29.1 C
Manila
Thursday, May 2, 2024

Online Horoscope Enero 10, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Sa taong ito ng 2024 ang may alam ay dapat turuan silang mga walang alam. Ikaw ay may alam, ang totoo nga mas maalam ka kaysa sa iba. Wag ipagdamot ang iyong karunungan at kaalaman, ipagpatuloy mong ibahagi ito sa iba. Makikita mo, ang malalaking suwerte at magagandang kapalaran ay tuloy-tuloy na mapapasa iyo kapag pinamahagi mo sa iba ang iyong kaalaman. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 7,  14,  17, 26,  34, 42.   

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Mahal ka ng nasa itaas, dahil ikaw ay sanga na dinadaluyan ng wagas na pagmamalasakit sa iyong kapwa. Ipagpatuloy mo ang iyong kabutihan, at wag kang mag-alala, dahil saan ka man ipadpad ng tadhana, lagi ka pa ring padadalan ng suwerte at magagandang kapalaran ng langit.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 3, 12, 27,  30,  32, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Kung ano ang tanong dapat yon din ang sagot. Kapag sumobra, ito ay hindi na maganda, dahil ang anumang sobra ay pang-uuto na. Mag-ingat ka dahil maraming ang gusto ay ikaw ay mabola. Gamitin mo ang talas ng iyong pakiramdam upang hindi ka nila maisahan. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  3, 18, 24, 26, 35,  43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Madali lang upang ikaw ay suwertehin ngayong 2024.  Kailangang ikaw ay laging may kasama. Kapag may kasalo ka lagi sa pagkain sa pananghalian at may kasama ka sa higaan, magbabago ang iyong kapalaran puro suwerte at magagandang kapalaran na ang magdaratingan sa iyong harapan. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  6, 14, 23, 32, 43, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Ang taong masipag hindi takot sa trabahong mahirap kaya siya ay umaasenso. Samantalang ang tamad kahit madali lang ang trabaho ayaw pa ring mag-trabaho. Pero ang kapalaran mo ay kakaiba, kahit na magpakatamad ka, lagi ka pa ring bibigyan ng suwerte at buenas, dahil habang ikaw ay binubuo sa sinapupunan,  idinesenyo na ng langit ang iyong kapalaran upang yumaman, upang suwertehin at magtagumpay. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 5,  8, 19,  23, 37, 41.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Taglay mo ang malikhaing kaisipan, kaya hindi nakapagtatangkang kaya mong solusyunan ang anumang uri ng mga problema at suliranin. Ibahagi mo sa mga nalulungkot at namumroblema ang iyong galing, dahil iyan mismo mo ang misyon mo sa mundo. Habang ginagawa mo ang iyong misyon, pagpapalain ka ng langit, at pagkakalooban ng maraming suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 36, 41, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Hindi mo ba napapansin, tuloy ang init ng ulo ng mga kasamahang naubos ang pera nitong nakaraang kapaskuhan. Iwasan mong magdidikit sa kanila baka ikaw ang mapagbalingan. Ugaliing magsuot ng kulay na pula, upang patuloy mong mahigop ang suwerte na may kaugnayan sa salapi at materyal bagay. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 11, 25, 28, 37, 43.    

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Mararanasan mo ngayon ang kabaitan ng langit, kung saan, kahit siya ay pinag-aalinlanganan mo, hindi ka nya matitiis. Dahil kahit magulo ang isip mo at kung ano-ano ang mga plinaplano at binabalak mo, sa taong ito ng 2024 isa-isang ipagkakaloob sa iyo ito ng nasa itaas, sa kundisyong  wag kang lang magmamadali at wag maiinip. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 19, 22, 34, 37, 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Wag na wag mong papapangitin ang iyong buhay. Ganon din wag na wag mong papapangitin, ang sala ng inyong bahay, ang kusina, ang iyong silid at maging ang CR na madalas mong pinupuntahan. Kapag maganda ang nasa paligid mo ngayong 2024, walang tigil paganda rin ng paganda ang iyong kapalaran. Kaya ang pinakamaganda mo ng magagawa, pagandahin mo ang inyong buong kabahayan at makikita mo, gaganda pang lalo ang takbo ng iyong kapalaran. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  4, 13, 25, 26, 31, 41.  

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Matamis ang bunga ng hindi pinilit kunin. Wag kang magmadaling yumaman. Dahil kapag napaaga ang iyong tagumpay sa materyal na bagay, maaga rin itong mawawala at matutunaw. Hayaan mong hinugin ng tadhana ang iyong pagasenso at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 6, 12, 23, 27, 37, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Lagi namang may kontrabida, kaya wala ka ring magagawa kundi ang harapin ang mga nagsisikontra sa kagustuhan mo. Hanggang kontra lang naman sila, dahil anu’t-anoman ang mangyari, sa taong ito ng 2024 ikaw ang laging papaboran ng langit, kaya ang mga nagsisikontra sa iyo ay mabibigo, habang ikaw ay patuloy na susuwertehin at magtatagumnpay.  Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 9,  18, 19, 27, 33, 45.  

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) May mga taong ginigipit ang kanyang sarili, dahil hindi naman niya kaya ay pilit na kinakaya. Wag kang tumulad sa kanila, kung ano ang kaya mo yon lang ang gawin mo. Dahil ang para sa iyo ay dadagdagan pa ng langit ng doble-doble at mas marami, kaya patuloy kang sasagana at magtatamo ng malalaking tagumpay. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 2, 16, 19, 27, 33, 43.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.