28.9 C
Manila
Tuesday, May 28, 2024

Online Horoscope Abril 20, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Hangin ang kailangan ng ulap upang makapaglakbay. Kailangan mo ngayon ang inspirasyon at mga kasamang magpapalakas ng iyong loob, upang magawa mong lahat ang iyong mga plano at binabalak. Magagawa mo ring makapag-abroad, at sa ibayong dagat, uunlad ka, susuwertehin at habang buhay na magiging maligaya. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Hinahanap ng tao kung ano ang bago, dahil ang mga luma ay nakakasawa. Hindi ka magsisisi kung magbabago ka na, wala na kasing bago sa araw-araw na takbo ng buhay mo. Ang unang baguhin mo ay ang mahina mong loob, kailagang lumakas na ang iyog loob, upang ang suwerte at magandang kapalaran ay agad na mapasa iyo. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)   Hindi sa lahat ng oras ang lohika at talino ay kailangan mong ipamalas. Sa pagkakataong ito, magpatalo ka sa isang kasama na nakikipag-debate, dahil kapag nagpatalo ka, matutuwa siya sa iyo, ipagkakaloob nya ang isang bagay na noon mo pa sa kanya hinihiling. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Magdidikit ka sa mga may magagandang kalooban at lalo pang gaganda ang kalooban mo. Habang gumaganda ang kalooban mo, magsisimulang magningning ang iyong personalidad na siya namang aakit ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37,

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Hindi mo kailangan ang luma at hindi ka rin dapat sumimangot. Kaya sa araw na ito isuot mo ngayon ang bago at ang paborito mong damit at sisigla ka. At huwag mo ring kalimutan na ngumiti dahil sa mga ngiti mo manggagaling ang mga susuwertehin mo at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Mapagpatawad ang pag-ibig kaya hindi masama kung patatawarin mo ang mahal mo. Ang pangako niya na siya ay magbabago ay bigyan mo ng pagkakataong matupad. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Mabilis ang mga pangyayari sa buhay mo, kaya ang pagyaman mo ay para ring hinihipan ng hangin sa sobrang bilis at iiwan mo ng milya-milya ang iyong mga kakumpetensya. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Ang maganda kapag hindi kinakitaan ng talino ay talo at wala ring kuwenta. Kaya mula ngayon magpakatalino ka para kumpleto na iyong kahanga-hangang personalidad. Kapag nakumpleto na ang iyong kahanga-hangang personalidad ang suwerte at magagadang kapalaran ay isa-isa ng magdaratingan sa iyong harapan.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)   Inilaan ka sa mataas na katungkulan pero daraan ka muna sa mababa. Ito ang iyong magsisilbing pagsasanay upang maging mahusay ang iyong panunungkulan. Ikaw din ay inilaan sa pagyaman, pero dadaan ka muan sa pagiging mahirap. Ito an magsisilbing pagsasanay upang kapag mayaman ka na ay tulungan at mahalin mo silang mga mahihirap. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Walang maasahan na magmumula sa mga malalapit sa iyo, dahil ang alam nila ikaw ang kanilang pag-asa. Kaya mas makabubuting wag mo na lang silang asahan, sa halip doblehin mo pa ang pagsisikap at pagpapayaman, dahil ito ang tunay mong misyon – ang yumaman at umunlad ng umunlad, upang patuloy na umasa ng umasa ang mga taong ikaw lang talaga ang inaasahan.  Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ang mahinahon ay bukas ang isipan at ang bukas ang isipan ay hindi magkakamali. Maging mahinahon ka ng sa ganon ay maging tama lahat ng iyong pagpapasya. Kapag mahinahon ka at laging tama ang iyong pagpapasya, susuwertehin ka at habang buhay na magiging maligaya. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi nabubuhay ang tao na mag-isa. Wag mo ng ipilit ang paniniwala mong kaya mong mag-isa. Magahanap ka ng magmamahal sa iyo, ng aalalay sa iyo at ng makakasama mo. Dahil sila ay magiging mahalaga sa iyo upang patuloy kang suwertehin at magtamo ng magagandang kapalaran.Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.