33.9 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Online Horoscope Marso 22, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Huwag mong pansinin ang mga reklamador at palaangal. Dahil maaarting mahawa ka sa kanila sa pagiging negatibo, lumayo ka agad sa kanila at sa mga mayayaman at magagaling na tao ka makisama, sa pakikisama sa kanila uunlad ka at liligaya. Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 2, 13, 22, 34, 41, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Hindi makakarating sa laot ng dagat ang bangka na natatakot maglayag.  Ganon din ang iyong tadhana, hindi mo mararating ang malaking tagumpay kung hindi ka lalayo sa sinilangan mong bayan. Mapalad na kulay ang gold.  Masuwerteng numero 3, 17, 25, 28, 37, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Ngayon na ang araw na pinakamaganda kaysa sa mga araw nagdaan, dahil magpapasya ka ipatupad na ang gustong-gusto mong magyari sa iyong buhay na noon mo pa hindi magawa. Ang ikinaganda ng araw na ito, ang langit mismo ang tutulong sa iyo upang makamit mo ang inasam-asam mong ito – ang maglinis ng bahay, ng silid at magpaganda ng iyong kapaligiran. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 6, 19, 24, 37, 39, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Tatag ng kalooban ang magdadala sa iyo sa tugatog ng tagumpay. Ito rin ang magbibigay sa iyo ng mas malalaki pang mga suwerte at nang mas marami pang magandang kapalaran sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 1, 10, 28, 29, 37, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Marami ang may gusto na mabigo ka. Ito mismo ang dapat na maging dahilan upang lalo kang magsikap. Hindi dapat na masira ang iyong loob, sa halip, lalo ka pang magpatuloy at maging masigasig sa kasalukuyan mong hinagawa.  Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 8, 14, 23, 32, 40 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Bukas na naman ang iyong habag at awa sa mga taong hihingi sa iyo ng tulong. Ang maganda nito, habang tumutulong ka mabilis namang lalago at lalo pang madadagdagan ang mga biyayang ipagkakaloob sa iyong langit. Mapalad ang kulay na gary. Masuwerte ang numerong 4, 13, 22, 32, 35, 40.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Wag mo ng gustuhin ang mga umaayaw sa iyo. Dahil kusa silang magkakagusto sa iyo kapag nakita nilang sa araw na ito at sa susunod pang mga araw ay sinusuwerte ka at paganda pa ng paganda ang iyong buhay. Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 28, 31, 40.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Bawasan mo ang pagiging angresibo mo, kapag napansin mong naiirita ang mga nasa paligid mo. Mas makabubuti sa iyo na maganda ang tingin nila sa iyo sa mga kinikilos mo upang patuloy kang suwertehin at magtamo ng mas marami pang magagandang kapalatan. Mapalad na kulay ang  lilac. Masuwerteng numero 2, 11, 16, 29, 31, 44.  

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Kusang mag-aalisan ang mga bagay na hindi maganda sa iyong buhay. Aalis din ang ilan sa iyong mga kakilala. Hindi mo na sila dapat habulin pa. Ito ang sandali upang baguhin mong lahat ng iyong kapalaran at ito rin ang bagong simula ng pagdating ng suwerte at ng magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang  maroon. Masuwerteng numero 2, 14, 25, 27, 33, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Nakapagtataka ang kambing, kahit na maraming damo sa kanyang harapan, palipat-lipat pa rin siya ng pastulan. Ganon din ang gawin mo. Wag kang makuntento sa kasalukuyan, mangarap ka ng mangarap, dahil ang lahat ng malalaki mong pangarap ay ipagkakaloob sa iyo ng langit.  Mapalad na kulay ang violet. Masuweteng numero 6, 15, 21, 33, 36, 39.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hindi alam ng mga namimintas na siya ang nasisira ang  personalidad. Kaya hayaan mo lang ang pintas ng pintas sa iyo, nalalantad ang pangit niyang ugali habang ikaw naman ay patuloy na uunlad ng uunlad at magtatamo ng mas marami pang magagadang kapalaran.  Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 5, 14, 17, 25, 36, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Maniwala at magtiwala ka sa iyong sarili at magagawa mo ang anumang gusto mo. Aayon pa sa iyo ang langit at bibigyan ka ng mas maraming suwerte at magandang kapalaran. Subalit kapag nagalilanglan ka sa iyong kakayahan para mo na ring sinasabi na ikaw ay mabibigo. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 3, 18, 24, 30, 34, 45.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.