33.9 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Online Horoscope Marso 29, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Maligaya ang taong may mabuting pamumuhay, ngunit higit na maligaya ang taong patuloy na sinusuwerte. Parehong mangyayari sa iyo ang una at huli. Dahil likas ang iyong kabutihan, maraming suwerte at pagpapala ang ipagkakaloob sa iyong ng langit. Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero 2, 14, 19, 27, 32, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Ibahagi mo sa iba ang iyong suwerte. Wag kang mag-alala, dahil kapag ginawa mo ito, tulad ng mga halaman na nababawasan ng mga dahon at sanga, lalong lalago ang iyong kabuhayan. Malagong-malago at masaganang-masagana. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 6, 11, 25, 27, 34, 41.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Bago mo dagdagan ang mga koleksyon na umaakit sa mata mo. Ikaw ay pinapayuhan na maglinis muna ng iyong kuwarto. Hindi mo ba napapansin, punong-puno na ng abubot ang silid mo? Kapag malinis ang kapaligiran mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 3, 14, 26, 37, 41, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) “Umibig, nabigo at lumuha” – ganyan ang karanasan mo dati. Ngunit nakita ng langit ang iyong alungkutan at dininig ng langit ang iyong kahilingan.  Mula ngayon ito na ang mayayari sa iyong karanasan –  “umibig, kinilig, lumigaya, at nasarapan!” Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 4, 11, 22, 31, 38, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Nakatutok ka ngayon sa pagpaparami ng iyong kabuhayan. Aayunan ka ng langit kaya matutupad ang matagal mo ng pangarap na magkaroon pa ng iba pang daluyan ng salapi patungo sa iyo. Habang tumututok ka, palakas ng palakas ang daloy ng suwerte at mga pagpapala na darating sa iyo. Mapalad ang kulay na emerald green. Masuwerteng numero 2, 13, 22, 28, 38, 40.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Habang nagho-home quarantine ka paunlarin mo ang iyong galing sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga modernong paraan sa komuniskasyon at social media. Sa gawaing nabanggit ka, susuwertehin at magtatamo ng mas maraming magaganda at positibong kapalaran. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 5, 12, 19, 37, 41, 44.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Kapag biglang nagpakita sa iyo ang lihim mong kursunda makipag-sapalaran ka. Dahil ito ay nangangahulugang malaking suwerte ang biglang bubuhos sa iyo. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 18, 21, 29, 31, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Yong mga nagsusungit ay pumapangit. Pero ang sa iyo ay kakaiba, habang nagta-taray ka lalo kang gumaganda. At habang gumaganda at nagtataray ka, patuloy na darating sa iyo ang suwerte at magandang kapalaran.   Mapalad ang kulay na magenta.  Masuwerteng numero 6, 15, 27, 33, 39, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Ilihim mo lang ang mga suwerteng natatanggap mo at nangyayari sa iyo. Ito ay upang masundan ka pa ng maraming suwerte. Kung hindi mo ililihim, may ilang mga suwerte ka pa rin naman pero kokonti na lang.  Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 3, 9, 17, 27, 29, 41. 

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Nakita ng langit ang iyong pagsisikap at napansin din ang iyong kalungkutan. Kaya papaulanan ka ng suwerte upang matupad na lahat ang mga  plinaplano at matagal mong pinapangarap. Kasabay nito, bubusugin din ng langit ng tuwa at galak ang iyong puso matapos na matapos lang ang problema ng mundosa Covid 19. Mapalad na kulay ang lavender. Masuwerteng numero 2, 7, 28, 34, 41, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Sumasabaysabay lang sa hangin ang sanga ng liryo sa parang. Kaya maganda at kaakit-akit siyang tingnan. Ganon din ang gawin mo, sumabay ka lang sa takbo ng mga pangyayari at wag kokontra. Kapag ganyan ka, ang suwerte at magagandang kapalaran ay ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 1, 11, 27, 37, 40, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hawak mo ang susi ng iyong tagumpay. Pero mabibitiwan mo ito kung hindi mo gagamitin. Ang susi ay ginagamit at hindi tinatago. Ngayon alam mo na ba kung paano bubuksan ang suwerte at magagandang kapalaran upang makuha mo ang kumikinangkinang na tagumpay? Dapat alam mo!  Mapalad ang kulay na royal blue. Masuwerteng numero 1, 10, 17, 28, 38, 41.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.