32.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Online Horoscope Marso 30, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Iwasan mo ang magyabang, dahil nakatakda na ang nakalaan sa iyong kapalaran. Mataas na mataas, ngunit ang mataas na kapalarang ito ay ibaba kung magmamayabang ka.  Kung mananatili kang humble at mapagpakumbaba, ang langit ang magtataas sa iyo sa pinakamataas na posisyon.  Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 6,  15, 18, 21, 27, 45.  

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Wag mong hayaang lagi na lang ikaw ang naghahanap sa mahal mo at palaging nami-miss mo siya. Gumawa ka ng maganda sa kanya, ang pagtapos ay lumayo ka. Sa ganyang paraan hahanap-hanapin ka nya. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  8, 15, 26, 33, 38, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Bawal sa iyo ngayon ang makipagtalo. Ngunit kailangang maipaliwanag mo ang panig mo upang wag kang manggalaiti sa inis at upang mapayapa ang iyong kalooban. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 4, 11, 25, 29, 37, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Sa iyo dalawa ang maganda. Una, ang panlabas mong anyo at ang pangalawa ay ang iyong panloob na larawan. Kaya naman ito ang araw na aakitin mo ang suwerte, kabilang dito ay ang pagdagdag ng mga kaibigan at ng mga kliyente na mapapakinabangan mo sa iyong negosyong online at sa iyong hanap buhay na sa bahay lang.  Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero 1, 10, 16, 28, 31, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Mag-utos ka at ikaw ay susundin. Kaya lang ang uutusan mo ay makakaramdam na siya ay maliit sa iyong tingin lalo na kung ang pag-uutos mo ay hindi mo lalakipan ng lambing at hagod ng pagmamahal. Mapalad na kulay ang lilac.  Masuwerteng numero 9, 10, 27, 30, 38, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ingatan mo ang bawat salita lumalabas sa iyong bibig. Dahil ito ay sobrang matalim, na kayang sumugat sa puso ng iyong minamahal.   Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero  6, 12, 18, 29, 34, 41.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23)  Ito ang araw na ikaw ay pipiliin ng nakatataas sa iyo dahil ikaw ay magaling at may mataas na pagkatao. Kaya ang payo, wag na wag mong mamaliitin at hahamakin ang sarli mo. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 6, 13, 23, 20, 34, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Bigyang daan mo ang pakikipagkasusundo kahit na medyo masama ang loob mo. Dahil masyadong maaantala ang pagdapo sa iyo ng suwerte kung palaging masama ang loob mo, may tinatagong galit at may mga lihim na tampo.  Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 5, 19, 21, 34, 39, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Nagbalik ang mga suwerte na hindi mo inaasahan. Sunggaban mo ng sunggaban at pagkatapos kung saan ka higit na makikinabang doon mo ilagaya ng suwerte upang manatili ito sa iyo habang  buhay. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 4, 13, 19, 31, 40, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Higit kang papalarin kung hindi ka magmamalaki. Ituloy mo ang ugali mo na mapagpakumbaba. Pinapanood ka ng nasa itaas.  Nagpasya na ang langit, ang nagpapakumbaba ay pagkakalooban ng  mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 4, 22, 31, 35, 40, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Malayang lumilipad ang ibon sa langit. Ganon din ang dapat mong ipatupad, buong laya mong gawin ang anumang bagay na maiisip mo. Kung malaya ka at walang humahadlang sa anumang ginagawa mo, ang suwerte at magandang kapalaran ay sunod-sunod na darating sa iyo. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 1, 9, 17, 23, 28, 39.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Matapos ang mga lungkot na hindi mo maunawaan, muling magbabalik sa buhay mo ang saya. Walang iniwan, sa panahon ng tag-yelo, unti-unting malulusaw ang mga snow. Gigitaw ang luntiang mga dahon, lilipad ang mga ibon, aawit ang mga bulaklak sa parang. Ito ang panahon  upang ikaw ay ngumti, umindak at magsaya. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 7, 19, 25, 27, 39, 45.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.