28.2 C
Manila
Thursday, June 20, 2024

Online Horoscope Disyembre 24, 2023

ARIES (Marso 21 – April 19): Ang iyong kapalaran sa pagpasok ng taong 2024 ay doble ang ganda. Ang hinahangad mo ay magiging dalawa. Kaya, maghangad ng mas marami pa, sapagkat ang lahat ng pupunta sa iyo ay laging doble at mas marami pa. Mapalad ang kulay tangerine. Masuwerteng numero: 5, 14, 28, 34, 36, 44.

TAURUS (April 20 – Mayo 20): Huwag mong hayaang makaapekto sa’yo ang mga kontrang komentaryo sa iyong mga plano. Ikaw lang ang tunay na nakakakilala sa iyong sarili. Ituloy mo ang iyong mga plano at tiyak na magtatagumpay ka. Mapalad ang kulay pink. Masuwerteng numero: 3, 18, 27, 37, 42, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21): Sa araw na ito, magsisimula ang pag-unlad ng iyong buhay. Kailangan mong masanay sa pagpapahalaga sa mga biyayang natanggap mo. Mapalad ang kulay maroon. Masuwerteng numero: 6, 24, 30, 35, 39, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22): Ang papasok na taon ng 2024 ay nagbabalita na naririnig na ng langit ang iyong mga panalangin. Makaaasa ka na ang lahat ng iyong pangarap ay magkakatotoo. Mapalad ang kulay yellow. Masuwerteng numero: 6, 17, 25, 29, 40, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22): Huwag mong hadlangan ang sarili mo na maging masaya. Aanhin mo ang lahat ng bagay kung mananatiling nag-iisa ka. Buksan mo ang puso mo sa pagmamahal, dahil dito mo matatagpuan ang tunay at wagas na ligaya. Mapalad ang kulay blue. Masuwerteng numero: 2, 11, 18, 32, 33, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22): Kapag sobrang nagmamadali ka sa taong 2024, maraming magandang oportunidad ang makakalampas sa iyo. Hinay-hinay lang at pahintulutan ang iyong intuition na magtagumpay. Mapalad ang kulay violet. Masuwerteng numero: 6, 12, 24, 29, 34, 45.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23): Lumalawak ang iyong mundo. Ito ay tanda ng iyong pag-angat. Darami ang iyong mga kaibigan, at ang iyong pinagkakakitaan ay patuloy na uunlad. Mangyari man o hindi, ito ay nakatakda ng langit para sa iyong paglago sa taong 2024. Mapalad ang kulay emerald green. Masuwerteng numero: 9, 21, 27, 29, 34, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21): Isusubo sa iyong harapan ang oportunidad para magkaruon ng magandang buhay. Huwag mag-atubiling sundan ito, sapagkat ito ay isang pagkakataon na muling bumalik sa iyo ang magandang kapalaran. Mapalad ang kulay silver. Masuwerteng numero: 9, 23, 27, 32, 36, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21): Panalo, katuparan, at pagwawagi ang magiging pangalan ng taong 2024 para sa iyo. Lahat ng sagabal at hamon ng kapalaran ay hindi magtatagal laban sa iyo, sapagkat ang taong 2024 ay itinakda para sa iyo. Mapalad ang kulay lilac. Masuwerteng numero: 3, 15, 24, 34, 38, 43.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19): Sa taong 2024, malalampasan mo ang malalaking pagsubok sa iyong landas. Wag kang mag-alala, malalaki man ang mga ito, mabilis din silang mawawala sa iyong buhay upang palitan ng mas malalaking suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang kulay red. Masuwerteng numero: 5, 19, 23, 32, 37, 44.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18): Susuwertehin ka sa taong 2024. Wala ng ibang malas kundi ang mga pagsubok sa iyong buhay. Ang mga lihim mong kaaway ay kasama sa mga ito. Mapalad ang kulay magenta. Masuwerteng numero: 4, 18, 27, 31, 37, 40.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20): Sa buong taon ng 2024, wala nang duda, gabay ka ng langit. Ang iyong tinututukan ngayon ay iyong makakamtan. Mapalad ang kulay apple green. Masuwerteng numero: 3, 8, 26, 33, 39, 42.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.