32.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Online Horoscope Marso 14, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Masarap na buhay ang pangako sa ‘yo ng araw na ito. Pero may kundisyon, sundin mo ang panukala at ang mga kagustuhan ng mga mahal mo sa buhay lalo na ang iyong kapareha. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Bawal sa iyo ngayon ang magalit dahil ang mga suwerte ay darapo sa iyo sa mga  sandaling ikaw ay naging mahinahon at sa mga sandaling payapa ang iyong kaloooban.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Wala pala sa materyal na bagay ang ligaya dahil ang mabubuting ugali ang pinagmumulan ng tunay na ligaya. Kaya kung gusto mong lumigaya, piliin mo ang may mabuting ugali. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kung ano ang gusto mo ay gawin mo. Hindi dapat na ang iyong mga kilos ay nakatali sa mga pananaw at opinyon ng ibang mga tao. Malaya ka kaya, kaya dapat masunod mo ang iyong mga gusto at sa pagsunod mo sa iyon mga gusto magsisimula ng magdatingan sa ‘yo ang mga suwuwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Kung hindi ka makikinig sa payo, ibig sabihin ay kumilos ka ng natural, kikilos ang langit upang dalin ka sa talagang sadlakan mo, isang magandang kapalarang may kaugnyana sa career at maunlad na kabuhayan na tungkol sa pagnenegosyo ang talagang hahantungan mo. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Huwag kang makigulo sa gulo ng iba. Kahit maging tagapamagitan ay hindi rin puwede sa iyo dahil ang mga magagandang kapalaran na nasa tabi mo ay sasaiyo kung tahimik lamang ang iyong buhay at hindi makikisawsaw sa problema ng iba. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Muling iiral sa iyo ang pagsalungat sa nakatataas. Makikita mong hindi siya payag pero ang totoo ay mauunawaan niya ang paninindigan mo, kaya lang pilit niya iyong itatago. Ngunit sa bandang huli ang kagustuhan mo pa rin at ang panukala mo ang siyang matutupad at mananaig. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Nakatutuwang bagay ang iyong mararanasan ngayon dahil ang iyong mga payo at pananalita ay susundin at hahanggaan ng iyong mga kausap. Pero ikaw mismo ay nakakaalam na hindi mo kayang sundin ang mga ito.  Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  ) Iba’t-ibang klase ng nilalang ang makakasama mo ngayon. Pero ang kakaibang galing ng iyong personalidad ay mangingibabaw kaya marami ang lihim at lantad na sasaludo sa iyo.  Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kung saan-saan ka makakarating. Isa lang ang payo para sa iyo ingatan mo ang kalusugan mo dahil sa panahon ngayon sadyang nakakatakot talaga ang magkasakit. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Minsan sadyang nakakubli ang mga suwerte sa magulo  na mga pangyayari, pero biglang lilitaw na wala kang magagawa kundi ang ikaw ay mamamangha at hindi rin makapaniniwala sa mga bueanas at magagandang kapalarang maguuna-unahang dumating. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ito ang araw na malilito ka dalawang iba ang gustong puntahan mo at magkaibigang lugar na parehong gusto mo rin. Kung sino ang pinakamalapit sa iyo, doon ka muna unang pumunta. Sa lugar na iyon may suwerte at magandang kapalaran kang makukuha. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.