25.4 C
Manila
Monday, February 26, 2024

Online Horoscope Disyembre 28, 2023


ARIES
(Marso 21 – Abril 19) Ilalagay mo sa harap mo ang oportunidad na maaaring makaranas ka ng masarap na buhay. Kapag dumating ito, huwag kang mag-atubiling sunggaban agad, dahil matagal nang babalik ang nasabing pagdating ng magandang kapalaran. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 9, 23, 27, 32, 36, 44.

TAURUS – (Abril 20 – Mayo 20) Ito ang araw kung kailan magsisimula ang pag-unlad ng iyong buhay, at ito rin ang araw na kailangan mong masanay sa pagpapahalaga sa mga biyayang ipinagkaloob sa iyo. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 6, 24, 30, 35, 39, 41.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Doble ang ganda ng kapalaran mo sa araw na ito. Isa na iyong hinahangad ay magiging dalawa. Kaya ang payo, maghangad ka pa ng maghangad sapagkat ang mapupunta sa iyo ay laging doble at mas marami pa. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 5, 14, 28, 34, 36, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ito ang araw kung kailan pinapatnubayan ka ng langit. Kung ano ang iyong tinututukan ngayon, ito mismo ang ipagkakaloob sa iyo. Mapalad ang kulay apple green. Masuwerteng numero 3, 8, 26, 33, 39, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Suwerte ka ngayon. Sino naman ang malas? Walang iba kundi ang mga pahirap sa buhay mo. Kasama sa may pangit na kapalaran ang mga lihim mong kaaway. Mapalad ang kulay na magenta. Masuwerteng numero 4, 18, 27, 31, 37, 40.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Lumalawak ang sarili mong mundo. Ibig sabihin, ikaw ay umaasenso. Darami rin ang mga kaibigan mo, at ang iyong pinagkakakitaan ay papaunlad ng papaunlad. Sa ayaw at sa gusto mo, mangyayari na ito, dahil ito ang itinakda ng langit para sa iyo. Mapalad ang kulay na emerald green. Masuwerteng numero 9, 21, 27, 29, 34, 45.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Nakaabang sa landas na nilalakaran mo ang malalaking pagsubok, pero huwag kang mag-alala. Malalaki nga sila, ngunit ang totoo, mabilis din silang magsisilayas sa buhay mo upang palitan ng malalaki ring suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 5, 19, 23, 32, 37, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Hindi ka dapat magpaapekto sa mga komentaryo na kontra sa mga plano mo. Higit sa lahat, ikaw lang mag-isa ang tunay na nakakakilala sa iyong tunay na pagkatao. Ituloy mo lang ang iyong mga plano, at siguradong magtatagumpay ka. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 3, 18, 27, 37, 42, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Kapag sobrang nagmamadali ka ngayon, marami ang magagandang oportunidad na sa iyo ay makakalampas. Kaya hinay-hinay lang at paganahin mo ang talas ng iyong intuition. Mapalad ang kulay na violet. Masuwerteng numero 6, 12, 24, 29, 34, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Nagbabalita ang araw na ito na narinig na ng langit ang mga panalangin mo para sa mga mahal mo sa buhay. Kaya makaaasa ka na isa-isa, ang lahat ng pangarap mo ay bibigyang katuparan. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 6, 17, 25, 29, 40, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Huwag mong hadlangan ang sarili mo na lumigaya. Aanhin mo ang lahat ng bagay na iyong nahahawakan o nakikita, kung mananatiling nag-iisa ka. Buksan mo ang puso mo sa pagmamahal, dahil sa pagmamahal mo matatagpuan ang tunay at wagas na ligaya. Mapalad ang kulay na blue. Masuwerteng numero 2, 11, 18, 32, 33, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Panalo. Ito ang isa pang pangalan ng araw na ito. Lahat ng sagabal at mga hamon ng kapalaran na lalagay sa iyong harapan ay hindi makapananaig laban sa ‘yo, dahil ikaw sa araw na ito ay itinakda upang magwagi at manalo. Mapalad ang kulay na lilac. Masuwerteng numero 3, 15, 24, 34, 38, 43.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.