25.5 C
Manila
Sunday, May 26, 2024

Online Horoscope Abril 30, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ito ang araw na ipagkakaloob sa iyo ng langit ang lahat ng suwerteng matagal mo ng idinudulog at idinadalangin sa kanya. Kaya lang may kundisyon, padalan mo muna ng tulong at salapi ang mga kakilala mong naghihirap at kapos palad, padalan mo sila ng konting tulong.  Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Mamayang gabi magbilad ka sa sinag ng mga bituin. Sa ganyang lihim at walang nakakaalam na ritual, hindi lamang maiibsan ang iyong mga karamdaman, bagkus bukod sa lalo pang lalakas ang iyong pangangatawan, lalakas din ang sagap ng iyong  suwerte at magandang kapalaran.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hahatakin ka na naaman ng iyong mga paa upang maglakwatsa, kailangang pigilin mo ito. Mas mainam na sa bahay ka lang. Magnilaynilay, magbasa ng mga banal na babasahin o dili kaya’y magdasal. Sa ganyang paraan mare-recharge ang iyong suwerte at enerhiya. Sa susunod na mga araw mas maraming magagandang kapalaran ang darating sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Wag mong takutin ang iyong sarili sa mga bagay na hindi pa nangyayari. Dahil ang pagaalinlangan at takot ay kaakibat ng kabiguan. Mula ngayon ang isipin mo lang ay ang magagandang bagay at pagkatapos kumilos ka ng kumilos. Makikita mo, kapag ganyan ang kondisyon ng iyong isipan, kusa ng mapapasaiyo ang lahat ng suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Maraming mamamangha sa iyong hindi matapos-tapos na suwerte. Upang lalo pa itong lumakas ang iyong  kapangyarihan, hintayin mong uminit ng husto ang araw sa unang oras sa umaga, magbilad ka sa init ng papasikat na araw at makikita mo lalo kang susuwertehin at lalo ka pang lalakas. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22)  Bagamat nagsasawa ka na sa mga kaibigan, wala kang magagawa dahil ang araw na ito ay itinakda para pagdaragdag ng mga bagong kaibigan na magbibgay sa iyo ng mga suwerte at magagandang kapalaran sa susundo na mga araw. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Hahanapin mo ang ligaya, pero hindi mo matatapuan. Hahanapin mo ang pag-unlad at yaman, pero hindi sa iyo ipagkakaloob. Hanapin mo muna sa puso mo ang pag-ibig at pagmamahal sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa at nangangailangan at ang lahat ng gusto mo ay agad-agad na idadagdag at ipagkakaloob sa ‘yo.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Walang pag-iimbot na kabutihan ang dapat mong gawin sa araw na ito. Kapag nagawa mo yan, pagtulong sa kapwa na hindi naghihintay ng kapalit, tutulungan ka rin ng langit at ang lahat ng mga panalangin mo ay isa-isa ng matutupad at magkakatotoo. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Hindi maganda ang hindi nakikinig sa opinyon ng kanyang kapwa. Ito ang araw na dapat na makinig ka sa mga payo at sinasabi sa iyo ng mga mahal mo sa buhay. Kapag sumunod ka sa kanila, lalong gaganda at mapapanuto ang kapalaran mo, lalo na sa salapi at aspetong pang pinansyal. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19)  Maling pagamit ng lakas ng loob ang binababala ng araw na ito. Hindi ka dapa manisi o mang-away, lalo na ang sinisisi at pinapagalitan mo ay ang mga taong bahagi din ng puso mo. Mas mainam kung iiwasan mo ng maging mainitin ang ulo, upagng ang suwerte at magandang kapalaran ay tuloy-tuloy na mapasa iyo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hindi naman magiging malungkot ang araw mo kahit na nasa bahay ka lang, bagkus ito ay mapupuno ng mga pagpapala at suwerte habang patuloy kang hindi lumalabas ng bahay kasama ang iyong pamilya. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ito ang araw na sosopresahin ka ng langit. Yong mga bagay na hinihingi mo ay hindi mangyayari, bagkus ang mangyayari ay iyong mga bagay na hindi mo hinihingi subalit mas maraming biyaya at dobleng mga pagpapala ang mapapa sa iyo. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.