27.8 C
Manila
Tuesday, September 10, 2024

MGA BENEPISYO MULA SA SUNFLOWER OIL

Ang nutritious composition ng sunflower oil ay ang dahilan kung bakit isa ito sa healthiest oils para sa consumption pati na rin sa aplikasyon sa balat at buhok. Ang main component ng sunflower oil ay linoleic acid. Mayroon din itong ibang components tulad ng oleic acid at palmitic acid. Bukod sa mga ito, mayroon ding lecithin, carotenoids, tocopherols at vitamins A, C, D at E.

Ang mga sumusunod ay ang mga benepisyong makukuha mula sa sunflower oil:

EFFECTIVE MOISTURIZER

Dahil sa emollient properties, ang sunflower oil ay nakakatulong sa pagre-retain ng moisture sa balat. Ang paggamit ng sunflower oil bilang lotion para sa mga pre-term infants ay nakakatulong sa pagbibigay sa balat ng mga ito ng protective barrier. At ang pagmamasahe sa kanila gamit ang oil na ito ay nakakatulong sa pagre-reduce ng skin infection.

FIGHTS ACNE

Mayaman ang sunflower oil sa vitamins A, C at D at mayroon din itong healthy carotenoids na gumagawa ng protective barrier sa balat. Ito ang dahilan kung bakit epektibo itong panggamot sa acne. At dahil light at non-greasy, mabilis itong naa-absorb ng balat na hindi nagka-clog at nagba-block ng pores. Ang range nito ng vitamins at fatty acids ay umaaktong antioxidants na nagre-regenerate ng skin cells at tumutulong sa pag-alis ng acne-causing bacteria sa balat.

REDUCES PREMATURE SIGNS OF AGING

Ang exposure sa free radicals at sunlight ay nakakapagpabilis ng pagtanda, pinalalabas nito ang wrinkles at fine lines. Ang antioxidant properties ng sunflower oil ay nakakatulong sa pagpapababa ng risk ng pag-develop ng premature signs of aging.

EVENS SKIN TONE AND REJUVENATES THE SKIN

Dahil sa Omega-6 component ng sunflower oil na nakakatulong sa pag-develop ng bagong skin cells, ginagawa nitong rejuvenated at pantay ang skin tone.

TREATS DRY SKIN

Dahil natural na emollient, ang sunflower oil ay nakakatulong sa pagi-improve ng moisture retention capacity ng balat kaya ideal ito para sa mga taong mayroong dry, dehydrated at sensitive skin. Ang pinaghalong sunflower oil at castor oil ay epektibo sa pagpapalambot ng balat at paga-alis ng dead skin cells at impurities. Ang mixture na ito ay maaaring gamitin bilang cleanser. Hindi na ito kailangang sundan ng moisturizer dahil ang oil mula sa fatty acids at vitamins ay sapat na para i-moisturize ang balat.

TREATS ATHLETE’S FOOT

Ayon sa mga research, ang sunflower oil ay epektibong panggamot sa athelete’s foot (tinea pedis). Ang athlete’s foot ay fungal infection na nagsisimula sa pagitan ng mga daliri sa paa. Ang pagpahid dito ng sunflower oil ay nakakabilis ng paggaling nito.

CONTROLS FRIZZY HAIR

Dahil sa light texture at mild flavor ng sunflower oil, magandang ilagay ang sunflower oil sa buhok. Bukod sa pagpapalambot at pagbibigay nito ng shine sa buhok, nakakatulong din ito sa pagco-control ng frizz at lumalaban din sa dryness at damage para gawing manageable ang buhok. Puwede itong gawing natural conditioner at puwede ring imasahe sa anit bago maligo. Gawin ito isang beses bawat linggo para ma-achieve ang maximum benefits.

PREVENTS THINNING OF HAIR

Ang sunflower oil ay importanteng source ng gamma alpha linolenic acid (GLA) na nakakatulong sa pag-prevent ng paglagas ng buhok. Epektibo ito sa treatment ng hair loss, baldness at alopecia areata o pagkapanot.

TIPS SA PAGGAMIT NG SUNFLOWER OIL SA BALAT:

-I-apply ang sunflower oil sa damp, warm skin para ma-absorb maigi ng balat ang oil at maka-penetrate nang husto ang nutrients sa deeper layers ng balat.

-Ang sunflower oil ay safe gamitin kahit sa sensitive areas ng balat tulad sa ilalim ng mata. Pinakikinis nito ang undereye area at binabawasan ang wrinkles.

-Maaari ring idagdag ang sunflower oil sa pampaligo para ma-soothe ang iyong balat.

-Maaari ring gamitin ang sunflower oil para sa pagmamasahe.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.