30.6 C
Manila
Friday, June 21, 2024

Online Horoscope Hunyo 8, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ito ang araw na ang panalo ay hindi imposible na matikman mo. Wag kang mag-alinlangan ng sa ganon ay malaki at marami ang suwerteng mapasa kamay mo. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 4, 19, 25, 32, 37, 40.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Paghaharian ka ng hindi maipaliwanag na saya. Ito ay indikasyong papalapit na ng papalapit sa iyo ang mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran.  Kaya ang payo, hindi ka dapat malungkot at baka maudlot pa ang mga suwerteng papadating na. Mapalad a ang kulay apple green. Masuwerteng numero  12, 15, 24, 29, 38, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Pagkakataon mo na ngayong muling simulan at tapusin ang ambisyon na noon pa man ay nakaukit na sa iyong isipan. Makakaasa ka na ang mga pangunang hakbang na isasagawa mo sa ngayon ay maghahatid sa iyo sa tiyak na tagumpay.  Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 4, 16,  27, 35, 37, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Punong-puno ng pag-ibig ang puso mo dahil dito sobrang matutuwa ang langit, kaya pagkakalooban ka ng maraming suwerte. Tandaan mong habang umiibig ka at patuloy na nagmamahal sa iyong kapwa at sa iyong pamilya, mas maraming magagandang kapalaran pa ang patuloy na bubuhos sa iyo.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 6, 18, 22, 24, 36, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Palaki ng palaki ang mga suwerteng ipinatitikim sa iyo ng langit. Kapag napanatili mo na di ka sobrang nagyayabang, ang iyong kabang yaman ay lalo pang aapaw. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  2,  18,  21, 31, 39, 43.   

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Hindi ka ba natuto sa iyong nakaraan? Hindi mo ba napansin na kapag mabilis ka, sinusuwerte ka! Kaya ngayon ang payo para sa ‘yo  ay dapat na muling pairalin ang pagiging mabilis mo, kung magagawa mo mas maganda yong ikaw ay sobrang mabilis. Kapag ganyan ka, sobrang mabilis din ang pagdating ng iyong suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  5, 14, 29, 32, 40, 44.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Umaasa sa iyo ang maraming tao. Ito ay sa dahilang kinukunsinte mo sila sa patuloy mong pagbibigay ng tulong na hindi naghihintay ng kapalit. Pero kahit hindi ka naghihintay ng kapalit, ang langit ang maghuhulog ng mga biyaya  ng higit at doble dobel pa sa iyong mga naitulong. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  7, 18, 25, 32, 35, 42.    

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Huwag kang bibitaw sa pagkakakapit mo sa iyong tapang at lakas ng kalooban, makakaasa ka na,  kahit gaanong kalaki ang mga pagsubok at balakid sa iyong daraaan ang panalo ay mapapa sa iyo. Matapos ang iyong panalo, gagantimpalaan ka ng malalaking suwerte at magandang kaparang matagal ng inilaan sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 4, 19, 28, 32, 37, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Dumating na ang takdang araw at ito ay ngayon na kung kailan ay sisinagan ka ng napakaliwanag na bituiin mula sa langit, kaya aani ka ng paghanga at pagkilala. Ang dating ikaw na mahina ay makikitang malakas at sobrang ningning at sobrang ganda. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 3, 19, 23, 33, 36, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Nakasalalay sa mga kamay mo ang kinabukasan ng iyong pamilya. Kaya lalo mo pang pagbutihin ang kasalukuyang negosyo at pagkakaperahang pinasok mo. Pinapanood ka ng nasa itaas, kaya anumang pagsisikap ang gawin mo, gagantimpalaan ka ng langit ng suwerte at magandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 3, 18, 27,  34,  42, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Susubukan mong lumayo sa isang dati mo ng kaibigan, dahil naiinis ka sa kanya. Pero hindi mangyayari. Dahil ibabalik siya sa iyong ng langit, dahil ang hindi mo alam, ang kaibigan mong ito na pilit at matagal mong sinusubukang layuan pagdating ng araw ang siyang  sobrang may malaking maitutulong sa iyo.  Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  8, 17, 26, 32, 37, 41.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Iyong-iyo ang araw na ito. Nakabukas ang tenga ng langit para sa iyo. Hinihintay ang iyong kahilingan. Makaaasa ka na ikaw ay maririnig, kaya’t  mabilis na ipagkakaloob  sa iyo ang anumang bagay na hilingin mo. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 2, 11, 25, 29, 34, 42.  

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.