27.3 C
Manila
Wednesday, September 11, 2024

MAKEUP TIPS PARA SA MORENA SKIN

Popular man ang skin whitening sa Pilipinas, nakakatuwang malaman na maraming Filipinas ang pinipiling yakapin ang kanilang natural na morena skin. Napakaganda naman kasi ng morena skin at lalo pa itong mapapaganda ng mga sumusunod na makeup tips:

FOUNDATION

Mahirap pumili ng foundation na eksakto mismo sa iyong skintone kaya puwede kang mag-mix ng dalawang foundation hanggang sa ma-achieve mo na ang pinakamalapit na kulay sa iyong skintone. Huwag pipili ng foundation na lighter ang shade sa iyong skin tone. Huwag itago ang iyong awesome morena skin.

CONCEALER

Pumili ng concealer na one shade lighter sa iyong foundation. I-apply ito sa ilalim ng mata, sa gilid ng nostrils, corners ng labi, gitna ng ilong, noo at baba. Bukod sa pagco-conceal, iha-highlight din ng concealer ang features mo.

POWDER

Pumili ng powder na ka-match ng kulay ng iyong foundation o gumamit ng transparent powder. Gamit ang powder brush, i-dab iyon sa buong mukha o sa T-zone area kung gusto mong mapanatili ang dewiness ng ibang bahagi ng iyong mukha.

BLUSH

I-show off ang inyong gorgeous morena skin gamit ang coral, rose o deep orange na kumo-complement sa inyong complexion. Simulan ang pagbe-blend mula sa apples ng cheeks pataas. Huwag gamitin ang blush bilang pang-contour. Kung gusto mong i-contour ang iyong face, gumamit ng contour powder na at least three shades darker sa iyong skintone.

HIGHLIGHTERS/ILLUMINATORS

Perfect ang paggamit ng highlighters/illuminators sa morena skin dahil mabilis nakikita ang effect. Binibigyan nito ang skin ng warm, golden glow. I-apply lamang ang highlighter/illuminator sa mga certain points ng mukha–cheekbones, ilalim ng eyebrows, gitna ng noo, ilong, cupid’s bow at baba.

EYESHADOWS

Perfect canvas ang morena skin para sa mga pastel eyeshadows like pink, green, purple etc. Lumilitaw kasi kaagad ang richness ng kulay nito sa morena skin.

Kung hindi mo naman feel ang pastel colors at mas komportable ka sa nude colors, walang problema dahil bagay din ito sa morena skin. Kaya sige na i-perfect na ang smokey eyes ala J.LO.

LIP SHADES

Isa sa mga struggles ng mga morena ay ang paghahanap ng tamang lip shade. Huwag mag-alala dahil may paraan para malaman kung ano ang nararapat para sa’yo. Kailangan mo lang malaman kung ikaw ba ay mayroong cool o warm undertone. Tignan ang ugat sa inyong inner wrist. Kapag blue ang nakita mo, cool undertone ang mayroon ka. Green ay warm undertone. Kung parang blue green ang nakikita mo, neutral ang undertone mo. Isa pang paraan para malaman kung ikaw ay may cool at warm undertone ay sa pamamagitan ng White Test vs Cream Test. Kumuha ng white at cream na damit o kahit tuwalya. Isuot o idikit iyon sa balat. Kung bagay sa’yo ang puti, warm ang undertone mo. Kung cream naman ay cool undertone ang mayroon ka. Kung parehas bagay sa’yo, neutral undertone ang mayroon ka. Ang huling paraan para malaman ang iyong undertone ay sa pamamagitan ng alahas. Kung nagco-complement sa balat mo ang yellow gold jewelries, warm ang undertone mo. Kung silver naman, cool ang undertone mo. Kung parehong bagay, neutral ang undertone mo.

Para sa mga may cool undertones, puwede sa inyo ang bright red lip shades. Para sa mga may warm undertone naman, bagay ang coral or orange shades. Ang mga dark mahoganies at deep browns ay safe para sa parehong may cool at warm undertones.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.