27.5 C
Manila
Wednesday, July 24, 2024

Online Horoscope Enero 30, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ipakita mo ngayon na may paninindigan ka. Ituloy mo lang ang isang proyektong alam mo namang  tama at wag kang pumayag na hindi ang gusto mo ang manaiig. Gawin mo at lalo kang mamahalin ng iyong karelasyon dahil alam niyang mahina ang kanyang personalidad. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  3, 12, 28, 34, 38, 40.   

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Ang lahat ng bagay ay nagbabago. Ang hindi lang nagbabago ay ang pagbabago. Magbabago ang career mo at kalagayan sa buhay, nasa sa iyo na ngayon ang pagpapasya. Kung tatanggapin mo ba ang pagbabagong ito o mananatili ka sa luma at dati mo ng buhay? Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 14, 29, 37, 40, 45.    

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Ang iba ay sumusuko kapag napapagod at ang iba ay umaayaw kapag nakakaramdam ng kabiguan. Pero ang sa iyo ay kakaiba, habang napapagod ka at sinusubok ng kapalaran, lalo kang magpipilit at magpapatuloy.  Ang determinasyon mong ito ay gagantimpaalaan ng langit, magiibayo pang lalo ang dating ng suwerte at magagandang kapalaran sa susunod na mga araw. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  6,  15,  20, 25,  31, 43. 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hindi lang materyal na tulong ang ipagkakaloob sa iyo ng nasa itaas. Pagkakalooban ka rin ng simpatsa at pagmamahal. Kaya sa mga sandaling ito, isa-isa ng mawawala ang iyong mga suliranin. Mangyayari lamang kung pupuntahan mo ang isang kaibigang ginamit ng langit upang ikaw ay tulungan. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 3, 12, 26, 32, 42, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Kahit gaano pa kakapal ang ulap, hindi ito mananatili sa kalawakan.  Tatangayin siya ng hangin upang ang langit ay umaliwalas. Ganon din ang mangyayari sa iyo, kahit gaano pa ang kalungkutan at problemang dumarating, ang lahat ng ito ay panandalian lamang, upang palitan ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 9, 17, 24, 35, 42, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Makikipagtagisan ka ng talino sa isang hahamon sa iyong kakayahan, pero hindi dapat na maging matagal ang inyong pagtatalo, dahil masyadong bababa ang iyong pagkatao.  Oo, hindi mo sila ka-level, dahil mas matalino ka sa kanila. Kaya sa susunod upang hindi ka mapahamak, wag ka ng makikipagtalo sa mga taong mas mababa sa iyo ang mentalidad. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  7, 13, 24, 33, 38, 44.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Sa biglang tingin, masarap ang simpleng buhay lamang. Hindi gaanong mayaman at hindi rin gaanong mahirap. Ngunit wala sa dalawang ito ang magiging buhay mo, dahil itinakda ka para mamuhay ng alta-siyudad at yumaman. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 2, 16, 27, 31, 37, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Kung nasaan ka, naroon din ang saya at ligaya. Kung saan, wala ka, naroon naman ang lungkot at kawalang pag-asa. Dala-dala mo ngayon ang liwanag na nagbibigay ng ginhawa sa iyong kapwa. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 4, 18,  21, 39, 42, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ang iba ay sinusuwerte dahil nagsisikap at nagsisipag. Pero ang sa iyo ay kakaiba, kahit hindi ka magsikap at hahit hindi ka magsipag, basta’t magpaganda ka lang at magsuot ng kulay na pink o kaya’y red, ang suwerte at magandang kapalaran ay kusa na sa iyong didikit. Mapalad na ang kulay red at pink. Masuwerteng numero 1, 13, 19, 29, 37, 41.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Mataas ang iyong mga pangarap. Magkagayunman, ipinapangako ng iyong kapalaran na mapapasa iyo ang mga ito. Ipanatag ang iyong kalooban at ‘wag mong intidihin ang mga naiinggit at mga nangiintriga sa iyo. Mamamangha sila, malapait ng dumating ang panahong malayong-malayo na ang agwat mo sa kanila.  Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  2, 8, 10, 25, 36, 41, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ito ang araw na dobleng gandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Ang kailangan mo lang ay maglalabas ng bahay at magpasinag sa kabilugan ng buwan. Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero 6, 18, 24,  34,  39, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Marami ang hahanga sa kasipagan mo. Ang isa sa kanila ay maghahangad na ikaw ay makasama. Hindi siya ganon kasipag, pero mapagtiis. Hihintayin ka niya hanggang sa pumayag ka. Malapit na ang Araw ng mga Puso, kaya walang masama kung kung agad mo siyang susunggaban.  Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 6, 11, 26, 29, 31, 40.  

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.