30.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Online Horoscope Marso 1, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Sapat ang lakas ng loob na nasa sa iyong pagkatao kaya lang naaapektuhan ka ng mga negatibong pananaw ng mga taong nakapaligid sa iyo. Wag mo silang pansinin, tuloy-tuloy mo lang gawin ang iyong mga balak at plano malapit na malapit ka ng manaig at magatgumpay. Mapalad na kulay ang burgundy. Masuwerteng numero  3, 19, 25, 27, 33,  39.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Walang mataas na bundok sa toro, kapag ginusto niyang akyatin. Walang matayog na ambisyon sa ‘yo kapag ginusto mong makamit. Simulan mo na ngayon at siguradong makakamit at mararating mo ang anumang matayog na layunin o ambisyon na iyong pinapangarap. Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 4, 9, 27 31, 42, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Malalaki at sobrang marami ang mga pangarap mo. Isa lang sa mga ito, sapat na para yumaman ka ng sobra. Kaya wag mo ng pangarapin ang mga bagay na malayo sa katotohanan at imposibleng mangyari. Mapalad ang kulay na beige. Masuwerteng numero  5, 15, 24,  32, 37, 45.    

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ikaw ngayon ang kakapusin dahil sa pagtulong mo sa iyong kapwa. Magkagayuman, magiging masarap ang iyong pakiramdam, dahil nakagawa ka na naman ng isang kabutihan. At dahil sa kabutihang ito, ang langit ang gaganti sa iyo, sa susunod na mga araw  mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyong buhay.  Mapalad ang kulay na green. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Huwag mong pahirapan ang mga taong nakapaligid sa iyo, ganon din naman wag mong pahirapan ang sarili mo. Dahil sa bandang huli magugulat ka pa at mamamangha sa mga mangyayari, makukuha mo ang anumang ginugusto at inaasam-sama mo, dahil ang lahat ng ito ay kusang ipagkakaloob sa iyo ng langit.  Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 1, 13, 19, 27,  32, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Maiinis ka ngayon dahil sa tingin mo ay sobrang mababagal ang mga tao sa iyong paligid dahil noon paman mas gusto mong mas mabilis na matapos ang mga bagay. Pabayaan mo na lang sila, habang sa sarili mo, ituloy mo ang iyong ginagawa at lalo mo pang pagbutihin, upang tuloy-tuloy ka ng umunlad hanggang sa yumaman at lumigaya. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 5,  12,  17, 32,  34, 41.   

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Matatangay ka ngayon ng iyong emosyon. Sa huli, sasabihin mo sa iyong sarili kung bakit ba hindi gumana ang isip mo? Magkagayonpaman hindi naman mababago ang nakatakda magiging pabor pa rin sa iyo ang sitwasyon, hindi mo rin aakalaing sa iyong pagkamamali mas masarap at mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang iyong matatanggap.  Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 9,  15, 19,  24, 38, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Kung hindi ka magpapakita ng malakas na pagkontra sa halip ay sasanga ayon ka lang, dadalhin ka ng iyong tadahana sa isang lugar kung saan ka uunlad, at magiging maligaya.  Mapalad na kulay ang  violet.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Malayo ang iyong mararating ibig sabihin magiging matagumpay ang iyong buhay. Ito rin ay nagsasabing bukod sa yayaman ka,  makararating ka rin  sa malalayong lugar. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 3, 18, 20, 27, 39, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Huwag mong pakinggan ang ibang tao sa kung ano ang dapat mong gawing career, inegosyo o karerahin. Higit na magtatagumpay ka at magiging maligaya kapag ang hilig mo ang iyong susundin, aaturgahin at  sisimulan na ngayon. Mapalad  ang kulay na orange. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Mula sa malayo magmumula ang mga alalay at tulong na iyong kinakailangan sa ngayon na sasagot sa magagaang at mabibigat mong mga suliranin. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 4, 13, 25, 34, 41, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Bakit ka naniniwala sa mga nariinig mo? Oo, mas maganda kung hindi ka agad maniniwala sa mga pinagsasabi ng mga nasa paligid mo. Mas mabuti na ikaw mismo ang makakita at makaranas at pagkatapos mong ranasin, magplano kang mabuti ng sa gayon ay hinid ka mamali ng pasya. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.