27.6 C
Manila
Wednesday, July 24, 2024

Online Horoscope Enero 6, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Maliwanag ang nakasulat sa aklat ng kapalaran, “Suwerte ka sa buong taong 2024!” At dapat alam mo ang ginagawa ng mga taong sinusuwerte? Alam mo ba? Ibinabahagi ang suwerte sa iba, upang ang suwerte at magandang kapalaran ay manganak ng manganak at lalo pang dumami ng dumami. Mapalad na kulay ang lilac.  Masuwerteng numero 9, 14, 25, 32, 37, 45. 

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Iyung-iyo ang araw na ito! Isang salita mo lang, agad na kikilos ang langit at ikaw ay pagbibigyan. Bahaginan mo ng grasya ang mga taong malalapit sa puso mo na naghihirap upang sa taong ito ng 2024 mas marami pang biyaya at mga pagpapala ang dumating sa iyo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 8, 14, 23, 32, 41, 45. 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Sa taong ito ng 2024 higit sa inaasahan mo ang magaganap. Kung umaasa ka ng isa, ito ay magiging dalawa. Kung umaasa ka ng galak, sobrang ligaya ang darating. Kaya sa taong ito ng 2024 wag na wag kang mag-iisip ng hindi maganda, dahil higit pa sa negatibong iniisip mo ang maaaring maganap. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 3, 15, 21, 37, 42, 45. 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Sa taong ito ng 2024 aalisin sa iyo ng langit ang mga taong akala mo ay tunay kang mahal, pero sinasamantala  lang pala nila ang iyong kabaitan. Bukod sa sinasamantala ka,  may mga responsabilidad sila na sa iyo ipinapapasan. Ang kabaitan mo naman ay hindi mo dapat alisin sa iyong buhay dahil darating ang araw malaking gantimpala ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  1, 19, 20, 32, 39, 44. 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Sa taong ito ng 2024 kailangang lumakad ka ngayon. Ibig sabihin hindi puwedeng nasa bahay ka lang. Dahil sa iyong paglalakad, habang may kakaibang imbay at galaw ang iyong katawan, ang mga galaw mong iyan, ay ang sasagap at hihigop ng suwerte at magaganndang kapalaran.   Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 2, 18, 29, 35, 38, 40. 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Sa taong ito ng 2024 kung ano ang iyong inaayawan, yon mismo ang pagmumulan ng mga suwerte mo sa buhay. Ito ang lihim ng iyong kapalaran na sa buong taong ito ng 2024 ay patuloy na iira at mangyayaril. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 4, 8, 13, 27, 31, 40. 

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Mag-iisip ka na naman ng pagkakagastusan at maghahanap ka  ng taong makakasama mo sa pagpapasarap sa buhay. Sa bagay, okey lang, dahil siya ang taong saya ang iyong nakukuha kapag kasama mo siya at nakawawala ng problema. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero  3, 12,  18, 24, 27,  39. 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Dahil nasobraang sa kain nitong nakaraang Holiday Season medyo mataba ka ngayon. Pero hindi ka dapat mag-alala, dahil ang mga taong tumataba, tumataba rin ang laman ng bulsa. Kung magnenegosyo ngayong taong ito ng Daga ang mga taong matataba, lalong darami ng darami ang kanilang pera. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero   1,  9, 17, 20, 37, 42. 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Paglago at pagpaparami!  Ito ang pangalan ng taong ito ng 2024. Kaya makikita mo, darami ang iyong mga kaibigan kasabay ng pagdami ng iyong mga kabuhayan. Darating ang iyong mga alipin at alalay at kanilang sasabihing: “Lumalago at dumarami na po ang ating mga ani, palago ng palago at parami pa ng parami sa bawat araw!” Kapag na rinig mo na ang ganitong mga balita, lumuhod ka at magpasalamat sa Diyos, dahil sa anumang iyong mga gawa ang langit mismo ang sa iyo ay nagpapala. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 7,  14, 25, 32, 43, 41.   

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Maghahangad ka ng malaki at higit pang mas malaki sa hinahagad mo ang mapupunta sa iyo. Sapagkat ang taong ito ng 2024 ay tatawaging “Panahon mo upang palakihin pa ng palakihin ang bawat biyaya matatanggap!” Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  4, 16, 25, 34, 43, 41. 

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hindi ka dapat mahiya at mag-alinlangan sa iyong ganda. Dahil ito ang araw upang ilabas at isuot mo ang paborito mong damit. Dahil ito mismo ang magiging pampasuwerte mo. Kapag suot mo ang damit na ito, bukod sa suwerte darating sa 2024, ang magagandang kapalarang hindi mo inaasahan, makapal na halaga ng salapi at nakakikilig na romansa at pag-ibig ay darating din. Mapalad na kulay ang  gold. Masuwerteng numero 3, 16, 12, 26, 33, 42. 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Kapag ang baso ay punong-puno, wala ng mailalagay na anumang laman dahil tatapon ang tubig. Alisin mo ang sama ng loob at hinanakit sa iyong puso, upang ang iyong buhay ay masidlan ng suwete at magandang kapalarang magdudulot sa iyo ng galak sa buong taong ito ng 2024. Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 4, 15, 23, 37, 41, 45.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.