ARIES (Marso 21 – April 19) Kapag lumambot ang tsokolate ito ay madaling natutunaw. Hindi dapat lumambot ang iyong desisyon. Kung ano ang noon mo pa pangarap at gustong gawin, gawin mo agad kahit na may kumokontra. Dumating na ang araw na ipagkakaloob sa iyo ng langit ang iyong tagumpay. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 1, 18, 29, 32, 40, 43.
TAURUS – (April 20 – Mayo 20) May mga taong sinusuwerte kahit walang ginagawa. Mangyayari rin sana sa iyo ito, kaya lang likas kang masipag at hindi sa iyo puwede ang walang ginagawa. Kaya naman, iyong ibang sinusuwerte ng walang ginagawa, maliit lang ang suwerte nila, ang sa iyo ay sobrang laki at dambuhala talaga. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 8, 13, 24, 37, 41, 45.
GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Gagana ang isang pormula sa araw na ito kung paano ka makakaakit ng mas maraming suwerte at magandang kapalaran. Ito ay sa pamamagitan ng pakikipag-usap. Habang nakikipag-usap ka titigan mo sa pagitan ng dalawang mata ang iyong kaharap, at ibulong ang katagang: “Minamahal kita! Mapapasunod kita!” Anuman ang hilingin mo sa kanya ay tiyak na susunod siya sa iyo. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 1, 14, 28, 32, 42, 45.
CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kung ano ang gusto mong gawin, gawin mo. Hindi ka pupuwedeng patuloy na nabubuhay ng dahil sa mga kagustuhan ng ibang tao. Isinilang ka, para ikaw ang masunod. Oo, isinilang ka upang ikaw ang mamuno at isinilang ka upang ikaw ang mag-utos. Mamuno, mag-utos at maging maligaya, yan ang iyong tadhana! Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3, 9, 27, 37, 41, 42.
LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Hindi ka pupuwedeng mamalagi na lang sa loob ng bahay. Hindi ganyang buhay ang dinisenyo sa iyo ng kapalaran. Mamasyal ka at yayain mo ang isang kaibigan, siya ang magbibigay sa iyo ng bagong sigla at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 5, 14, 27, 28, 32, 44.
VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kapag nanariwa ang mga halaman, may mga dahong uusbong pero may mga dahon ding mahuhulog. Ganyan din ang mangyayari. May mga suliraning darating, pero masosolusyunan mo agad, at pagkatapos ng mga balakid at suliranin, puro suwerte at magagandang kapalaran na ang kasunod. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 1, 10, 16, 25, 34, 40.
LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Iniisip mong mamili para sa maging masaya ka. Ang problema, iniisip mo rin kung saan, kukuha ng pera. At iniisip mo rin baka kapos ang mahahawakang pera. Ang hindi moa lam. may nanonood ng mga iniisip mo. Sa malapit na hinaharap, kikilos ang langit. Bigla kang makakatanggap ng malaking halaga, sapat upang mawala na ang mga agam-agam at makakapamili ka na at tuluyang sasaya ang iyong isipan. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 4, 10, 21, 31, 33, 44.
SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Hindi payo ang iyong kailangan! Hindi mo rin kailangan ang kaibigan! At lalong hindi mo rin kailangan ang kalinga! Kung ganon, ano talaga ang iyong kailangan? Pera at Kalayaan! Ito ang magbibigay sa iyo ng tunay na saya at tagumpay. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 4, 17, 24, 36, 40, 44.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Hindi lang ganda ang taglay ng isang bulaklak, bagkus may nektar pa sa loob ng kanyang talulot. Ganon din ang kapangyarihan mo, hindi lang ganda, bagkus may mabuti kang ugali at busilak na puso. Ito ang propteksyon mo kung bakit hindi ka tinatablan ng kamalasan. Ang lahat ng naiingit sa iyo ng lihim at naninira, ang silang mamalasin. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 4, 15, 24, 29, 34, 42.
CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Lumalaki at lumiliit ang tubig sa dagat, lumalaki at lumiliit din ang buwan sa langit. Hindi puwedeng puro malaki, dapat nagbabawas din. Lingapin mo ngayon ang mga taong naghihirap, yong mga walang tumutulong at sobrang nangangailangan. Tulungan mo sila, matapos mong tumulong, bubuenasin ka. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 3, 12, 15, 34, 39, 42.
AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hindi sapat ang salapi sa pagpapatatag ng relasyon. Kailangan din ng lambing, caress at pagmamahal. Gawin mo ito sa kanya ngayon, bago niya makahalatang lagi mo siyang dinodominahan at pinangungunahan. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6, 18, 23, 33, 42, 44.
PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Umaawit ang ibon sa sanga at matapos umawit, damarapo ang isa pang ibon at sila ay maglalaro sa sanga at nagiging masaya. Hindi ka dapat na malungkot. Tulad ng mga ibon, umawit ka. Kahit hindi ka masyadong marunong kumunta, humimig-himig ka lang kahit nag-iisa. Makikita mo, matapos kang umawit at humimig, mag-uunahan na ang suwerte at magandang kapalaran na dumapo sa iyong katawan. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 7, 10, 28, 34, 42, 44.