25 C
Manila
Wednesday, July 24, 2024

Online Horoscope Marso 23, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Pinag-iingat ka ngayon sa bawat sasabihin mo. Kung hindi naman maganda ang ibubukas ng iyong bibig, wag na lang magsalita, upang wala kang makaaway at walang taong sasama ang loob sa iyo. Sa bawat magagandang bagay na lalabas sa bibig mo, susuwertehin ka. Kaya tulad ng nasabi na, puro magagandang bagay lang dapat ang ilalabas at sasalitain ng bibig mo. Mapalad ang kulay na red.  Masuwerteng numero 1, 10,  19, 34, 38, 40.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Wag kang mag-alinlangan lalo na sa mga araw na ito. Wag mo ring hayaang talunin ka ng mga negatibong pananaw. Panatiliin mo ang pag-iisip ng mabuti at magaganda, upang ang mabuti at magagandang kapalaran ay patuloy at walang tigil na dumating sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 9, 14, 23, 27, 36, 41.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Kapansin-pansin ang hilig mo sa pagkukuwento na ang tunay na ibig sabihin sa kuwentuhan ay nakakalimutan mo ang iyong kalungkutan at mga problema. Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 5, 14, 23, 35, 38, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Sobrang emosyonal ka. Madalas tinatalo ng iyong damdamin ang iyong isipan. Kontrolin mo ang iyong damdamin upang hindi ka masaktan. At sa sandaling nasupil at na kontrol mo ang iyong damdamin, marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang magdaratingan sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 2, 7,  19, 34, 34, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Ang bangka na sumasalungat sa alon ay nawawasak, hindi mo ito dapat na gawin. Sa halip, sakyan mo lang ang mabilis na agos  ng iyong kapalaran at makakaasa kang dadalhin ka nito sa baybayin ng isang napakalaking tagumpay. Mapalad na kulay ang  maroon. Masuwerteng numero 5, 9, 14, 23, 27, 41.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Magplano muna bago kumilos. Marami ng nabigo at nalugi nang dahil sa lakas ng loob na inakalang sapat na ito upang umasenso ang buhay. Kapag nakaplanong mabuti ang lahat ng iyong ginagawa, papabor sa iyo ang langit.  Susuwertehin ka at pagkakalooban ng mas marami pang magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  18, 21, 27, 36, 39.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23)  Dapat na sumunod lang sa iyo ang iyong mahal. Dahil kung hindi siya susunod, hindi kayo makapagsisimula, kailan man. Dapat nyang malamang ikaw ang kanyang suwerte na nagbibigay sa kanya ng magandanhg kapalaran. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 9, 16, 27, 31, 40, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ang langit ang kikilos para sa iyo sa araw na ito. Hindi kapani-paniwala na matsa-tsamabahan mo ang tamang dapat na gawin. Kahit ikaw sa sarili mo ay magugulat. Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero 5, 15, 24, 33, 39, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Tama ang pinapagawa sa iyo ng gobyerno, wag kang aalis ng bahay. Dahil na kahit na nasa bahay ka lang ang suwerte a tmagandangkapalaran ay ihuhulog sa iyong nasa itaas. Lagi kang tumulong sa mga nangangailangan at kapos palad upang tuloy-tuloy kang pagpapalin ng langit. Mapalad ang kulay na na red. Masuwerte ang numerong 3, 15, 24, 30, 33 at 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hawakan mo ang galit mo at hawakan mo ng mahigpit. May babala na mabilis kang maiinis at mabubugnot. Ang galit ay nagpapahina sa maseselang bahagi ng katawan. Habang ang masiyahing puso naman ang naghahatig ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 3, 12, 18, 27, 33, 42.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Marami ang nagtataka sa iyo. Dahil ikaw na gipit ay nagagawa mo pang tumulong sa mga nangangailangan. Marami ang mamamangha sa iyong kapalaran dahil sa ginagawa mong ito bigla kang pagkakaloob ng dambuhala at sobrang laking suwerteng hindi mo inaasahan. Mapalad na kulay ang  lilac. Masuwerteng numero 7, 11, 25, 34, 41, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) ‘Wag mong takasan ang mga pagsubok na nasa iyong harapan. Kumukuha lang ng buelo ang langit, anumang oras mula ngayon darating na ang iyong tagapaglitas. . Mapalad ang kulay na gray. Masuwerteng numero 1, 13, 28, 32, 38, 45.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.