30.4 C
Manila
Thursday, February 22, 2024

Online Horoscope Disyembre 24, 2023

ARIES Ingatan mong maramdaman ng kapwa mo na alam mo ang kanilang mga kahinaan kaya hindi sila makaabante sa buhay. Hindi lahat ng katotohanan ay kailangan pang sabihin. Masuwerteng kulay: Beige. Tips sa lotto: 16-29-20-21-24-35.

TAURUS Samantalahin mo ang mga araw sa ngayon na kung kailan pwedeng lumabo at puwedeng maubos ang laman ng iyong bulsa. Huwag kang sumunod sa payo na ang tao ay dapat na nakukuntento. Ibig sabihin, habang dumarating ang magagandang oportunidad, magipon ka ng mag-ipon at magpundar. Masuwerteng kulay: Blue. Tips sa lotto: 11-15-17-22-24-32.

GEMINI Magbubukas pa ang maraming oportunidad na sa biglang tingin ay magdadagdag sa iyong yaman. Hindi ipinapayo na magbago o magpalit ka ng kasalukuyang pinagkakakitaan. Masuwerteng kulay: Black. Tips sa lotto: 19-25-27-30-36-38.

CANCER Kaya naglalapitan ang magagandang pagkakataon dahil ang gusto ng langit ay maiba ang iyong pananaw. Gaganda ang buhay kapag pangkabuhayan ang iyong tinutukan. Masuwerteng kulay: Violet. Tips sa lotto: 18-22-24-28-30-34.

LEO Kapag alam mo na nasa taas ka o angat ka, bumaba ka. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran ng sa ganun ay magtuloy-tuloy na hindi nahihinto ang dating sa iyo ng mga suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay: Peach. Tips sa lotto: 15-17-22-25-28-33.

VIRGO Iwan na iwan mo ang nasa paligid mo sa dami ng iyong mga kaalaman. Pwede ka nilang iwan ng milya-milya dahil mas kumikilos sila. Pero ‘pag Ikaw ang kumilos, tiyak ikaw ang mananalo. Masuwerteng kulay: Red. Tips sa lotto: 02-09-23-23-37-42.

LIBRA Marami pang magagandang bagay ang pwedeng mapasaiyo. Tiwala lang sa sarili ang kailangan mo kaya hindi dapat makasingit kahit kailan ng pag-aalinlangan. Masuwerteng kulay: Lilac. Tips sa lotto: 11-15-24-25-39-40.

SCORPIO Hawak mo ang kapalaran mo sa ngayon. Kung ano ang gusto mo, gawin mo. Hindi pwedeng wala kang gagawing anuman dahil wala ring mangyayari sa buhay mo. Masuwerteng kulay: White. Tips sa lotto: 14-17-27-29-33-34.

SAGITTARIUS Talo mo ang lahat ng kakumpetensya mo at ang lahat ng mga karibal mo pero pwede ka nilang masingitan kung hindi ka makikipaglaban. Huwag atrasan ang mga hamon ng kapalaran. Masuwerteng kulay: Green. Tips sa lotto: 10-13-15-28-31-42.

CAPRICORN Hindi ka dapat masiyahan sa gumagandang takbo ng mga pangyayari. Ang kasiyahan ay dapat madama pagkatapos na makuha ang mga pinapangarap. Masuwerteng kulay: Yellow. Tips sa lotto: 20-25-26-29-30-36.

AQUARIUS Nagdadatingan ang mga makikislap na senyales na para sa iyong magandang kinabukasan. Magpalakas ka, ang ibig sabihin ay ibasura mo ang iyong mga kahinaan. Masuwerteng kulay: Purple. Tips sa lotto: 18-20-21-27-30-33.

PISCES Nililinis ng iyong kapalaran ang mga banta na sisira sa iyong mga pangarap. Hindi mo man maunawaan, kailangang tanggapin mo ng maluwag sa loob mo na para sa iyo ang lahat ng ito. Masuwerteng kulay: Pink. Tips sa lotto: 19-22-25-28-38-39.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.