28.9 C
Manila
Wednesday, September 11, 2024

Nais Mo Ba Na Tumira Sa Condominium?

Ating mapapansin ang sunod-sunod na pagpapatayo ng mga condominium sa ibat-ibang parte ng bansa. Dito na lang sa kalakhang Maynila at maging sa kalapit na mga probinsiya ay mapapansin agad ang konstruksyon ng mga gusaling ito. Ngunit mainam nga ba na mag-invest ng condominium imbes na house and lot? Para sa iba ay mas convenient ang tumira sa isang gusali. Mas modern ito kumpara sa tradisyunal na isang tahanan. Napakaraming puwedeng isaalang-alang kung ikaw ay nagpa-plano na kumuha nito. Una sa lahat siyempre ay ang financial status, ang kakayahan na magbayad ng buwanang renta o hulog. Napaka-basic ngunit napaka-importante. Ang pagtira sa isang condo unit ay may kaakibat na malaking gastos.

Alamin at hangga’t maari ay mag-research tungkol sa developer. Alamin din ang target market. Kung ikaw naman ay may kapasidad na magbayad, mainam na iyong alamin kung ito ay magiging pabor sa iyong pinagtatrabahuhan at kung may anak man ay alamin kung may malapit na eskuwelahan dito. Kung susuriing mabuti ay mapapansin na mas may kalakihan ang presyo ng condominium unit kumpara sa house and lot. Huwag magpa-akit sa mga nagbebenta. Ikaw ang magi-invest kung kaya na. Mainam na ikaw ang mismong magdesisyon at pakaisipin ito ng higit sa isandaang beses dahil kabuhayan mo ang nakasalalay dito. Ang mga nabanggit ay ilan sa mga praktikal na tips na importanteng tandaan kung ikaw man ay nangangarap na mag-invest ng isang condominium unit. Ika nga, invest wisely.

Kung magpapadala ka kasi agad sa mga matatamis na dila ng mga agent o broker at hindi mo naman talaga kaya ay ikaw din ang mahihirapan sa bandang huli. Oo nga at masarap naman talagang tumira sa mga condo at mag-invest dito pero kaakibat nito ang mga responsibilidad at obligasyon. Kung hindi mo ito mapapangatawanan ay mabuti pang huwag mo na lamang ituloy. Dapat ay kinakapa mo rin ang iyong bulsa at kabuhayan. Huwag basta agad susugal. Ngayon, kung may tamang ipon ka naman at may maganda kang trabaho, kung talagang gusto mo ay nasa sa’yo na ‘yon.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.