30.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Online Horoscope Marso 31, 2024

ARIES (Marso 21 – Abril 19):

Ngayon, nadarama mo ang isang hindi maipaliwanag na saya! Ito ay patunay na kahit sa gitna ng mga hamon, patuloy kang magiging maunlad at masaya, kasama ang iyong pamilya. Mapalad ang kulay na asul. Masuwerteng numero 1, 19, 25, 34, 40, 44.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20):

Kunin mo ang mga suwerteng idinaan ng langit sa pamamagitan ng mga regalo na natanggap sa panahong ito ng kaarawan mo. Mamili ka sa isa sa mga natanggap mong bagay na metal. Ito ang suuutin mo sa ganyang paraan, ang mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ay tuloy-tuloty ng mapapasa iyo. Mapalad ang kulay na pilak. Masuwerteng numero 5, 14, 17, 34, 37, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21):

Nakatutuwa ang mga pangyayari sa buhay mo dahil ang mga taong hindi mo inaasahan ay iyong makakasama at makakatulong sa iyo upang lalo ka pang tuloy-tuloy na lumigaya at magtagumpay. Mapalad ang kulay na ginto. Masuwerteng numero 7, 22, 16, 25, 29, 40.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22):

Sa araw na ito at sa lahat ng araw ng buong buhay mo, isabuhay ang matandang kasabihang, “Matulog ng maaga, gumising ng maaga at magsipag”. Kapag ganyan ka, malabo kang dapuan ng sakit. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 4, 11, 19, 32, 34, 41.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22):

Kahit na maraming lihim na naiingit sa iyo at lihim kang kinukumpetensya, walang makadadaig sa iyo. Dahil noon pa man, inihanda na ng langit ang iyong magiging kapalaran. Manalig ka na mamalagi kang masuwerte at magtatamo ng mataas na pagkila at karangalan. Mapalad ang kulay na pilak. Masuwerteng numero 3, 18, 28, 36, 42, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22):

Habang nag-iisa ka, dadampi sa mga pisngi mo ang init pero malamig ding simoy ng hangin. Ito ang bati at halik sa iyo ng kapalaran na nagsasabing sa panahong ito ng buhay mo mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang matatanggap mo sa kabila na namumroblema ang mga taon sa sakit. Mapalad na kulay ang lila. Masuwerteng numero 6, 12, 24, 27, 38, 42.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23):

Ang mga taong malalapit sa iyo at mga natulungan mo ang mananalangin upang iligtas ka sa sakit, at upang lalo pang pagandahin ang iyong kapalaran. At dahil marami silang natulungan mo at nagmamahal sa iyo, matutupad ang kanilang mga panalangin para sa iyo. Mapalad na kulay ang lila. Masuwerteng numero 5, 14, 25, 28, 31, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21):

Pansinin mo ngayon ang iyong buhay, di ba ang mga kalungkutan mo at mga kabiguan ay panandalian lamang? Dahil ang totoo, ikaw ay kabilang sa mga likas na mapapalad na tao at mapatutunayan mo ang iyong buenas dahil mula sa araw na ito, isa-isa ng magdaratingan ang suwerte at magagandang mong kapalaran noon mo pa hinihintay. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 1, 19, 25, 37, 40, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21):

Oo kahit na nakakatakot ang panahon at walang kasiguraduhan ang buhay natin ngayon sa mundo Hindi pa tumitigil ang pagbuhos ng suwerte mo, basta’t ang kundisyon ipagpatuloy mo ang pagtulong sa iyong kapwa at ang pag-alalay sa mga taong kapos-palad at ang mga taong walang-walang maasahan. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 3, 15, 24, 36, 39, 42.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19):

Garantisado ang iyong pagyaman. Dahil kamangha-mangha ang pagtutok mo sa isang gawain o proyetong ginagampanan mo ngayon. Basta’t patuloy kang tumutok sa gawaing iyan at mag-ipon, makikita mo, madodobleng bigla ang savings mo. Mapalad na kulay ang berde. Masuwerteng numero 2, 10, 25, 37, 41, 44.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18):

Kung ano ang kagustuhan mo ‘yon mismo ang susundin ng mga taong nasa paligid mo. Kaya anuman ang gustuhin mo sa panahong ito ng iyong buhay, ipagkakaloob ito ng mga taong nasa paligid mo. Kapag hindi nila ito tinupad, ang langit na mismo ang kikilos upang magkatotoo ang lahat ng gusto mo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3, 15, 27, 33, 36, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20):

Basta’t hindi ka nagpadaig sa mga negatibong pananaw, at patuloy kang nanalangin, makaaasa ka na ang langit ay gagawa ng paraan upang isa-isang makuha mo ang mga gusto mo sa buhay na noon mo pa hinahangad. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 9, 15, 27, 37, 34, 40.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.