28.3 C
Manila
Friday, July 26, 2024

Online Horoscope Enero 20, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Mapalad ka sa dilang mapalad at mapalad ka kaysa sa pangkaraniwang mapapalad dahil ang mga hinihiling ng iba na magagandang kapalaran ay matatagpuan sa iyong buhay at sa mismong karanasan mo. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 11, 25, 28, 37, 43.    

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Ikaw ang taong masyadong maawain. Kaya madalas kang madaya ng iyong kapwa. Magkagayuman mamahalin ka ng langit kaya ang mga biyaya at pagpapala ay laging mapapasa iyo. At ang mga suwerte at magagandang kapalaran ay magdaratingan ng sunod-sunod at ng  higit pa sa mga inaasahan mo. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  6, 14, 23, 32, 43, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Darating ang maraming tulong na magmumula sa isang kaibigan. Wala siyang ibang motibo kundi ang alalayan ka. Alam niya na ang magkakaibigan ay dapat na nagtutulungan. Kaya naman mapapa isip ka, buti na lang at hindi mo inaway ang lahat ng mga kaibigan mo at may natira pang paisa-isa kahit na papaano.  Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 2, 8, 26, 33, 40, 42.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Napakabilis ng takbo ng panahon sa kasalukuyan baka mapag iwanan ka kung babagal-bagal ka. Bawasan ang ugaling isip ng isip, sa mga pangyayaring nararanasan mo, kilos ang pinakamahalaga.  Kaya wala kang dapat gawin sa ngayon kundi ang kumilos na, kumilos ng kumilos! Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 6, 12, 23, 27, 37, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Dahan-dahan ka sa pakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan. Tinatandaan nya ang iyong mga sinasabing hindi magaganda at ito ay ikukuwento nya sa iba. Gagawin nya ito ng palihim upang siraan ka. Wag kang kuwento ng kuwento sa mga kaibigan mong hindi naman totoong kaibigan, kundi ang tanging hangad ay ang pabagsakin ka. Pero hindi sila makapananaig, dahil noon pa man, likas ka nang mas mapalad kaysa sa kanila.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 7,  14,  17, 26,  34, 42.   

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Walang silbi ang mga ulap kung hindi ito tatangayin ng hangin. Malilibot mo ang malalayong lugar kapag ikaw ay may inspirasyon sa iyong buhay at maaaring ka ring yumaman ng yumaman. Maglibot ka nang maglibot ngayon, upang yumaman ka ngunit dapat ding may inspirasyon ka.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 3, 12, 27,  30,  32, 44.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Ganito ang magiging kapalaran mo sa taong ito ng 2024. Iikot ng mabilis ang ruweda ng kapalaran, mabilis na mabilis. At sa kanyang paghinto, ikaw ay matatagpuang nasa itaas habang ang mga kalaban mo at ang mga taong naiinggit sa iyo ay nakakaawa at tatanghod-tanghod sa iyo na nasa pinaka-ibaba. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 2, 16, 19, 27, 33, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ito ang araw upang suklian mo ng pagmamahal ang kabutihan ng iyong karelasyon. Hindi sapat na mahal mo nga siya pero kulang na kulang ka naman sa pagbibigay sa kanya ng saya at ligaya. Dagdag na saya at ligaya ang ipagkaloob mo sa kanya, upang ang suwerte at magandang kapalaran ay patuloy na  manahan sa inyong pamilya.  Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 36, 41, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Mapupuno ng masasayang kaganapan ang buhay mo sa ngayon.  Masayang-masaya, dahil dadalawin ka ng sunod-sunod na suwerte at magagandang kapalaran na ngayon mo lang mararanasan sa tanang buhay mo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 19, 22, 34, 37, 41.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Maging positibo nang sa gayon ay hindi manaig sa iyo ang lungkot. Huwag mong balik-balikan ang mga hindi magagandang karanasan. Dahil hindi mo ba napapansin nasa itaas ka na ngayon? Baka kababalik mo sa mga nakaraan ilagay ka  uli ng kapalaran sa ibaba. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 5,  8, 19,  23, 37, 41.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kakaiba at mahirap paniwalaan ang iyong kapalaran ngayon. Sa mga sandali na nahihiya ka at nananahimik tatawagin ka ng iyong tadhana at ilalagay sa kung saan ay hahangaan ka ng madla at magkakapera ka ng malaking halaga. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 9,  18, 19, 27, 33, 45.  

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ito ang araw na nagbabalitang ang magiging papel mo sa mundo ay ang ipaglaban ang panig ng mga inaapi at inaabuso. Sa ganyan ka magiging maligaya. Pero wag kang mag-alala, dahil habang tumutulong ka at nakikisimpatsa sa mga inaapi, marami pang  suwerte at magagandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  3, 18, 24, 26, 35,  43.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.