May ilang nagtatanong kung ilang taon ang katumbas ng sinasabing “Isang Panahon”. Sa gayun, matutukoy natin ang akmang taon at panahon batay sa pag-inog ng araw, buwan, at mga taon.
Gaya ng nasusulat sa aklat ng propetang si Daniel na “Pitumpong Sanlinggo” (Daniel 9:24). Kung ating sasangguniin ang mga iskolar ng Biblia, ang katumbas ng sinasabing 70 Sanlinggo ay katumbas ng 490 taon. Saan ang sagot sa pagkalkulang ito? Simpleng pagkuwenta lang iyan, mga kaibigan.
Kung susundin ang ganitong pormularyo, lumalabas na ang katumbas ng Isang Panahon ay pumapalo sa 7 taon. Kaya lumabas ang sagot na 490 taon ay kinuwenta natin sa 7x 70= 490 years.
Ang 490 taon na ito ay saklaw mula nang panahon ni propeta Daniel kaalinsabay din ng muling pagtatayo ng mga guhong kuta ng lungsod ng Jerusalem noong panahon din ni Nehemias, isang prinsipe sa bayan ng Juda. Itinayong muli ang guhong pader at kuta ng Jerusalem sa pahintulot ng hari ng Persia noon na si Artaxerxes sa ika-20 taong paghahari nito. Sa gayun, makakabalik ang lahing Hudyo mula sa 70 taong pagkabihag sa Babilonia.
At sa loob naman ng tinutukoy na 62 linggo (ng mga taon) o katumbas ng 434 taon, mula sa panahon ni propeta Daniel o ni Malakias (tinatayang 539- 445 B.C) hanggang sa panahong ipako sa krus ang ating Panginoong Jesucristo na tinatayang naganap noong 33 A.D.
Muling winasak ang templo at lunsod ng Jerusalem noong sinalakay ito ng mga Romano sa utos ni emperador Tito na naganap noong 70 A.D. Mula 33 A.D hanggang 70 A.D ay pasok sa saklaw na panahon na 434 taon o katumbas ng 62 linggo. Ang saklaw sa pag-inog ng 434 taon na ito na halos sapol sa panahon ng huling propetang si Malakias ay tinatawag na ‘Silent Centuries’.
Ngayon, sinasabi ng iba na ang 490 taon o tuwing may ika- 70 Sanlinggo ay may nagaganap na kakaiba sa kasaysayan ng sangkatauhan. Ito ay palagay lamang ng mga ala Gnostikong paniniwala at ng mga siyentipikong yumayakap sa pinaghalong astrologo at pagmamasid sa kasaysayan. Sige, ating patulan muna ang mga sinasabi nila kuno na tinatawag na 70 Weeks Passage.
Sinimulan nila ang pagkuwenta kahit napakahirap unawain ng mga nakasaad sa talata ng aklat ng Daniel 9: 24-27. Pero, ang totoo, naiintindihan ito ng mga pinagkaloobang makaunawa. Hindi ko na po ilalahad iyon dito sapagkat napakaselan po nun.
Pero, ang ating punto rito nay ating sinagot ang simpleng tanong na ano ang katumbas ng sinasabing isang panahon na iyon nga ay 7 taon ang katumbas.
Ngayon, nagbibigay ang iba ng interpretasyon at propesihiya na mahalaga umano ang kada-490 taon sa kasaysayan ng Cristianismo.
Kung lilimiin ito, mula 70 A.D at kapag magdadagdag tayo ng kada 490 taon ay lilitaw na sasaklaw ito sa taong 560, 1050, 1540, at 2030 A.D ( 70x 4 (490) ).