32.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Online Horoscope Marso 12, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ang pusong laging nagpapasalamat ay lalong pagpapalain, kaya naman, magpasalamat ka sa masarap na buhay na sumasaiyo ngayon. Magpasalamat ka rin sa mga darating pang mga magagandang kapalaran na inilaan sa yo ng langit na nasa bungad na ng iyong pintuan, papasukin mo na lang. Mapalad  ang kulay na magenta. Masuwerteng numero 1, 6, 19, 27, 33, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Wag kang umasa sa ibang tao. Bakit mo ilalagay sa mga kamay nila ang iyong kapalaran? Hindi mo ba alam na nakahihigit ka sa kanila lalo na sa paramihan ng suwerte. Oo, kapag hindi ka na umaasa at sa halip ay naging independent ka na at malaya, malaya na ring dadaloy ng tuloy-tuloy sa buhay mo iba’t ibang uri ng suwerte at magagandang kapalaran matagal ng inilaan sa iyo ng langit bago ka pa isinilang.  Mapalad na kulay ang peach. Masuwerteng numero  7, 19, 27, 26, 33, 40.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Wag mong pahirapan ang sarili mo. Gawin mo lang ng simple ang isang proyekto, ang mahalaga ay hindi ang ma-perfect mo ang iyong ginagawa, kundi ang makatapos ka. Kapag ganyan ka, nakakatapos ng mga gawain sa iyo ay inatas ng kapalaran, magtatagumpay ka,  magsisimula ka ng yumaman at magiging maligaya. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 5, 14, 23, 32, 41, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Wag mong ipahamak ang iyong sarili. Kung ano lang ang kaya mo, dapat iyon lang ang iyong ipangako. Nasisira ang isang pagkatao kapag hindi niya natugunan ang kanyang mga obligasyon. Pinapalad naman at dinadatnan ng mas maraming suwerte ang taong tumutugon at tumutupad sa kanyang mga ipinangako. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 2, 7, 16, 25, 34, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Inuutusan ka ngayon ng iyong kapalaran na isabuhay mo ang malinis na puso at pagiging matulungin sa kapwa. Kapag nagawa mo ‘yan, ginagarantsahan ng langit ang iyong pag-asenso at ang tuloy-tuloy mong pagyaman. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero  1, 4,  10, 19,  25, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ito ang masuwerteng araw mo para maglinis at magayos ng mga gamit sa bahay. Makaaasa ka na matapos mong maglinis at mag-ayos ng bahay, ang malalaking suwerte at magagandang kapalaran ay magsisimula ng dumaloy sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang blue.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Minsan ang ating tinapon ay siya pala ang ating kailangan. Wag kang pabigla-bigla dahil sa huli, baka ang inayawan mo ang magbibigay pala sa iyo ng napakalaking suwerte.  Kaya maging mainngat ka sa pagbibitiw ng disisyon higit lalo kung may kaugnayan ito sa pag-ibig at pakikipag-relasyon. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero  1, 3, 15, 24, 33, 42.    

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Inuutusan ka ng iyong tadhana sa araw na ito na tulungan mo ang mga taong malalapit sa puso mo, dahil kung paano mo sila tinutulungan ganon ka rin iaaangat ng iyong kapalaran. Pagkakalooban ka ng langit ng mas marami pang mga suwerte at mga pagpapalang hindi mo halos mabilang. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 3, 9, 12, 27, 33, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Punong-puno ka ng tapang at lakas ng loob, kaya walang dahilan upang ikaw ay mabigo. Gamitin mo na ngayon ang iyong tapang at lakas ng loob, dahil sa araw na ito, ginagarantiyahan ng langit ang iyong tagumpay sa lahat ng ambisyon at layunin mo sa buhay. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6, 16,  21, 27,  30, 39.   

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Napapansin mo ba na kahit saan mamasukan ay ikaw ay ang nagtitinda? Ito ang isang napakalinaw na palatandaan na ikaw ay isinilang para  magtagumpay at yumaman sa pamamagitan ng pagnenegosyo. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 1, 4, 13, 22, 32, 41.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Minsan dumarating ang tunay na pag-ibig sa pagkakataong hindi inaasahan. Tulad ngayon, kahit hindi ka umaasa, wag kang magulat sa biglaang pagbabago ng takbo ng love life mo.  Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero  4, 13, 22, 31, 37, 40.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Huwag kontrahin ang plano ng iyong mahal. Pagbigyan mo siya sa kanyang diskarte. Manood ka at makikita mong siya ang higit na mahusay kaysa sa iyong inaakala. Mapalad na kulay ang beige. Masuwerteng numero 2, 4, 7, 25, 37, 43.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.