27.6 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Online Horoscope Abril 4, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Mahalin mo ang kaaway mo at ang mga taong nakakasamaan mo ng loob, dahil kapag ginawa mo yan, mamahalin ka rin ng nasa itaas at gagantimpalaan ka ng suwerte at magagandang kapalaran ng langit. Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero  2, 9, 12, 21, 24, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Pinili ka ng langit upang tumulong at magmalasakit. Ito ngayon ang iyong papel sa mundo. Ikaw ang pinili ng langit dahil sa kalinisan ng iyong kalooban, dahil likas kang maawain at matulungin at dahil marami ang naniniwala sa iyo. Maraming mga gantimpala rin at mga pagpapala ang darating sa iyong buhay ng hindi mo inaasahan. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 1, 7, 22, 25, 37, 42.  

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Kapag hindi ka maunawaan ng ilang mahal mo sa buhay, wag ka na lang kumibo ng hindi na lumala ang sitwasyon. Sa iyong pananahimik, sila na mismo ang makakatuklas ng kanilang pagkakamali. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 5, 18, 22, 26, 31, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Anuman ang pinagsisintir mo sa ngayon, tigilan mo na. Alisin mo mula ngayon ang hinanakit at galit sa iyong dibdib dahil ikaw ay isinilang ng dahil sa pag-ibig. Gaganda ang kapalaran mo at lalo ka pang susuwertehin kapag nabuhay ka ng nagpapatawad at laging nagmamahal. Mapalad na kulay ang aquamarine. Masuwerteng numero 1, 16, 25, 33, 37, 40.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  May didikit sa ‘yo sa araw na ito at kahit na itaboy mo, hindi ka na niya hihiwalayan. Ang pangalan nya ay “suwerte”. Hindi mo naman ito dapat na sarilinin. Ibahagi mo sa iba ang suwerte at magagandang kapalarang darating upang lalo pa itong dumami at mas marami ang makinabang. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 5, 10, 14, 19, 28, 30.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ihuhulog ng langit sa harapan mo ang isang oportunidad na magbibigay sa iyo ng asensadong buhay. ‘Wag ng tumanggi, at wag ng mag-alinlangan, sunggaban mo agad. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero  5, 12, 22, 32, 39, 40.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Babaguhin ng mahal mo ang kanyang sarili upang kanyang mapatunayan na mahalaga ka sa kanya at hindi ka puwedeng mawala sa kanyang tabi. Mapalad na kulay ang  pink. Masuwerteng numero 4, 16, 19, 26, 35, 40.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Wag kang mangako, dahil ang bukas ay hindi ipinapangako sa araw na ito. Sa halip, simulan mo ang araw na ito na may katapatan sa iyong sarili at simulan mo ang mga pagbabagong noon mo pa balak ipatupad upang higit na mas maging maunlad at masagana ang iyong bukas. Mapalad na kulay ang golden yellow. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 4, 9, 13, 22, 26, 37.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Makakabangga mo ang malalaking mga tao at ang mga may sinasabi. Ang tunay na dahilan ay sa kanila ka kabilang. Kaya nga walang pagdududa na magkakaroon ka rin ng malalaking tagumpay sa buhay.  Mapalad ang kulay na magenta. Masuwerteng numero 3, 8, 18, 27, 36, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Dapat na maging listo ka sa araw na ito. Kapag nahalata mong niloloko ka, wag kang maging dakilang tanga. Layuan mo na kahit pa siya ay mahal mo.  Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero 4, 7, 17, 29, 34, 42.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Magdaratingan sa buhay mo ngayon ang mga bagong kaibigan pero marami sa kanila ay pansamantala lamang dahil sobra silang nalilibang sa iyong napakasayang personalidad. Mapalad na kulay ang beige. Masuwerteng numero  1, 4, 11, 20, 29,  41.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ibinilang ang iyong pangalan sa mga tatanggap ng malaki at magagandang kapalaran kaya ipanatag mo ang iyong kalooban, dahil tiyak na ito ay darating ngayong panahong ito ng tag-araw na ikagugulat mo pa. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 4, 11, 17, 19, 28, 41.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.