28.1 C
Manila
Saturday, June 22, 2024

Online Horoscope Disyembre 4, 2023

ARIES (March 21-April 19)

Pasalamatan ang anong meron ka at iwasang makipagkumpara…Magpakatotoo sa sarili dahil ang mahalaga ay ang damdamin mo at hindi ang kanila…Dapat tunay ang saya na nararamdaman at hindi pakitang tao lang o masabi lang…Mahalin ang sarili at hanapin kung saan ka maging masaya, maglibang kung nalulumbay o wag mag mukmok kung may problema…Saya ay matamasa kung totoo sa sarili Lucky Number: 3-15-18-33-42-44 Lucky Color: Red

TAURUS (April 20-May 20)

May mga bagay na hindi inaasahan na mangyari…Anuman ang nais natin, kung hindi ito ang gusto ng Diyos, ito ay mawawala o hindi mangyayari, hindi uunlad o hindi uusad…Tandaan laging may panibago, at tandaan, anuman ang plano ng Diyos ay para sa ikabubuti ng lahat at sa iyo mismo…Magtiwala Lucky Number: 15-6-16-26-35-40 Lucky Color: Green

GEMINI (May 21-June 20)

Pabago-bago ang iyong emosyon, pero ikaw ang tipong madaling maalis ang tampo, may malambot na puso…Minsan kailangan mong bigyan ng hangganan, lalo na kung isip-bata na ang naipapakita…Balansihin ang sarili at iwasang maghanap o matuto nang makontento sa kung ano’ng kayang ibigay ipakita ng tao sa paligid o mga taong mahal mo Lucky Number: 30-17-7-33-42-45 Lucky Color: Yellow Green

CANCER (June 21-July 22)

Iwasang magkunwari o magpaasa…Anuman ang plano, kung makakabuti ay tagumpay…Gamitin ang pakiramdam at sundin ito…Magtiwala sa gabay, hilingin ito sa Diyos na ikaw ay gabayan sa bawat hakbang o plano na ikaw ay samahan at protektahan niya anuman ang mangyari Lucky Number: 13-8-5-26-31-38 Lucky Color: Yellow

LEO (July 23-August 22)

Ikaw ang tipong hindi basta nagtitiwala, at minsan lito sa sarili…Wag gawing biro ang lahat ng bagay o wag isiping sa lahat ng panahon ay madadaan sa biruan o pagbaliwala…Mag focus sa nais at magpakatotoo sa sarili…Wag mangamba dahil ang darating ay ligaya… Mag-enjoy at magpasalamat Lucky Number: 7-15-17-23-39-43 Lucky Color: Light Blue

VIRGO (August 23-September 22)

Hindi natin maiwasan na minsan may lungkot na mararamdaman, pagkalumbay kahit hindi malaman ang dahilan o hindi maunawaan ang sarili…Maghintay at magtiwala sa Diyos na may inilaan siyang para sa iyo at ang lahat ng pagsubok ay dadaan lang at lilipas…Iwasang mag-isip ng sobra…May panibagong hatid ang buhay at ito’y maganda Lucky Number: 3-8-14-19-25-29 Lucky Color: Brown

LIBRA (September 23-October 22)

Magtiwala, anuman ang mangyari…Ikaw ay mahalaga at manatili, anuman ang meron ka o pinanghahawakan…Ikaw ay magiging matatag at makakabangon, anuman ang pagsubok na darating, mag focus lang sa iyong puso sa Diyos na siyang naghahari, na siyang pag-ibig, at magbibigay ng lahat Lucky Number: 1-4-9-17-23-33 Lucky Color: Red

SCORPIO (October 23-November 21)

Alam mo at umaasa na anuman ang kahinatnan o mangyari ay may magandang bunga…Nakatakda na ang mangyayari, kaya wag matakot ni mangamba, ibigay lang ang kaya mo unawa man, pag-ibig man, financial man, anopaman ito dahil nakasaad sa hinaharap ay napakaganda Lucky Number: 50-30-10 Lucky Color: Brown

SAGITTARIUS (November 22-December 21)

Minsan pawala-wala lang, kahit may nararamdaman o duda sa partner man o sa sarili…Iwasang i-entertain ang negatibo upang hindi mahirapan at makapag-isip ng masama…Laging may magandang hatid ang buhay, magpakabuti lang at ikalma ang sarili sa mga pangyayari man marinig o makita Lucky Number: 15-23-28-33-40-44 Lucky Color: Black

CAPRICORN (December 22-January 19)

May mga bagay na minsan kailangan natin ipaalam o sabihin, kahit ayaw natin, para sa ikabubuti…Magtiwalang anuman ang nais ng Diyos ay para sa ikabubuti ng lahat…Lakas ay sa Diyos, kaya hilingin ito at ikaw at ang iyong mga mahal sa buhay ay magiging maayos at masaya Lucky Number: 4-7-12-17-33-39 Lucky Color: Grey

AQUARIUS (January 20-February 18)

Pinipilit maging ok o magmukhang maayos at pinapanatiling positibo ang mga bagay kahit nahihirapan…Anuman ang bagay na hindi ukol ay hindi magtatagal…Ilalagay tayo ng Diyos kung saan tayo kumportable at maayos, kaya kung ikaw ay nahihirapan sa isang sitwasyon o tao ay matutuldukan ito…Sa ayaw at sa gusto, ikaw ay dadalhin kung saan ka nararapat Lucky Number: 2-19-30-28-43-45 Lucky Color: Yellow

PISCES (February 19-March 20)

May mga bagay na mahirap kunin o makuha, pero ikaw ang tipong hindi sumusuko…Anuman ang nais, kung hangad ay kabutihan, ay makukuha…Diyos ang magpapasya, anuman para sayo ay makukuha mo…Gaano man kahirap o ka-imposible, tulong at suporta ay mapapasayo o ibibigay Lucky Number: 11-21-19-26-33-44 Lucky Color: White

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.