29.4 C
Manila
Tuesday, May 28, 2024

Online Horoscope Mayo 13, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19)  Hindi mo ba napapansin na walang direksyon ang mga kilos mo? Oo sasaya ka pero sa huli maiisip na hindi sapat ang iyong mga naranasan para sa hinahanap mong ligaya at pag-unlad ng kabuhayan. Kaya ang dapat lagyan mo ng layunin at direksyon ang anumang gagawin mo sa buhay, sa ganyang paraan ka liligaya at tuloy-tuloy na yayaman.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Ito ang pinapagawa sa iyo ng mga bituin, sa harap ng salamin ay araw-araw ibulong mo na gumaganda ang kapalaran at  gumaganda nga. Kung ano ang ilagay mo sa isip mo, yan mismo ang mangyayari sa ‘yo. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Walang imposible sa taong determinado. Kaya dapat ay determinado ka. Higit kailaman ngayon mo ipakita na ikaw ay determinado na umunlad at yumaman. Kapag gayan ka, hindi lang pag-unlad at pagyaman ang ipagkakaloob sa iyo ng langit, bubusugin ka pa ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Gumaganda ang personalidad at kapalaran ng mga taong in love. Tulad mo, mababago na ngayon ang mga kilos mo at pananalita dahil ang pag-ibig ay maghahari sa ‘yo mismo. At habang naghahari ang pag-ibig mas maraming buenas at suwerte ang isa-isa ng magdaratingan sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Bawat bagay ay may halaga at higit sa lahat ikaw mismo ay mahalaga. Mahalin mo ang iyong sarili. Iwasan mo ang mga bisyo at iba pang gawain at pagkain na makasasama sa iyong kalusugan. Hindi ka dapat magkasakit, dahil marami pang magagandang kapalaran ang ipinapangako sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 3, 9, 24, 39, 37, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22)  Huwag kang patalo sa kalungkutan dahil kapag masaya ka ang mga magagandang kapalaran ay kusang maglalapitan sa iyo. Mag-online ka at manood ka ng masasayang palabas puwede ring makipag-chat sa mga kaibigan mong mahilig sa tsikahan. Kapag ganyan ka, marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang magdaratingan sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Marami ang nagtatangkang pumasok sa negosyo at sila ay napabilang sa mga bumagsak ang kabuhayan. Hindi mangyayari sa ‘yo ang pagkalugi dahil mula pa lang ng ikaw ay isinilang ang iyong pangalan ay nakalista na sa mga mga taong yayaman sa pagneneosyo.  Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)   Huwag mong hayaan na maghari muli sa ‘yo ang mga hindi magagandang katangian mo tulad ng galit at pagkainis, dahil sa ngayon ay naglalakbay ka sa landas ng buhay mo papunta sa ganap na pag-asenso at tuluyang pagyaman. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)   Kapag nanalig ka sa lakas ng loob at tiwala sa iyong sarili, kahit anong mga pagsubok ay tiyak na iyong malalagpasan. Kaya dapat lakasan mong lagi ang iyong loob at manalig ka sa iyong kakayahan. Hindi mo lang malalagpasan ang mga pagsubok, ang suwerte at magagandang kapalaran ay agad-agad ding magdaratingan sa iyong harapan.  Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Lahat ay napapagaling ng panahon. Ang lungkot mo ay pagagalingin din ng panahon. Umasa ka dahil darating ang sandali na malilimutan mo ang iyong masakit na kabiguan. At sa sandaling gumaling na ang iyong kalungkutan, isa-isa ng magdaratingan ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Maaga kang bumangon at maghanap ng iyong pampasuwerte at dapat ay ngayon na dahil ang araw na ito ay sadyang at lubhang mapalad para sa iyo para sa mga bagay na may kaugnayan sa mga pagpasuwerte at pang higop ng magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi biglaan ang pagbabago kaya wag kang masyadong mainip. Dahil kumukuha pa ng malakas na buelo ang langit upang bigyan ka ng isa pang napakagandang kapalaran. Matapos ang malakas na buelo, ang lahat ng suwerte at buenas ay isa-isa ng mapapa sa iyo.   Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.