33.9 C
Manila
Friday, May 17, 2024

Online Horoscope Marso 18, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Batiin mo ng may pag-ibig at ngiti ang sinumang makakasalubong mo. Sapagkat sa araw na ito ang sinumang iyong babatiin at ngingitian ay magtatamo ng kakaibang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 6, 14, 19, 27, 36, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Mahirap malayo sa mga bagay na matagal mo ng nakasama. Pero sa iyo ay kakaiba, ito ang araw na lalayuan ka na ng mabibigat na mga problema. Matutulad ang bawat pag-gising mo sa isang bago at napakagandang umaga.  Mapalad ang kulay na metallic blue. Masuwerteng numero 2, 17, 22, 29, 30, 41.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Wag aksayahin ang oras sa paghahanap ng solusyon sa iyong problema. Basta’t lagi ka lang magdasal. Lulutasin na ngayon ng langit ang lahat ng iyong mga suliranin. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 8, 11,  29, 31, 40.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Mabilis na pagkilos ang nararapat upang malagpasan ang mga problema. Kapag babagal-bagal ka lalo ka lamang sasabit. Sa agarang pagpapasya maraming suwerte at magandang kapalaran ang makakamit. Mapalad ang kulay na violet. Masuwerteng numero 5, 18, 25, 38, 41, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Walang pagdududa na yayaman ka. Dahil ang kahulugan ng iyong kapanganakan, Disyembre hanggang Enero ay pagyaman. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 9, 13, 27, 35, 39, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22)  Makikita mong ang araw na ito ay mabigat sa mga taong nakapaligid sa iyo. Subalit para sa iyo, madarama mong parang ang gaang-gaang ng mundo.  At sa susunod na mga araw, marami pang suwerteng bagay ang darating sa iyo. Mapalad na kulay beige. Masuwerteng numero 7, 11, 27, 39, 41, 44.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23)  Hindi maglulubay ang pagdating ng magandang kapalaran sa iyong buhay. Kaya naman dapat na matututo kang mamigay at magbalato, upang lalo ka pang gantimpalaan ng langit. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 2, 11, 19, 25, 29, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Lahat naman ng tao ay hindi nawawalan ng problema. Ang pagkakaiba mo lamang sa kanila makikita mong yong mga taong naiingit sa iyo magkakaroon na mas mabigat na problema, habang ang sa iyo naman ay nagmamahal magaang lang at bale wala ang kanilang prolema.  Mapalad ang kulay na white. Masuwerteng numero 2, 13, 22, 31, 38, 42

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Marami kang napapabayaan sa kalalakwatsa. Minsan mas mainam na pakitaan mo ng kalinga at simpatsa ang mga taong malalapit sa iyo upang magpatuloy na dumapo ang suwerte at magandang kapalaran sa iyong katawan. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 5, 11, 28, 38, 41, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hindi nawawala ang mga problema. Pero ang magandang balita, masosolusyunan mo ang iyong mga suliranin at pagkatapos ay uulanin ka na ng mga suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 9, 18, 32, 37, 41, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Dagdag na suwerte at magandang kapalaran ang iyong mapapala sa mga taong makukulit at mapagpilit kung pagbibigyan mo sila. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 2, 9, 19, 22, 31, 39.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Wag kang matakot, hindi mo dapat talikuran ang bawat hamon ng kapalaran, dahil sa bandang huli ikaw ang mananaig at magwawagi. Mapalad na kulay ang green.  Masuwerteng numero 5, 8, 17, 28, 38, 41.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.