27.8 C
Manila
Tuesday, September 10, 2024

Batang Lansangan Kasiyahan sa Gita ng Kahirapan

Ang Pilipino ay isa sa mga pinakamasayahing mamamayan sa buong mundo. Ang mga Pinoy ay kilala din sa pagiging metatag at matapang. Nakuha pa rin nga karaminhang tumawa at magpakasaya s agita ng kalamidad at kahirapan, isa ito sa mga rason kung bakit maraming kumahanga sa katatagan ng mga Piipino.

Sa kaalaman ng kahat, ang mga matatanda ay madali lang kamisama at makalimot sa ano mang kahirapan ang sasalubong sa kanila. Pero ang mga bata, lalo na yung mga batang kalye ay madali ding makahanap ng kasiyahan sa likod ng mapait na karanasan. Nakukuha ng mga batang kaye ang maging masaya sa gitna ng pag hihirap, and nakukuha nilang tumawa at ngumita kahit na sa mga maliliit na bagay.

Ang mga maliliit na kasiyahan ay ang nag bibigay kulay sa kanilang mapait na kraranasan. Mga bagay na kay simple, katulad ng pagka tanggap nga mga barya, maligo sa ulan o makibaglaro sa kapwang bata.

Higit sa tatlong daang libong mga bata ang naninirhan sa kayle at liimang pung libo sa kanila ay walang tahanan ayhon sa statistics na  nai-labas noong 2011. Ang mga batang ito ay palaging nakikita sa kalsada, sa kayle at sa mga abandonagong gusali dahil wala silang mga magulag o ma uuwian. Makuha ma nilang gawing makulay ang kanilang kapaligiran, ang mga batang kalya ay nailagay pa rin sa peligro at sa mga masasamang kaganapan na pwedng mangyari. Hindi din sila malayo sa mga sakit na pwede nilang makuha kung saan saanan, karamihan sa kanila ay may tuberculosis.

Kasiyahan sa Kahirapan

Habang akoy’s nag lalakad sa aming probinsya, sa Bacolod City, Negros Occidental, may lumapit saking mga bata. Tatlo sa kanila ay abala sap ag sisinghot ng Rugby, at yung dalawa naman ay nag bebenta ng mga pang punas. Aaminin ko, takot akong lumapit sa kanila, pero nagingibabaw pa rin ang kagustuhang kong makausap sila at malaman ang kwento ng kani-kanilang buhay.

Nang ako ay lumapit, tumakbo ang iba, ngunit yung pina ka bata ay lumpait sakin, si Jubik ang kanyang pangalan. Hiyang-hiya si Jubik na lumapit nguit nagawa pa rin nitong maki pag kwentuhan. Nang nag uusap na kami, lumapit na din ang kanyang mga kasamahan.

“Hi Miss, ako si Jubik, ambot diin na ginikanan ko, sang una ga puli ko kay lola, pro gin gwa kami sang mga utod ko sang DSSD. Takan kami to ah, te nag upod ko sa ila ni manongmnalagyo kami to. Te subng diri lang kami sa kilid mcdo. Ok na lang d yam aka pangayo kami pagkaon, ma bantay sakalyan sang iban nga tao kag ga baligya trapo mag labay ang gapa libod eh.

(Hi Miss, I’m Jubik, and I don’t know where my parents are. I used to stay with my grandmother, but DSSD [Department of Social Services and Development] took my and my siblings and promised to take care of us. We eventually got bored inside the facilities, so I went with my brother when he and his friends decided to run away from the facilities. We have nowhere to live now, so we decided to stay beside Mc Donalds to get free food, watch other people’s car and sell rugs.)

 Nung tinanong ko si Jubik tungkolsa kanyang kalagayan, masaya niyang kinwento ang mga pangyayari, naisiwalat din niya ang mga pang araw araw nilang gawain. Higit kumuang sa labing limang bata ang na ninirahan sa abandonadong gusali malapit sa Mc Donalds. Ayon kay Jubik, sa pag gising nila, dretcho na sila sa pag ipon ng mga pwedeng ma “scap”katulad ng plastic bottles, lumang mga gamit ang ibang pwedeng mapakinabangan sa basura.

Pag dating ng tanghali, binebenta nila ang kanilang mga nakuha, kapalit ay kaunting barya. Hinahati-hati nila ito at binili ng pagkain, at sa iba, ibinibili ito ng Rugby. Ayon kay Jubik, masaydong mahirap ang buhay lansangan, nguit na kuha parin nito ang mag saya. Ayon sa kanya, ang mga pina ka masayang mga araw ay tuwing nag lalaro sila sa lansangan.

Epekto Ng Kahirapan sa mga Batang Lansangan

Ang kahirapan ay hindi lamang nakaka apekto sa mga magulang, may epekto din ito sa mga bata, lalot nang ibatíbang pagkatao ang makasalamuha nila s lansangan. May mga batang madali lang maka sanayan ang buhay lansangan, meron ding iba na nahihirapan sa pang araw araw nilang mga gawain. Ang mga batang katulad ni Jubik ay madaling masanay sa kung ano mang paghihirap ang haharapin nila.

Ang mga batang lansangan ay napapaligiran ng kung anu-anong kapahamakan. Ang paninirahan sa lansangan ay hindi lang delikado para sa mga bata, dahil nakaka apekto din ito sa kanilang kabuuhang kalusugan. May mga batang na tatamaan ng depression at iba’t ibang sakit. Ang mga batang katulad ni Jubik ay nakaka kita ng kasiyahan. Ang obang bata naman, ay pipiliing mamatay kesa manirahan sa lumang gusali habang buhat.

Ang mga batang lumaki sa lansangay ay mas may matibay na pagkatao. Ngunit ang kahirapan ay tuluyang dumudulot sa kanila nga masamang epekto. Karamihan sa kanila ay malapit sa sakit at masasamang impluwensya.

Nakikita man ng gobyerno ang paghihirap ng mga bata, wala pa rin itong ganap na solusyon. Palagi itong binaliwala dahil isa itong malaking responsibilidad. Ginagawa man ng gobyerno ang kani-kanilang responsibilidad, kulang pa rin ito upang mapanatili ang kaayosan at progresso. Karamihan sa mga batang kalye ang nangangailanan ng tulong, ngunit hindi sapat ang perang pumapasok.

Karapatang Pambata

Bawat bata, kahit batang kalye ay may karapatan. Karapatang maging masaya, karapatang makapag-aral, karapatang magkakaroon ng kasiyahan. Ang mga batang kalye ay hindi kaka kami ng kani-kanilang karapatan dahil ipinag kait ito sa kanila ng kapalaran.

Ayon sa mga balita, ang Pilipinas ay ika-73 sa 163 na mga bansa na tinatangkilik ang karapatang pambata. Ginagawa gin ng lahat ang gobyerno ang lahat upang mai-baba ang bilang ng child labor sa bansa at mai-bigyan ang mga bata ng magandang kinabukasan.

Karaniwan sa mga rason kung bakit nawawalan sila ng suporta ay ang ka kulangan ng pera at susento sa gobyrerno. Ang ka kulangan sa implementasyon ay isa din sa mga rason kung balik hindi pa rin matapos ang problema sa kahirapan.

Written by Abbie Uychiat

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.