27.3 C
Manila
Wednesday, July 24, 2024

Online Horoscope Marso 28, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Magtiwala ka sa iyong sarili. Ito ang wag na wag mong kalilimuitan sa ngayon, dahil sa panahong ito ng tag-araw, ito mismo ang magbibigay sa iyo ng maraming mga biyaya at mga pagpapala.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 1, 16, 25, 27, 38, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Hahanapin mo ang kapintasan ng bago mong kakilala pero ang iyong makikita ay ang kanyang kagandahan. Kaya lihim na hahanga ka at maaaring ikaw ay ma in-love sa kanya. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Narinig mo na ba ang kasabihang “marami ang aaniin, pero kakauti lang ang taga-ani.” Sa panahong ito ng malapit ng pumasok ang panahon ng bulaklak, kabilang ang pangalan mo sa listahan ng mga taga-ani, kaya siksik at liglig na mga biyaya at mga pagpapala ang matatanggap mo. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 5, 12, 24, 32, 34, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ilabas mo ang iyong likas na kabaitan, ilitaw mo ang iyong maamong kalooban, kaya gagamitin ka ng langit para sa pagtulong sa kapwa at pagkakawang gawa. Habang tumutulong ka naman sa iyong kapwa at nagkakawang gawa tuloy-tuloy na darating sa iyong kapalaran ang mas maraming pang suwerte at magagadang kapalaran. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  1, 17, 27, 32, 36, 44.    

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Ibahagi mo ngayon sa iyong kapwa ang ilan sa iyong mga kabuhayan. Ito ang susi upang lalong gumanda ang iyong karanasan. Ang tanong, ay magagawa mo kaya? Kung magagawa mong ibahagi sa iba ang ilan sa iyong mga kabuhayan, magsisimula ka ng yumaman ng yumaman at lalo ka pang yayaman. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 5, 16, 22,  35, 39, 41.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) May mga pangyayaring nagbibigay ng saya at galak na mararanasan ang tao na hindi niya akalain na mapapasa kanya. Pasasayahin ka ng langit sa ngayon. Ibibigay ang magpapaligaya sa ‘yo, salapi at maligayang emosyon. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23)  Tulad ng mga sundalo ang magagandang kapalaran mo ay nagdaratingan na,  na yayanig sa iyong mga karibal, kaaway at maging sa mga intregera sa iyong buhay. Agapan mong wag maubos ang magagandang kapalarang ito upang lalo pang  maging  maunlad at masagana ang future ng iyong pamilya. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Kumilos ka na! Ito ang sabi ng isip mo at sinasabi ring hindi ka mabibigo.  Tiyak na hindi ka mabibigo. Ibig sabihin sa panahong ito ng tag-araw, kung ano ang laman  ng iyong isipan, yon mismo ang mangyayari sa iyo. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  1, 13, 19, 32, 33, 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Ikaw ay lubos na pagpapalain ng langit ngayon at iingatan. Ibig sabihin sa panahong ito ng iyong buhay, hindi makapananaig sa iyo ang kabiguan at kalungkutan. Dahil ang nasa itaas, ang magbibigay mismo sa iyo ng malaking tagumpay at kaligayahan. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 6, 18, 24, 37, 40, 43

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hindi maganda ang hindi nakikinig sa opinyo ng kanyang mga kakilala. Kaya para hindi ka mabigo sa iyong buhay, buksan mo ang iyong tenga at makinig ka sa payo ng mga taong alam mong may maitutulong sa ‘yo. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Sa panahong ito ng tag-araw, ibibilang ang iyong pangalan sa mga taong pagkakaloob ng malaking suwerte. Kaya wag ka nang mag-alinlangan pa. Sa halip ang dapat mong gawin ay matutong magpuri at magpasalamat lagi sa nasa itaas.  Mapalad ang kulay na orange.  Masuwerteng numero 5, 15, 24, 29, 31, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ngayon mo na matitikman ang mga bunga ng iyong pinaghirapan. Kaya kapag nahirapan ka, lihim kang magpasalamat dahil ang ibig sabihin ay may aanihin ka na namang mas malaking suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  6,  15,  24, 34, 36, 44.   

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.