming beses ang palay sa rice mill upang pumuti at maging bigas. Ganon din ang iyong kapalaran, kailangan mo talagang maghirap, pero pagkatapos naman nito, walang kahulilip na ligaya at malalaking tagumpay at suwerte ang mapapasa iyo.  Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 2, 7, 11, 25, 29, 38, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Mapapansin mong mahalaga pala ang may pamilya. Kaya ikokonsidera mo na magkaroon ng pang bahang buhay na mamahalin. Luminga-lingan ka, isang nilalang na ang porma ay parang bihirang maligo ang noon pa inilaan sa iyo ng kapalaran. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 3, 9, 18, 27, 33, 39. 

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kung magiging seryoso ka lang sa iyong ginagawa lalo na sa pagkakaperahan malaki pa ang iaasenso ng iyong kabuhayan. Gawin mo na ngayon!  Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 6, 14, 19, 24, 36, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Namumulaklak ang isang halaman kahit walang nag-aasikaso. Pero ang kailangan mo ngayon ay isang nilalang na mag-aasikaso sa iyo. Hinid lamang para mamulaklak, kundi para lalong lumago ang iyong mga bulaklak at maging isang ganap na bunga. Mapalad ang kulay na green.  Masuwerteng numero 7, 20, 16, 25, 29, 44.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.