28.1 C
Manila
Monday, October 21, 2024

Querida (Tagalog)

sex kitten na makapal ang mukha na ipinapakita sa mga pelikula’t telenobela sa Pilipinas? O ang babaeng magpakailanma’y nagdurusa sa tahimik habang naghihintay  iwan ng lalaki ang kanyang asawa?

“Kabit” sa Filipinong salita, “home wrecker” sa Ingles, “number 2” sa salitang kalye, at “other woman” para sa mga mayayaman. Ang lahat ng mga salitang ito ay tumutukoy sa kaakit-akit na babaeng kilalang sumusunggab sa mga lalaki mula sa kanilang masayahin o hindi kaya’y malungkot na buhay may-asawa. Karaniwan, siya ay itinatanghal bilang isang mang-aagaw na handang mangwasak ng mga pamilya’t kanilang kinabukasan – ang pinakamagaling sa pagbubuwag ng mag-asawa. Mayroon pang isang tawag sa kanya na hango pa sa panahon ng mga Espanyol – “querida”.

Inaakusahan bilang babaeng bumubulusok sa isang magulo (ngunit “exciting”) na relasyon sa isang kasadong lalaki, ang kahali-halinang querida ay mas pa sa isang one-night stand ngunit hindi naman siya ang legal na asawa. Kinikilala at tinatrato siyang isang katambal, ang nilalapitan kapag nais maglabas ng sama ng loob, at isang nangingislap na kinakasama sa kama na madalas ay maraming alam na posisyon sa pagtatalik. Kahit siya rin ay tagatanggap ng iba’t ibang uri ng panghuhusga, insulto, kamuhian, at lantarang diskriminasyon, hindi maipagkakaila na ang querida ay nabubuhay sa maka-Pinoy na buhay, panitikan at kasaysayan.

Makikita sa Lahat ng Pook ang Querida

Ayon sa isang Filipino na nasa Singapore at akda ng librong Affairs Don’t Just Happen na si Lissy Ann Abella Puno, ang pakikipaglaguyo ay mayroong tatlong pangkat – ang sexual affairs, midlife affairs, at emotional affairs. Karamihan sa mga lalaking may iba maliban sa kanilang asawa ay nahuhulog sa unang dalawang kategorya, samantalang ang mga babae naman ay dinadahilan ang huling kategorya bilang rason ng kanilang pangangaliwa. Anuman ang dahilan, kapwa lalaki at babae ay nagrereklamo o sinisisi ang kanilang pagtataksil sa mga pangangailang hindi naibigay ng kanilang kabiyak. Isang bagay lamang ang sigurado, kahit anumang kategorya nabibilang ang isang lalaki o anumang dahilan mayroon siya sa pagtataksil, nariyan ang other woman.

Ayon sa National Commission on the Role of Filipino Women noong 2009, 36% ng mga lalaki ay umaming mayroon silang kalaguyo. Noong 2015 naman ay ipinakita ng Philippine National Police  na mayroong higit sa 300 kaso ng pangangalunya sa bansa.

Nagkaroon din ng sarbey ang Pew Research Center’s 2013 Global Attitudes kung saan 40,117 na mga respondente sa 40 bansa ang tinanong kung ano ang kanilang opinyon ukol sa extramarital affairs, at sila rin ay tinanong kung sa tingin nila ito ba ay karapatdapat na ugali, hindi katanggap-tanggap, o kung ito nga ba ay isang isyung pangmoral. Ang chart sa ilalim ay nagpapakita na 90% ng mga Pinoy ay ayaw sa pangangalunya. Ngunit, namamalagi pa rin ang mga querida.

Paano kaya maging ”other woman”?

Marapat ba talagang danasin ng mga kababaihang ito ang kahihiyan na ipinaparusa ng lipunan sa kanila? May mga taong nagsasabing dapat lang silang pahirapan. Ngunit, napakadali lang silang husgahan. Alam ba talaga natin ano ang kanilang nararamdaman? Paano kaya maging isang ”other woman”?

Siya ang “filthy little secret”

Kapag querida, palaging tago. Ito man ay isang boyfriend na nagtataksil sa kanyang girlfriend, o isang bana na nanloloko sa kanyang asawa, ang kabit ay palaging tinatago at hindi kailanman napag-uusapan. Ibig sabihin, sikreto ang mga dates, pagpapadala ng mga palihim na text messages, at pagiging kontento sa iilang mga kondisyon para hindi matuklasan ang kanilang relasyon.

Para sa querida, hinding-hindi pupwede ang mag-date sa labas ng publiko, maliban na lang kung gusto niyang pagchismisan siya ng buong bayan. Ito ay isang napakalaking panlulumo para sa isang tao na tunay na nagmamahal sa isang lalaki and nais isigaw sa buong mundo ang tungkol sa kanilang dalawa.

