26.7 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

Online Horoscope Disyembre 18, 2023

ARIES (Marso 21 – April 19): Kung ano ang malaki, iyon ang iyong pipiliin. Makikiayon naman sa iyo ang tadhana, dahil malaki ang ibibigay sa iyo. Ang lahat ng malalaking tagumpay at katuparan sa buhay ay ipagkakaloob na ngayon sa iyo ng kaharian. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 3, 11, 18, 27, 39, 42.

TAURUS (April 20 – Mayo 20): Lumayo ka sa sobrang mapagpilit, makulit at may gusto sa iyo. Kapag hindi mo nasunod ang nasabing payo, masusumpungan mong kayo ay kayo na. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 6, 13, 24, 32, 33, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21): Iyong-iyo ang araw na ito. Walang papayagan ang kalangitan na sinuman na sumira sa pagdating ng iyong kaligayahan. Ang magtangka ay aalisin sa landas ng iyong buhay. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 6, 12, 19, 27, 36, 42.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22): Kailangan mo ngayon ang isang kakuwentuhan na makikinig sa iyo na hindi ka sasalungatin. Puntahan mo ang palagi mong nakakatsikahan na iyong kaibigan at kaugali. Kapag nagkakuwentuhan kayong dalawa, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 1, 7, 16, 19, 25, 28.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22): Sa kapaskuhang darating, sakyan mo lamang at wag mong pansinin ang mga nagbibigay sa iyo ng suliranin at sama ng loob. May idinisenyo na ang langit para sa kanila. Sa bandang huli, sila ay mapapahamak, habang ikaw naman ay tuloy-tuloy na liligaya at uunlad. Mapalad ang kulay na lilac. Masuwerteng numero 6, 12, 17, 26, 27, 39.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22): Ito ang araw na magbubunyi at magagalak ang mga anghel sa langit. Inilista ang iyong pangalan sa mga taong pagkakalooban ng himala at mga kakaibang suwerte. Humiling ka ng mga bagay na imposible at talagang alam mo hindi at malabong mangyari. Pagdating ng susunod na taong 2021, ito ay matutupad. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 5, 14, 23, 28, 33, 39.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23): Bukas ang puso mo para sa pag-ibig sa araw na ito. Kaya habang umiibig ka at nagmamahal, tuloy-tuloy ding darating ang suwerte at magandang kapalaran. Ibig sabihin din nito, bawal kang magalit at magtampo sa araw na ito. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 2, 16, 25, 29, 33, 38.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21): Ikaw ngayon ang sentro ng atensiyon. Lahat ay pinag-uusapan ang ipinamalas mong lakas ng loob. Gagayahin ka nila pero baka hindi nila kaya ang iyong husay at galing. Mapalad ang kulay na maroon. Masuwerteng numero 1, 4, 7, 22, 27, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21): Sa panahong ito ng kapaskuhan, masusumpungan mo ang iyong sarili na nasa mataas na kalagayan, kung saan, patuloy kang titingalain at hahangaan. Ito kasi ang talagang nakatakda sa iyong kapalaran, malalaki at matataas na tagumpay. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 1, 3, 9, 27, 36, 43.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19): Kung hindi mo babawasan ang init ng ulo mo ngayon, masisira ang iyong diskarte. Huminahon ka at wag mong gaanong sisihin at alipustahin ang pagkatao ng iyong kapwa, lalo na ng mga taong malalapit sa puso mo. Hintayin mo ang tamang panahon magbabago at makauunawa din sila. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 4, 11, 13, 18, 31, 42.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18): Napakalakas ngayon ng iyong karisma. Kahit ang mga nakagalit mo ay makikitang naaakit sa iyo. Kaya naman sa araw ding ito, ang lahat ng suwerte at magagandang kapalaran ay isa-isa na ring maglalapitan sa iyo. Mapalad na kulay ang aquamarine. Masuwerteng numero 4, 13, 17, 22, 33, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20): Subukan mong ibaba ang iyong sarili, tumulong at makisimpatsa ka sa hanay ng mga walang-wala at wala ng maaasahan. Masosopresa ka dahil ang magiging resulta lalo kang pagpapalain ng langit at bibigyan ng mas marami pang magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 4, 7, 12, 16, 22, 31.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.