30.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Online Horoscope Marso 5, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Iyo ang araw na ito. Kung may kahilingan ka sa langit, ngayon mo na sabihin kung may gusto kang mangyari, ngayon din ang tamang pagkakataon upang ito ay magkaroon ng katuparan. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Sino ang pinaghaharian ng pag-aalinlangan pero nakatatanggap ng mga biyaya mula sa langit? Ikaw. Kaya naman dapat kang laging magpasalamat sa pamamagitan ng pagtulong sa iyong kapwa at sa mga nangangailangan, upang mas marami pang biyaya at mga pagpapala ang dumating sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Huwag kang magbago ng layunin at ng inaasam-asam mo sa buhay. Nakikita ng nasa itaas ang mga ginagawa mong pagsisikap, kaya naman nagpasya ang langit na isa-isa ng ipagkaloob sa iyo ngayon ang iyong mga minimithi at inaasam-asam sa buhay.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Idinadaan ka sa mga pagsubok para maging matatag ka dahil ang malalaki at mabibigat na magagandang kapalaran ay para lamang sa matatag at matitibay na kagaya mo. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Babagal ang iyong buhay ngayon pero walang kasingsaya at sarap para sa iyo ang mga kaganapan. Malilibang ka at iyong makalilimutan ang tungkol sa pagpapalago ng kabuhayan. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Sobrang tamis ang bunga ng inani ng hinog sa puno. Wag kang magaalinlangan upang hindi pumait ang bunga ng iyong mga pagsisikap at pagpapagod. Basta’t kumilos ka lang ng suwabeng-suwabe araw-araw ng tiyak at hindi nag-aalinlangan, darating ang panahong gagantimpalaan ka rin ng langit – matutupad ang lahat ng gusto at pangarap mo sa buhay.  Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Habang ang iba ay nagsasaya, ikaw naman ay makabubuo ng pangarap. At ang maganda nito, ang iyong magiging pangarap ay papayagan ng langit na magkaroon ng katuparan.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Malalaglag sa iyong harapan ang mga bituin sa langit, na ang ibig sabihin ay sila na mga mayayabang at dating nanlait sa iyo at mga nagmamataas ay unti-unti ng magsisibagsak at mga mapapahiya, habang ikaw naman ay patuloy na aasenso at aangat ng aangat ang iyong kabuhayan.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Habambuhay na tatanglawan ka ng Haring Araw. Ibig sabihin, kahit kailan ay hindi magdidilim ang iyong kapalaran. Isa kang sobrang masuwerteng nilalang.  Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kailangang lumambot ka sa araw na ito upang magtamo ng mas marami pang magagandang kapalaran. Kaya ang payo sa iyo ngayon ay wag kang masydaong maangal. Iwasan mong maging matigas ang iyong paninindigan. Sa ganyang paraan, hindi ka nagmamatigas, sa susunod na mga araw lalo pang bubuti at gaganda ang iyong kapalaran.  Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Gampanan mong mabuti ang iyong papel ngayon sa mundo na mgapasaya ng isang taong nag-isa sa buhay dahil siya ay iniwan ng kanyang mahal. Kapag nagawa mo yan, ang langit mismo ang magbibigay sa iyo ng napakalaking gantimpala. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Kahit panahon ng tag-araw, may positibong pangyayaring magaganap at ito ay ang pag-aani! Oo ang pagaani ay isa sa  magiging pangalan ng araw na ito para sa ‘yo. Aanihin mo ngayon ang bunga ng mga ipinakita kabutihan, galing at husay. Maraming mga suwerte at pagpapala ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.