30.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Online Horoscope Marso 27, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ilalagay sa iyong harapan ang oportunidad na puwedeng makaranas ka ng masarap na buhay. Kapag dumating na ang na ito, wag kang babagal-bagal sunggaban mo agad, dahil matagal na uling babalik ang nasabing minsang pagdating ng magandang kapalaran. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  9, 23, 27, 32, 36, 44.    

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Nakita ng langit kung paano mo inaalagaan ang iyong career at hanap buhay, kaya ang araw na ito ay tatawaging papalago. Sa araw na ito makikitang ang mga tinanim mo para sa iyong kinabukasan ay magsisiusbong hanggang sa tuluyang makamit mo ang kaunlaran. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 4, 15, 25, 29, 31, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Huwag mong hadlangan ang sarili mo na lumigaya. Aanhin mo ang lahat ng bagay na iyong nahahawakan o nakikita, kung mananatiling nag-iisa ka. Buksan mo ang puso mo sa pagmamahal, dahil sa pagmamahal mo matatagpuan ang tunay at wagas na ligaya. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  2, 11, 18, 32, 33, 42.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Doble ang ganda ng kapalaran mo sa araw na ito. Yong isa na iyong hinahangad ay magiging dalawa. Kaya ang payo, maghangad ka pa ng maghangad sapagkat ang mapupunta sa iyo ay laging doble at mas marami pa. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  5,  14,  28, 34, 36, 44.   

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ito ang araw na kung kailan ay magsisimula ng umunlad ang iyong buhay at ito rin ang araw na ang kailangan makasanayan mo ay ang pagpapahalaga sa mga biyayang napasa iyo at iyong natanggap. Kaya mamayang gabi bago matulog, magdasal ka at magpasalamat sa lahat ng mga biyayang iyong natatanggap na habang ikaw ay nagkaka-edad ito ay lalo pang parami pa ng parami. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 6, 24,  30,  35, 39, 41.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ito ang araw kung kailan pinapatnubayan ka ng langit, kung ano ang iyong tinututukan ngayon, ito mismo ang ipagkakaloob sa iyo. Kaya tumutok ka lang ng tumutok sa mga bagay na pagkakaperahan at tiyak na yayaman ka. Mapalad  ang kulay apple green. Masuwerteng numero  3, 8, 26, 33, 39, 42.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23)  Suwerte ka ngayon. Sino naman ang malas? Walang iba kundi ang mga pahirap sa buhay mo. Kasama sa may pangit na kapalaran ang mga lihim mong kaaway. Habang kasama rin sa gaganda ang kapalaran ay ang mga taong nagtatangol sa iyo at silang sobrang malalapit sa iyo. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  4, 18, 27, 31, 37, 40.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Nagbabalita ang araw na ito na narinig na ng langit ang mga panalangin mo. Kaya anuman ang isipin mo at iplano, tiyak na ito ay walangpagsalang matutupad. Humiling ka na rin ngayon at walang duda, ito rin ay magkakatotoo. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 6, 17, 25, 29, 40, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Nakaabang sa landas na nilalakakaran mo ang malalaking pagsubok pero wag kang mag-alala, malalaki nga sila pero ang totoo, mabilis din silang magsisilayas sa  buhay mo upang palitan ng malalaki ring suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 5, 19,  23, 32, 37, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Panalo. Ito ang isa pang pangalan ng araw na ito. Lahat ng sagabal at mga hamon ng kapalaran na lalagay sa iyong harapan ay hindi makapananaig laban sa ‘yo, dahil ikaw sa araw na ito ay itinakda upang magwagi, Oo upang manalo. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 3, 15, 24, 34, 38, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kapag sobrang nagmamadali ka ngayon marami ang mga magagandang oportunidad na sa iyo ay makalalagpas. Kaya hinay-hinay lang at paganahin mo ang talas ng iyong intuition at pandama upang mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang dumikit sa iyong katawan. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 6, 12, 24, 29, 34, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Lumalawak ang sarili mong mundo. Ibig sabihin ikaw ay umaasenso. Darami rin ang mga kaibigan mo at ang iyong pinagkakakitaan ay papaunlad ng papaunlad. Sa ayaw at sa gusto mo, mangyayari na ito, dahil ito ang itinakda ng langit para sa iyo – ang lumago at lumawak.  Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 9, 21,  27, 29, 34, 45.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.