Siya ay nag-iisa

Malungkot magkaroon ng isang patagong relasyon dahil mayroon talagang pagkukulang na hahanap-hanapin. Siguro maraming matatalik na pagkakataon, ngunit hindi ito kailanman magiging sapat upang punan ang kalungkutan ng pag-iisa, sa isang mas malalim na pagsasama sana ng other woman at kanyang minamahal.

Siya ay may kalabit na istigma

Kapag ipinagbabawal na relasyon na ang pinag-uusapan, tatalikod agad ang lipunan. Ang mga babaeng naging querida ay kailangang paglabanan ang masasakit na tawag sa kanila (katulad ng home wrecker).

Maliban pa sa name-calling, kailangan din niyang harapin ang mapanlibak na pagtingin at pagtunganga ng mga taong binubulong-bulong ang nangyayari sa kanya. Ngunit sa bandang huli, kahit gaano pa kasakit, binabalewala ng other woman ang lahat ng mga ito para lamang mapanatili ang kaniyang relasyon sa kanyang minamahal.

Siya ay palaging naghihintay

Ibig sabihin nito siya ay palaging naghihintay sa go signal ng kanyang mahal na gawin ang anumang bagay, tulad ng kanilang muling pagkikita o saan sila muling magkikita. Ang ganitong waiting game ay mahirap at madalas nakakasira ng ulo dahil uhaw ang babae sa anumang mga tira-tirang piraso ng pagmamahal na maaaring ibigay ng lalaki. Kapag tapos na, naiiwang nananabik ang querida para lang sa susunod na tawag, na kadalasa’y umaabot ng ilang araw o lingo bago dumating.

Siya ay pansamantala

Nabubuhay ang querida, ang pansamantalang asawa, sa impyerno sapagkat siya ang pumupuno sa anumang kakulangang nadarama ng lalaki mula sa kanyang asawa o relasyon.

Ang mas masakit pa para sa “meantime girl” ay siya ay lagi lamang isang option, at pangalawa lang. Dahil hindi napag-uusapan ang kinabukasan ng kanilang pagsasama, madalas nakikita ng babae na nabubuhay siya in the moment. Makikita niya ang kanyang sarili na kumakapit sa anumang kaligayahang nakukuha niya sa panahong kasama niya ang lalaki, sapagkat alam niya sa kanyang puso na ang ganitong mga pagkakataon ay panandalian lamang at maaaring matapos anumang oras.

Nabubuhay siya sa mga nakaw na sandali at hiram na oras

Isa sa mga pinakamahalagang kondisyon sa pagiging querida ay kailangan siyang matuto ng isang fixed schedule. Hindi niya dapat kalimutan na may kailangan uwian ang lalaki araw-araw at may mga obligasyong kailangan tugunan. Natural na hindi sila makakapagkita araw-araw kaya nagkakaroon ng schedule, na madalas iilang oras lamang. Ang lalaki ay hindi nga maaaring matulog kasama niya sa gabi, at baka masuspitsa ang kanyang asawa.

HINDI siya prioridad

Hindi niya maaasahan ang lalaki na aaliwin siya sa tuwing siya’y malungkot. Hindi niya maaaring makasama ang lalaki tuwing holidays, at hindi niya kayang pigilang mabagabag sa katotohanang kasama ng lalaki ang kanyang asawa kapag holiday. Hindi niya mahahawakan ang kamay ng kanyang mahal kapag higit niya itong kailangan, o yakapin siya kapag hindi na niya kaya. Sa madaling salita, hinding-hindi niya mararanasang mabuhay na kasama ang minamahal niyang lalaki dahil sa simula pa lang alam na niyang may iba itong kinakasama.

Mayroon siyang ”expiration date”

Ito siguro ang pinakanakatatakot at pinakanakalulungkot na katotohanan bilang isang querida. Ang buong relasyon ay maaaring gumuho kasinbilis ng pagsimula nito. Ibig sabihin, baka hindi na siya makakuha pa ng anumang closure.

Para sa iilang pagkakataon ng kaligayan

Hindi mabilang ang mga babaeng nagsabi na ang pagiging querida ay parang pagpapakamatay sa lipunan. Malimit ipinagpapalit nila ang anumang mga paniniwala nila sa kanilang sarili para sa iilang pagkakataon ng kaligayahan.

BAKIT?

Sa lahat ng mga nasabing sakit na dulot ng pagiging querida, natatanong tuloy ng mga tao bakit nagpupumilit pa rin ang iba na pagdaanan ang hirap at walang kasiguraduhan nito.  Ang katotohanan ay napakaraming iba’t ibang dahilan. Kalimitan, ang mga rason nito ay makatarungan para sa kanila, kaya sila nananatili sa kabila ng kaliputan ng lipunan.

Para sa asawa o girlfriend na paulit-ulit at walang tigil na nagsisisi at nanghuhusga sa other woman o mang-aagaw para wasakin ang kanilang tahanan o relasyon, subukan nyong tingnan sa ganitong paraan – baka naman iniwan mong nakabukas ang pinto na buong lugod na nag-aanyaya papasok sa “housebreaker”?

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.