29.6 C
Manila
Wednesday, June 12, 2024

Online Horoscope Enero 28, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Sa taong ito ng 2024 ang anumang hugutin mo sa iyong bulsa ay darami. Kaya humugot ka sa iyong bulsa at gamitin mo sa negosyo. Makaaasa kang ang hinugot mong salapi sa iyong bulsa ay darami at lalago hanggang sa yumaman ka. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 14, 19, 27, 31, 41, 44. 

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Wala ng ibang araw kundi ito. Lalapitan ka mismo ng mga suwerte. Ibig sabihin, dumating na ang takdang araw at ito ay ang ngayon kung kailan ay mapapasa kamay mo na ang magagandang kapalarang bigay sa ‘yo ng langit.  Mapalad ang kulay na aquamarine. Masuwerteng numero  3, 12, 15, 24, 33, 43.     

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Marami ang makatatanggap ngayon ng mga suwerte mula sa langit pero ang mga suwerteng mapapasa kamay mo ay kaiinngitan kahit na ng mga nakararanas ng magandang buhay sapagkat ang suwerte mo ay malaki talaga at dambuhala. Mapalad ang kulay na purple. Masuwerteng numero  5, 7, 13, 29, 40, 43. 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Sa taong ito ng 2024 hindi mo dapat gamitin ang iyong emosyon. Kumilos ka ayon sa dikta ng iyong isipan. Kapag nagawa mo yan, sa buong taong ito ng year of the Metal Ox, bubuhos sa buhay mo  ang mas marami pang suwerte at  magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 2, 7, 16, 20, 29, 34. 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Huwag mong pansinin ang mga kontrabida sa buhay mo at pati na rin silang inggit na inggit sa kagandahan mo, dahil kaya lang naman sila ganun ay dahil hanggang sa ngayon ay nadarama nila na sa larangan ng salapi  iniwan mo na sila ng milya-milya at sa kagandahan naman, paganda ka ng paganda, habang sila naman ay pumapangit at nagsisitanda na. Mapalad na kulay ang gold.  Masuwerteng numero 3, 19, 28, 36, 39, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Nasa pinakamataas na level ang pang-akit ng iyong kagandahan. Wag na wag na hindi ka lalabas ng bahay, dahil sa labas ng bahay, hindi lang mga tao o mga kaibigan mo ang maaakit at mahuhumaling sa iyo, kundi pati na rin ang magagandang kapalaran ay susundan ka ng susundan. Mapalad  ang kulay na dark green. Masuwerteng numero 5, 13, 25, 36, 39, 44.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Kakaiba ang iyong taglay na ganda dahil ang mga kilos at galaw mo pati na rin ang pagsasalita mo ay laging may lambing at pagiging magiliw. Sa taong ito ng 2024 gamitin mo ang espesyal na katangin mong ito sa pagpapaunlad ng kabuhayan at siguradong yayaman ka.  Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 6, 15, 24, 30, 33, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Kumukupas ang lahat ng bagay. Mahirap mang tanggapin pero totoo rin naman na napagiiwanan ka na rin ng panahon kung saan ang mga pormula mo sa buhay ay mga palaos na. Sa taong ito ng 2024 mag-isip ng bagong ideya at bagong diskarte kung paano ka mas mabilis na uunlad at yayaman. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 4, 17, 24, 28, 37,  43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Hindi pa tapos ang pagdating  ng mga bagong suwerte. Kung noong nakaraang taon ay may suwerte ka, mas marami pang darating sa taong ityo ng Metal Ox, kaya naman lagi kang magpasalamat sa nasa itaas at maging matulungin sa mga taong kapos-palad.  Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 3, 9, 18,  27, 34,  42. 

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Alam mo ba kung bakit patuloy ang pag-unlad ng buhay mo? Ito ay sa dahilang ang mga tinutulungan mo ay patuloy na nagpapasalamat at lihim na nanalangin sa itaas na lalo ka pang pagpalain at umasenso. Mapalad na kulay ang beige. Masuwerteng numero 4, 8, 11, 19, 31, 40.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kung kanino ka kakampi siya ang susuwertehin. Kung sino ang ayawan mo siya ang mamalasin. Isipin mo munang mabuti kung sino ang kakampihan mo upang sa ganon, kapag tuluyan ng sinuwerte ang iyong kinampihan ay mabahaginan ka ng magagandang kapalarang mapapasa kanya. Mapalad na kulay ang gold.  Masuwerteng numero  2, 4, 10, 19, 25, 28. 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Isinilang kang masuwerte at ito ay alam mo na. Alam mo rin ba na ang iyong papel sa mundo ay tulungan ang iyong kapwa at kapag lagi mong ginagawa ang mga pagtulong mas marami pang buenas at biglaang suwerte ang darating sa iyo lalo na sa taong ito ng 2024. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero  1, 11,  17,  25, 28, 41.   

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.