29.5 C
Manila
Tuesday, September 10, 2024

ANG MAKIPOT AT MALUWANG NA PINTUAN 

Ni Aira Ledesma

Mateo 7:13-14 Ang Salita ng Diyos (SND)

Ang Makipot na Pintuan

13 “Pumasok kayo sa makipot na pintuan, dahil maluwang ang pintuan at malapad ang daan patungo sa kapahamakan, at marami ang pumapasok doon. 14 Ngunit makipot ang pintuan at mahirap ang daan patungo sa buhay na walang hanggan, at kakaunti lang ang dumadaan dito.”

Bilang isang mananampalataya, aminin natin na napakahirap ang sumunod sa mga kautusan ng ating Diyos. May dalawang pamamaraan tayo na pinagpipilian ng pamumuhay sa mundo. Ang mabuhay sa laman o ang mabuhay sa espiritu. Ang nabubuhay sa laman ay nagpapaalipin sa sariling pag-iisip at sumusuway sa kagustuhan ng Diyos. Ang nabubuhay naman sa espiritu ay may pagpapasakop sa kalooban ng Diyos at kahit na mahirap gawin ay sinusunod ang kanyang mga utos.

Isa sa natutunan ko sa aking pag-aaral sa isang bible school ay kung paano natin mapapanatiling malakas ang ating espiritu kesa sa ating laman. Ang ating espiritu ang may kakayahang makasunod sa kalooban ng ating Panginoon samantalang ang tawag  ng laman ay karaniwang ang ating sarili ang makapangyayari.  

Kapwa nangangailangan ng pagkain ang dalawang bahaging ito ng ating pagkatao:

  • Salita ng Diyos – pagkain ng ating espiritu
  • Mga pagkaing literal – pagkain ng ating pisikal na katawan. 

Ang tao ay likas na hirap sumunod sa mga kagustuhan ng Panginoon kapag gutom ang espiritu nito. Hindi magagawang kontrolin ang natural na tawag ng laman kung mahina tayo sa mga pang-espirituwal na kalakasan.

Ang hindi pagbabasa ng biblia ang magbibigay ng kagutuman sa ating espirituwal na pamumuhay at ang mangyayari ay palaging paghaharian tayo ng ating makalupang hangarin. Sumisikip ang pintuan ng langit kapag tayo ay alipin ng  ng galit, inggit, kawalan ng pasensiya at pang-unawa, kawalan ng pagmamahal sa kapwa, pagkaganid, pagmamaramot, pagsalansang sa mga magulang at marami pang iba. Ang mga gawaing ito rin ang naglalayo sa atin sa Diyos. Kapag nasa ganito tayong estado, mas pinipili natin ang maling gawa dahil mas mahina ang ating espiritu kesa pisikal nating katawan. Ang nangyayari ay naiipon ang ating mga kasalanan at lalo nating pinasisikip ang landas natin patungo sa makipot na pinto.

Ang ating Diyos ay napakamahabagin kung kaya hindi niya hinahangad na may mapasok sa maluwang na pintuan. Kung kaya naman palagi siyang may nakalaang pag-asa para sa lahat. At iyon ay ang pagpapatawad sa ating mga kasalanan ng paulit-uli at walang pagkasawa, kung…tayo ay hihingi ng tawad sa kanya. Kasabay ng paghingi ng tawad ay kailangan nating saliksikin siya. Sa ating gagawing pagsasaliksik ay doon natin siya unti-unting makikilala at magiging madali sa atin ang palampasin ang mga maling nagagawa ng ating kapwa at nagiging mas maingat tayo sa ating iniisip at ginagawa at nakakasunod sa mga utos ng Diyos kahit na mahirap gawin. 

Subukan ninyong punuin ng mga Salita ng Diyos ang inyong puso at isipan. Mapapansin ninyo na magbabago ang inyong pananalita, kilos at pananaw sa buhay. Sikapin nating makapasok sa makipot na pintuan kung saan ang buhay na walang hanggan kasama ang Diyos ang ating mabubuglawan. 

Huwag ninyong hayaang sa pintuang maluwang kayo papasukin dahil walang hanggang pagdurusa rin ang inyong aabutin.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.