26.7 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

Online Horoscope Disyembre 3, 2023

ARIES  (Marso 21 – April 19) Determinasyon ang kailangan mo ngayon, dahil kung ano ang binabalak mo yon ang dapat mong gawin. Hindi dapat magpabago-bago ang iyong isip. Kapag determinado ka sa iyong gagawin at pagpapasya, ang suwerte at magandang kapalaran ay agad mong makakamit. Mapalad ang kulay na orange.  Masuwerteng numero 3, 18, 21, 27, 39, 44. 

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Tatamaan ka ngayon ng isang hindi pangkaraniwang sinag. Ito ang ang kakaibang tala na misan lang dumating sa panahon ng kapaskuhan. Ang pangalan ng sinag na ito ay “ang sinag ng suwerte.” Kaya anuman ang gawin mo, susuwertehin ka.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  6, 12, 24, 36, 34, 44.    

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Kakaibang sigla ang madarama mo, na hindi mo matukoy kung bakit ganon na lang ang sigla mo. Ang tunay na dahilan mataas ang level ng iyong libido sa araw na ito, kaya bukod sa natural na suwerteng darapo sa iyo, may sarap at ligayang hatid pa ito na hindi mo maipaliwanag. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42. 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kusang lumalago ang mga halaman sa panahon ng tag-ulan. Hintayin mo ang panahong ito sa iyong buhay, hindi ka dapat mainip. Sapagkat bago ka pa isinilang itinakda na ng langit  na tulad ng mga halaman, darating at darating din ang isang panahon sa iyong buhay na lalago ng lalago at magiging sobrang msagana at makapal ang iyong kabuhayan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.    

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Hindi pupuwedeng hindi lumulubog ang araw, ngunit alam mo ba ang binabadya nito? Tulad ng mangyayari sa iyong kapalaran, lulubog ang araw, kasama na rin nitong mawawala ang mabibigat mong mga problema at suliranin sa buhay, upang bukas makalawa kasabay ng pagbubukang liwayway puro suwerte na at magagandang kapalaran na ang iyong mararansan.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Mahirap ang walang matalik na kaibigan lalo na sa tulad mong mapagisa at tuktok sa trabaho. Kaya naman sa araw na ito pagkakalooban ka ng  kaibigang aalalay sa iyo. Ang kaibigan mo ring ito bukod sa makatutulong sa iyo ay tila isang anghel na hulog ng langit na magdadala sa iyo ng magandang kapalaran at masasayang karanasan.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45. 

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Mas malakas na pang-akit ang mga ngiti. Ngayon mapapatunayan mo ito dahil sa hindi mo sinasadyang pagngiti sa isang hindi mo naman kakilala,  siya ay maaakit at mahahalina sa iyo, kasabay nito, hindi sinasadyang mangingitian mo rin ang tagapagbigay ng magandang kapalaran, kaya sa araw na ito, agad-agad kakaiba at malalaking  suwerte ang mapapasa iyo. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45. 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Mahirap paniwalaan pero sa buwang ito ng Disyembre  maraming suwerte ang darapo sa iyong  katawan. At ang mga suwerteng ito at magagandang kapalaran kahit na pagpagin mo pa ng pagpagin, babalik at babalik pa rin ito, hanggang sa matamasa mo ang wagas na pagunlad at ang tunay na ligaya. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42. 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Napakabilis ng mga kaganapan sa iyong buhay. Lalo na ang pagdating ng salapi, pero may babala na mabilis ding mauubos. Hindi ka dapat mag-alala, maubos mo man ang salaping hawak dahil sa mga pang-regalo, umasa kang papalitan yan ng langit ng doble at higit pa. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 5, 18, 24, 29, 35, 42. 

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kahit na magpilit ka ng magpilit, hindi talaga mapupunta ang isang bagay na hindi naman talaga para sa iyo. Ngunit ang mabuting balita, papalitan ng nasa itaas ang mga bagay na gusto mo na hindi napunta sa iyo ng mas marami, mas marami at mas ikaliligaya mo. Ang mahalaga sa ngayon, wag kang kokontra at maniwala ka sa takdang kapalaran. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Huhusgahan ka ngayong araw na ito ng kapalaran at matapos suriin ang mga nagdaan mong karanasan ang naging hatol ng langit, ay pagkalooban ka ng bulto at di biro-birong mga suwerteng magsisimulang maramdaman sa susunod na taong 2024. Kaya’t ngayon pa lang magpasalamat ka ng lagi sa pamamagitan pagtulong sa kapwa at sa mga nangangailangan. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43. 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Madali kang maakit ng taong mabait dahil mabait ka rin. Ang problema madali ka ring mauto at maisahan dahil likas din sa ugali mo ang pagiging maawain. Panatiliin mo ang pagiging mabait dahil nakikita ng nasa itaas ang iyong kabaitan. Sa malapit na hinaharap gagantimpalaan ka ng langit, dagdag na suwerte at magagandang kapalaran ang bigla at patuloy mong matatanggap. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.